#8

18 2 1
                                    

"He called me immature Venice! Immature!"

Kausap ko ngayon si Venice sa video call at nasa kwarto na ako ngayon.

Maaga pa pero mas pinili kong magkulong sa kwarto. Crest is in the house at ayaw kong magkabangga kami. Baka hindi ko makontrol ang galit ko sa kaniya.

"Bakit hindi ba?"

"Venice!" Pagrereklamo ko pa at tumalon-talon pa ako sa kama sa inis.

"You are Christine. Ang immature mo sa mga ginagawa mo. Really? Ano ka? Kontrabida sa teleserye na may ipapasalvage? Nahihibang ka ba?!"

Ikinuwento ko kasi 'yong ginawa ko para kay Mila at katulad ng inasahan ko ay hindi niya iyon nagustuhan.

"Salvage agad? Hindi ba pwedeng gusto ko lang takutin dahil sa ginawa niya sa akin?"

"Mali pa rin iyon Tin! Are you out of your mind?"

I only tsked and ended the call.

Lagi na lang ganiyan si Venice sa akin. Alam kong may point siya pero may point din ako.

Bumuntong hininga ako bago sinara ang aking laptop at tumingin sa kisame.

Imbis na isipin pa ang mga sinabi ni Rhyme sa akin ay kaagad na akong natulog.

______

"Magkaibigan pala si Mila tsaka Rhyme ano?" Ayan ang bungad sa akin ni Venice nang nasa Canteen na kami at kumakain.

Lunch break namin.

"Sinabi ko na sayo 'yan kahapon right?" Tinaasan ko siya ng kilay while twirling the spaghetti pasta in my fork.

Hilig talaga nitong sirain ang araw ko.

"Wala lang. Napag-isip isip ko lang..." Tinukod nito ang siko sa at nangalumbaba habang malalim ang iniisip.

"What?" Mataray kong saad.

"Na...ipapasalvage mo si Mila kasi magkaibigan sila ni Rhyme"

Kaagad na umarko ang kilay ko at talagang nabitawan ko ang fork na hawak ko.

"Hell no!" Kaagad kong depensa. "Hindi ko nga alam na magkaibigan sila. Kahit pa magsama sila wala akong pake. I told that I did that just to scare that bitch. Ang exaggerated ng salvage mo"

She smirked before eating his lunch for the day.

"Pero hindi ka talaga nagseselos sa kanila?"

"Why would I be? Parehas silang cheap"

"Talaga ba? Hindi ka ba nagselos ng nagpakababa si Rhyme para lang hindi mo na galawin si Mila. Ang romantic right?"

Lalong nag-init ang ulo ko sa sinabi ni Venice. Nakakainis din ang nakakaasar nitong ngiti.

"Romantic? Ang corny kaya at kung ikaw nasa posisyon ko...kung alam ko lang na gagawin niya iyon, dapat nagpagawa ako ng mas nakakahiya. Dapat pinagiling ko siya na parang macho dancer. Tapos pinagtwerk ko! Tapos dapat pala pinaluhod ko habang sinasabi ang 'Ikaw ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa Christine Villafuerte'"

Bumunghalit ng tawa si Venice. "Ang dami mo namang sinabi. Selos ka lang ih"

"Hindi nga! Hampasin ko pa sila eh!"

"Stop that cheap already Tin. The more you deny, the more it's obvious"

Sinamaan ko ng tingin si Venice. "Bakit ba mas marunong ka pa sa akin? Ikaw ba nakakaramdam?"

"But that's how I can see. You like him."

Hindi ko na lang siya sinagot. Kahit ano namang sabihin ko, idedepensa niya ang sarili niya.

The Rich And The CheapWhere stories live. Discover now