#5

50 4 1
                                    

Gumising ako ng walang tulog at tulala.

Damn it.

What happened?

Anong ginawa ko kahapon?

Parang masisiraan ako sa ginawa ko.

We kissed

We kissed ....

"Talaga bang hinalikan at tinugon ko ang halik ng cheap na iyon?! My god Christine! Nababaliw ka na!" Pagmomonologue ko habang paikot-ikot ako sa aking kama at sinasabunutan ang sarili.

You enjoy every single of it Christine!

He even make your heart beating fast by just kissing you Christine!

His lips is like your favorite gum that you want to chew right?

Oh the f.

Inis kong sinalampak ang mukha sa unan para sumigaw ng malakas.

Anong ginawa ng cheap na iyon sa sistema ko. Hindi ito maaari!?!

Ayaw ko na pumasok. Shit! Shit! Shit!

Iniisip ko pa lang kapag nagkita kami. Feeling ko ngingitian ako ng cheap na iyon ng nakakaloko.

I don't want that to happen!

"Ma'am, mag-ayos na po kayo at naandiyan po ang papa niyo sa baba. Naghihintay" katok ng isa naming kasambahay.

Automatiko akong napatayo nang marinig ko ang word na 'papa'.

Mariin akong pumikit bago bumangon na para makapag-ayos. Hindi ko na nagawa 'yong usual morning routine ko. Basta mabilis ako naligo. Mabilisan din ang pagblower ko ng buhok bago ko sinuot ang aking uniform.

Hindi ko na inabala pang mag-light make up. Sa school ko na lang gagawin iyon.

Dala-dala ang aking bag ay lumabas na ako ng kwarto at pumunta kaagad sa dining hall.

Nakita ko si Dad with...Crest, my older sister.

Kaagad na lumingon ang dalawa sa akin nang maramdaman ang presensya ko. Nakataas ang kilay ni Crest sa akin habang mabagal na kumakain.

Ang sarap niya ring tarayan pero nanatiling nasa loob ang aking timpi.

Nang bumaling naman ako kay Dad ay mas malamig pa sa yelo ang tingin niya sa akin.

Kailan ba niya ako tiningnan ng sobrang lambot at may pagmamahal?

Dumako ang tingin ni Dad sa upuan na katapat ng upuan ni Crest at alam ko na agad ang ipinahihiwatig nito.

Mahigpit ang kapit ko sa bag habang matutunog naman ang hakbang ng mga takong ng sapatos ko sa tile habang lumalapit sa upuang tiningnan ni Dad.

"Goodmorning Dad..." Bumaling ako kay Crest. "Crest..." Labas sa ilong kong bati nang mabanggit ang pangalan niya.

"Walang good sa morning kapag ikaw ang kaharap" bulong niya na narinig ko naman.

"Crest" Masama siyang tiningnan ni Dad pero umirap lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

Kaagad naman lumapit ang katulong para bigyan ako ng plato at lagyan ng pagkain.

"So Carol told me what happened yesterday..."

I swallowed hard before grabbing my spoon and fork and start to eat.

"Is it true that you're degrading and bully some of the scholars of the school?"

Napatigil ako sa pagnguya at bahagyang kinabahan. Ang mahugong at madiin na pagsasalita ni Dad ang nagpakaba sa akin ng matindi while Crest look at me with a judgement.

The Rich And The CheapWhere stories live. Discover now