Chapter 9

84K 1K 127
                                    

Jillian Fuentes

Excited! Yan ang lagi kong nararamdaman. Syempre in love ako eh.

Katatapos lang ng monthsary namin ng babe ko. Hiyang hiya talaga ako sa binigay kong sulat. Baka pinagtawanan ng babe ko yon. hehe

Para akong tanga, halos liparin ko papuntang kotse nong maihatid ko siya sa apartment niya nong gabing yon. Pano excited akong buksan yong gift niya sakin. Nanginginig pa nga ako habang binubuksan ko yong regalo niya sakin pero ingat na ingat ako na wag mapunit yong gift wrap dahil itatago ko yon.

Isipin niyo ng baliw ako pero lahat ata ng mga binibigay niya sakin tinatago ko lahat yon sa isang box, mapa-balat ng candy nakatago. haha

Bakit ba!

Pagbukas ko ng box isang Charriol bracelet ang laman.

Wow! Mahilig ako sa ganitong bracelet.

Inubos na ata ng babe ko yong sahod niya para sa bracelet na gift niya sakin.

Syempre sinuot ko agad.

Yun oh! Astig, may bracelet na ako at galing pa sa babe ko.

Umuwi din ako agad nong gabing yon para makapahinga naman siya.

....

"Jillian may naiintindihan ka ba?" si Jo.

"Wala." sagot ko.

Andito kami sa classroom, magkakatabi kaming apat. Habang nagdidiscuss yong Prof inaantok naman ako. Wala talaga akong naiintindihan.

Hikab ako ng hikab.

Gusto ko matulog!

"Ako din wala."

"Jo, ang ganda ng gift sakin ng babe ko. Tingnan mo." saka ko pinakita yong bracelet.

Bulungan lang kami.

"Wow, gusto ko din ng ganyan."

"Uy, wag kang gagaya." sabi ko.

Aba, sumimangot ba naman.

Pati si Jean na katabi ni Jo, pinagmayabang ko din tong bracelet ko. hehe

Ngumiti lang siya.

Ang boring di ko man lang makausap tong babe ko!

Kainis!

Nangalumbaba na lang ako pagkatapos ko magyabang saka tumingin sa pinto.

"Rrrmm"

Hmm?

Napatatingin ako sa harapan.

Sakin pala nakatingin yong Prof namin kaya umayos agad ako ng upo, baka bigla akong tawagin at magcompute sa blackboard.

Naku! Patay ako pag nagkataon.

Pagkatapos nitong 2nd subject, lumabas muna kami kasi may vacant kaming one hour. Himala di na ako inaantok.

Umupo muna kami dito sa bench ng babe ko.

Magrereview kami dahil may quiz kami mamaya.

Akalain mo nagrereview na ako. hehe

Dati kasi panay kopya ko lang kay Jean.

"Jillian inaantok ako."

"Hmm? Tulog ka dito sa balikat ko babe."

"Hmmm sige paidlip nga." sabi niya saka humilig sa balikat ko.

Akalain mo yon!

Ano kaya nakain niya?

Flares of Dawn | Jillian Fuentes Book 2 (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon