pilit ko namang inaalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya,

" teka lang!!,, saan ba tayo pupunta ha??!!" tanong ko

" basta sumama ka na lang!" sagot niya na di man lang nalingon.

pagdating namin sa parking lot agad naman niya akong pinapasok sa loob ng kotse niya,

tahimik lang siyang nagdadrive habang wala naman akong ideya kung san ba kami pupunta.

pagdating namin sa mall agad kaming pumasok sa isang sosyal na salon

T-teka? SALON? ANONG GAGAWIN NAMIN DITO?

"Goodmorning sir" bati sa kanya nung mga tao dun,WoW si R lang talaga ang babatiin? ano ako dito?banino niya?

"si Tita Lucy nandito ba?" tanong ni R dun sa isang babae

"Yes sir, teka lang po tatawagin ko!" sagot nito

"okay" tapos naupo kami.

maya maya lang may lumabas sa isang kwarto dun na isang napakagandang babae na sa tingin ko ay 30 plus na pero di lang halata,

"Rain! how are you?" bati nito kay R!!,,

wait?;tama ba ang narinig ko? Rain? As in Ulan? hahahaha, mas malala pa nga yun sa Apple ehh,

agad namang kaming tumayo ni R at nakipag beso beso siya dun sa babae,

"so,what brings you here?" tanong nito

"ahh bago yan tita, I just want you to meet, Mae"  sabi ni R sabay turo sakin, "my Girlfriend" proud na sabi nito sa Tita niya,

"And Mae, Tita Lucy my favorite tita of all" pakilala naman ni R sakin sa Tita niya

"Hi po!" sagot ko naman

" ohh, such a lovely girl!" sagot nito habang nakipagbeso sakin.

"tita, i want------"

"yeah! I know!" sagot nung Tita niya

Weeehh? alam niya na kung anong gustong gawin ni R? ganun?

"Weehh,alam mo?"tanong ni R.

" of couse i knew! hindi ka naman magdadala ng babae dito kung ayaw mong ayusan ko diba?" sagot ng tita niyA.

"ahmm,sort of!" sagot niya..

"ok so, lets start with, Hair!" masiglang sagot ni Tita Lucy

"Huh? ayos naman ang buhok ko ha?" sagot ko.

sa totoo lang ayaw ko talaga sa lahat ang pinuputalan ng buhok.aba inalagaan ko toh ng major major tapos sisirain lang nila?

" actually hindi naman natin puputulan ng sobra, lalagyan lang natin ng konting style!" sagot ni Tita Lucy.

"Mae, wag kanang choosy! ako naman ang magbabayad ehh" bulong naman ni R,,

"sige tita, iwan ko muna sainyo di Mae, may bibilhin lang ako jan sandali" pagpapaalam ni R.

tapos nag kiss siya sa cheeks ni tita Lucy, ganun rin sakin, nabigla nga ako ehh,

paglabas niya ng salon,, agad naman akong inaya ni Tita Lucy. Syempre wala na rin akong nagawa kaya sumunod na lang ako. Pinaupo ako ni Tita Lucy sa isa sa mga upuan dun tapos sinimulan na akong ayusan ng mga trabador niya. Binawasan nila ng konti yung buhok ko, tapos nilagyan nila ng konting highlights. Pagkatapos nun kinulot nila yung dulong part ng buhok ko para daw wavy tignan. Pagkatapos nun, nilagyan nila ako ng light make-up,pinasuot rin nila ako ng shorts at isang simpleng blouse, tapos pinasuot nila ako ng higheels,

GIRLFRIEND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon