#4

45 4 1
                                    

Pinalibot ko ang tingin sa mga scholar na nasa harapan ko. Ang disgusting tingnan kapag kaharap ko sila. Para silang pira-pirasong basura na nagsasama-sama.

Ew...

Nasa loob kami ng isang malaking meeting room. Every students brings their parents. All of them are seriously looking at me and I just gave them my bored face. Ang lakas ng loob nilang patalsikin ako without knowing na ang daddy ko ang may pinakamalaking shares sa paaralang ito. 

Kinuyom ko ang kamao ko lalo na ng mahagip ko ang babaeng  napag-alaman ko na siya ang nagpasimuno nito.

She is also the girl in the Canteen.

Mika Manalo

Napakalakas ng loob mo ah? Lagot ka sa akin.

Maling mali ka sa ginawa mo. Maling kalabanin ang isang tulad ko. Akala naman niya mapapatalsik niya ako ng gano'ng kadali!

"Ms. Villafuerte where are your parents?" Tanong ng Principal sa akin.

"Wala ang magulang ko. Hindi nila pag-aaksayahan ng panahon itong walang kwentang pagpupulong na ito" Maarte kong saad.

"Ms. Villafuerte! We don't tolerate that kind of attitude!" Malamig at maotoridad na ani ng Principal.

Umirap lang ako bilang sagot.

Maya-maya ay nagbukas ang pinto at iniluwa ang nagmamadaling secretary ni Daddy.

"Sorry I'm late!" Ani ng secretary ni Dad na si Carol at dali-daling lumapit sa akin.

Ngumiti siya sa akin na medyo hinihingal pa at tinapik ang aking balikat.

"Okay lang 'yan ah?" Bulong niya sa akin.

Tanging pagtango lang ang sagot ko bago nagsimula ang talakayan.

"Christine Villafuerte, these scholars in front of you accused you for bullying. Many of them said that you're degrading their status. You didn't respect them."

I crossed my arms and my eye brow shot up. "Mrs. Principal, sila ang mga walang respeto. Sila na nga 'tong cheap sila pa 'tong may ganang gawin 'to?"

"Christine! Quiet" saway sa akin ni secretary Carol. Tumikhim lang ako at umirap.

"Mrs. Principal baka naman po nagkakamali lang kayo. Kilala ko ang anak ng boss ko. Hindi naman po siya papatol kung walang ginagawa sa kaniya" pagtatanggol sakin ni Ate Carol.

"Wala naman talaga kaming ginagawa sa kaniya. Kung ano man ang nagawa namin, isa lamang iyong aksidente."
Singit ni Mika at may sinenyasan na babae.

Itinaas nito ang kamay. I look at the girl. Nang magtama ang tingin namin ay dali-dali siyang umiwas.

Oh! Siya yung babaeng tinapunan ako ng kape.

"I'm Anna...n-natapunan ko p-po ng 'd-di sinasadya y-yung kape sa dress n-niya. Nagsorry p-po ako no'n kaso sinaktan n-niya ako at p-pinunit ang uniform k-ko."

Nagsimula ng magbahagi ng kwento ang ilang scholars na nasa loob ng silid. Hindi ko na nga matandaan ang iba.

"As you can see, marami pa po siyang nabully kaya alam ko na hindi na siya nararapat sa paaralan na ito. Maaring masira ang reputasyon ng paaralan sa mga katulad niya."

"If hindi pa po kayo naniniwala. Meron pa kaming ilalabas na mga victim niya. Most of us here is the student she bullied". Please consider our complaints. Yes, oo, kami po ay scholars pero we want an equal treatment in this school."

My dad's secretary parted her lips as she look at me. Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan niya habang ako nanatiling nakatingin kay Mika.

Nangingitngit ko siyang tiningnan pero tanging isang ngisi ang binalik niya sa akin.

The Rich And The CheapWhere stories live. Discover now