"Sorry Parsa paulit ulit kong sasabihin na patawad. Alam kong hindi madaling ibigay iyon pero willing kong hintayin ang patawad mo. Pero sana si Aïs alam mo kung gaano ka niya kamahal kaya sana walang magbago sa pagiging magkapatid niyo."
Dagdag ko pa

Natahimik naman siya sandali bago muling magsalita

"Thank you Dem,pwede ka ng umalis"

"Parsa"

"Please okay na ako"
Aniya at pilit na ngiti ang binigay

Walang lingon likod na lumabas na ako ng condo niya at tuluyang umalis.

May gaan sa puso ko na parang nagawa ko na ang dapat kong gawin at ang isipin nalang ay kung pano namin ipapaalam sa lahat ang meron kami ni Aïs.

Alam ko na hindi importante ang sasabihin ng lahat ng tao pero gusto kong dumating yung araw na matanggap ng lahat ang relasyon na binuo naming dalawa.

We built our love in a mysterious way and we protect it for what we think is right.

Nasa parking na ako ng tumunog ang cellphone ko and si Love kaya agad ko itong sinagot

"Hello Love"
Ani ko pero tahimik lang ang kabilang linya

"Love"
Pag ulit ko pa

"Nasaan ka"
medyo nanginginig ang boses niyang sabi na parang katatapos lang umiyak

Napatingin pa ako sa paligid ko bago sumagot sa tanong niya

Sasabihin ko ba na nagpunta ako sa condo ni Parsa?

Selp yung totoo nalang ang sabihin mo para walang problema please

Pero nagtatalo ang isip ko kung ano ba talaga ang sasabihin ko kaya hindi ko naisip na iba ang nasabi ko

"Cafe kakatapos ko lang kausapin si Parsa"
After kong masabi yun ay biglang naputol ang linya

I tried to cantact her pero hindi na siya sumasagot

Tinawagan ko naman si Gabriana pero ganun din walang sumasagot

Nagmaneho ako ng mabilis pabalik sa hospital and agad na nilakbay ang daan papunta sa office niya pero pag pasok ko walang Anaïs akong nakita.

Sobrang kaba ang aking nadarama gayong hindi ko alam ang dahilan ng nararamdaman ko

Parang may mali sa nangyayari

Muli ko siyang tinawagan at wala pa rin sagot sa taong mahal ko

Nakasalubong ko pa si Doc Carlo kaya walang pagdadalawang isip na kinausap ko ito upang magtanong

"Good afternoon Doc"

"Yes Doc Harriet"

"Matanong ko lang kung nagkita na kayo ni Doc Aïs"
Nag aalala ko pang tanong

Nakunot noo naman siya bago ako sagutin

Itsura niyang parang may alam

"Parang nakita ko siya kanina,tama kasama niya si Doc Lucas at mukhang nagmamadaling umalis kanina"

"Salamat"
Ani ko at akmang aalis ng hawakan niya ako sa balikat

"Ayos ka lang ba Doc"

Tumango ako bilang sagot at galit na lumabas ng hospital

Magkasama sila?

Mukhang hindi niya nabanggit sa akin na meron pala silang lakad ni Lucas.

I reached for my phone at walang sawang tinawagan siya hanggang sa makasagot

Pero bigo aki sa akalang sasagot siya...

Muli akong nag dial and this time number na ni Lucas ang aking tinawagan

Wala pang tatlong ring ay siyang sinagot nito

"I want to talk to her"
Gigil kong sabi bago pa siya makapag salita

Buntong hininga at hikbi ang siyang naririnig ko

Bakit ba parang maykasalanan akong hindi ko alam

"Aïs"
Sigaw ko pa sa kabilang linya

"Lumayo kana Demi"
Sigaw naman ni Lucas at pinatay ang tawag

Tumawag naman ako kay Miguel para i-track kung nasaan si Aïs

Mabuti at wala pang 5 mins ay meron ng sagot

Parang matutumba ako sa pagkahilo at pangamba sa nalaman ko kung nasaan siya

Nasa CAFE SIYA SA TAPAT NG CONDO NI PARSA!

I LIED!

Pinaharurot ko ang sasakyan ko papunta cafe na yun at doon nakita kong nakayakap si Lucas kay Aïs

Scenario na minsan ko ng nakita at sinumpa

Parang bumabalik sa aking ala ala ang nangyari noon ng bumalik ako para sa kaniya

Tumindi ang galit ko sa pagbabalik tanaw na iyon kaya sinugod ko si Lucas at pinaulanan ng suntok

Halos mabura ang mukha niya sa suntok ko kung hindi pa ako pigilan ni Miguel na nakasunod pala sa akin kasama si Gabriana

"Demi ano ba"
Sigaw pa ni Aïs

Parang mas masakit ang makitang alalang alala siya kay Lucas

Yung dapat ako ang katabi niya pero siya itong nakayakap kay Lucas na para bang wala lang ako

Akmang susugod ulit ako kay Lucas ng humarang siya sa harap ko at sinampal ako ng malakas

Pero wala ang sakit ng sampal na yun kumapara sa mga nakita ko

"Umalis kana"
Mahina niyang usal na tama lang para marinig ko

Pero sa halip na umalis ay muli ko siyang tinanong sa gusto niyang mangyari

"Ulitin mo ang sinabi mo"

Mga luhang namuo sa gilid ng mata ay ngayon dumadaloy sa makinis niyang pisngi

Mga matang dumidilim ng dahil sa lungkot

"Umalis kana"
Pilit niyang sabi

Hindi ko intensyon na maitulak si Miguel sa galit ko at siyang napaatras

Naglakad ako naglakad ng malayong malayo

Mga paang wari koy hindi napapagod sa paglalakad

Bagkus itong puso ko ang siyang may malalang sakit na iniinda

Ipaglalaban ko ang akin!




Vote and Comment. 💚

LOVE SIN SERIES: LOVE TAKES TIME Where stories live. Discover now