“Kailangan ko na kasing umuwi baka hinahanap na ako. E ikaw ba? Wala bang maghahanap sayo?” tanong ko.









“Bakit ang sungit mo?” I rolled my eyes at his question. “Umiiwas lang ako na ma issue.” sabi ko.







“Plus you have a girlfriend. So bye.” hinawakan nanaman niya ako sa braso para hindi ako maka alis.








Taena nilalamig na kaya ako! Letche naman.










“I don't have a girlfriend.” I laughed sarcastically. “Uh huh? Alam mo ba na masasaktan ang girlfriend mo sa ginagawa mong pagtanggi sa kanya?” tanong ko rito.








“If you're thinking about the girl yesterday well...she's not my girlfriend.” tiningnan ko lang siya. Kung ganoon mag ano sila? Fling fling lang?








“Sa bagay. Mga lalaki nga naman pero bahala ka na diyan! Aalis na ako.” ani nko at tuluyan nang umalis sa tubig.






“Wala man lang talagang thank you about doon sa phone??” sigaw pa niya pero hindi ko nalang pinansin.









I know that it's rude pero naiinis lang talaga ako. Naguguluhan ako sa mga kilos niya. Why is he even like that?








Mga mayayaman talaga, lahat ginagawang biro at laro puwes hindi ako makikipaglaro. Pagkabalik ko sa bahay ay naabutan kong tulog na ulit si papa sa sala.








Mabilis ang naging punta ko sa kuwarto dahil sa lamig na dulot ng paligid. Pagkabihis ko ay nahagip ng dalawa kong mata ang cellphone na bigay ng lalaking iyon.









Dinampot ko iyon at binuksan. Kinuha ko ang kulay puting cellphone na iyon at pinagmasdan ang likod at harap.








May design na mansanas na may kagat sa likod na silver. Alam ko kung paanong buhayin ang mga cellphone, hindi naman ako ganon ka inosente para hindi iyon malaman.









Pagbukas ko ng cellphone ay may tumambad agad sa aking mensahe. He really saved his number in this phone.







Alam kong sa kanya dahil may nakapangalan agad. “Dark...” sambit ko sa pangalan niya at pinindot ang mensahe niya.








Dark:

U left your slippers here.












Napaawang ang labi ko dahil doon! Shit oo nga! Ganon na ba talaga ako kadesperada na maka alis doon kaya nakalimutan ko ng mag tsinelas!?







Letche!







Anong I re-reply ko? May load ba ito? Pero wala namang mawawala kung hindi ko susubukan.














Ako:

Hayaan mo na diyan. Wala namang kukuha niyan diyan.

















Matapos kong i-type iyon ay agad na nagsend. Aba! May load nga! He really think na mag te-text ako sa kanya!










‘Well you just did.’ anang bahagi ng utak ko. I rolled my eyes. Yes I texted him but that's a reply!













Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now