“Sampung taon?!!!! Ang tinde naman non!”sigaw ni Jean.

“Oo, kelan pa nga yan nirentahan pero wala pa ring tumitira hanggang ngayon pero kahit ganon hindi ko na siya pwedeng parentahan sa iba o kahit sa inyo kaya pasensya na talaga.”

Parang mas aburido pa itong mga kasama ko kesa sa akin. Kung ten years, malabo ko na ulit mapasyalan ang apartment na 'to. Ibang iba yong pakiramdam ko….sobrang lungkot. Kahit ito na lang sana ang mabawi ko para kahit malayo si Jillian andito pa rin yong mga masasayang ala-ala naming dalawa.

“Manang baka pwede ko lang silipin yong loob? Kung okay lang po sana?” kinapalan ko na ang mukha ko dahil gusto ko lang sanang magpaalam ulit sa lugar na ito. Nagmadali na kasi ako nong umalis ako dito dahil sa pag uwi ko ng probinsya.

Matagal bago nagsalita ulit si Aling Martha. Akala ko di niya ako pagbibigyan pero sa bandang huli pumayag din siya.

“Pero saglit lang ha? Baka kasi biglang dumating yong nagrerenta nakakahiya.”

“Opo, saglit lang po talaga.”

Kinuha saglit ni Tita yong duplicate ng kwarto saka niya ito binuksan.

Pagpasok namin namangha ako, wala pa ring nagbago. Kung anong iniwan ko ganon pa rin ang ayos. Pigil na pigil ang luha ko nong pumasok ako ng kwarto.

Dito ko unang naranasan ang kakaibang pakiramdam nong yakapin ako Jillian.

Dito nagsimula ang lahat….sa kwartong ito.

“Isang matangkad na lalake ang nagrenta neto, medyo may edad na. Ibinigay ko na kasi akala ko hindi ka na talaga babalik dito.”

Napangiti na lang ako pero pilit kong itinatago yong lungkot na nararamdaman ko nong makita ko ang mga gamit na iniwan ko dito katulad ng sofa, cabinet at kama. Pati banyo pinasok ko at nakita ko pa don yong mga gamit na iniwan ko. Walang nagalaw kahit isa sa mga iyon. Nakakalungkot lang dahil hindi ko na makikita ulit ang mga ito paglabas ko ng pinto.

"Jillian sorry……nakuha na ng iba tong bahay natin."

Tahimik akong lumabas ng pinto, napalingon na lang ulit ako bago kami tuluyang umalis na tatlo.

“Okay ka lang ba, Anne?”

Tumango lang ako kay Jo at dire-diretso akong naglakad.

“Lika nga rito.” Si Jean sabay yakap sakin.“Humanap na lang tayo ng iba. Yong mas maganda. Wag ka ng malulungkot ha? Hindi bagay sa masungit na gaya mo.”

Napakaiyakin ko talaga dahil naluluha na naman ako. Pero di ko inaasahang magiging mabait ngayon tong si Jean.

Halos kalahating araw kaming naghanap ng matitirhan ko at dito malapit din sa campus kami nakakita ng apartment na tutuluyan ko habang andito ako sa Maynila.

Maayos naman at bagong gawa kaso iba pa rin kung yong dati sana, mas komportable ako doon kaso wala na, eh. Nakuha na ng iba. Pagkakuha ko ng susi ng bago kong apartment umalis ulit kami at dumiretso sa bahay ni Yana, naabutan namin don sina Frances, Atasha at Ellaine na nagluluto ng miryenda habang si Yana naman abala sa pagta-type sa laptop niya.

“Jean, sana dinaanan niyo na si Wendy para kasama nating magmiryenda?” si Frances.

“Ayokong kausap yon, kaaway ko yon! Kayo na lang sumundo sa kanya.” Sagot ni Jean saka nito binuksan ang fridge para kumuha ng maiinom.

“Lahat na lang inaaway mo! Ako na nga lang susundo sa kanya wala ka talagang silbi!” Sabi ni Frances saka nito hinubad ang apron na suot niya.

“Nagsalita ang may silbi! Lumayas ka dito sa pamamahay ni Yana! Hindi nababagay ang tulad mo dito. Layas!” sigaw ni Jean kay Frances. Ito namang si Frances ibinato kay Jean ang  hawak niyang kaserola sabay takbo palabas ng bahay ni Yana.

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Where stories live. Discover now