chapter 37

2.4K 78 1
                                    

(R's POV)

Ang saya saya ng araw ko ngayon, bati na kami ni Mansanas,tapos na ang mga kailangan tapusin sa trabaho, at higit sa lahat' wala ng Sorra na sisira ng araw ko!! Yeah!!!

Speaking of Sorra, kaninang madaling araw, pumunta siya dun sa bahay ko, ewan ko nga kung bakit eh..

Sabi niya mahal niya daw ako, kahit nagawa kong i-busted siya nung highschool, di parin daw yun nagbabago, inamin niya rin na galit talaga siya sakin nung ginawa ko yun sa kanya pero nung makita niya raw ulit ako pagkatapos ng ilang taon, agad din daw yung nawala, kaya pala si Mansanas ang sinaktan niya??.

Ang totoo kasi niyan nung highschool kami, alam ko naman na may gusto na siya sakin e. But I busted her, ayoko sa kanya noh, and to think na crush din siya nung time na yun ni Derry na hanggang ngayon mahal siya..hihihi ang problema nga lang, siya naman tong ayaw kay Derry. Ewan ko ba jan kay Sorra sarap sabunutan.

Sinabi ko na lang na di ko talaga siya gusto,sabi naman niya magpapakamatay daw siya. Sagot ko naman, bahala siya sa buhay niya.

Tapos yun, umiyak na ng umiyak. Tapos umalis rin lang naman, tanga??

Ah, basta bahala siya kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya.Lasing nga ata yun eh.

Nandito ako ngayon sa office,wala rin naman na akong ginagawa dahil sa tapos ko na lahat ng kailangan tapusin,Ang hirap rin magkaroon ng photoshop ha!, nakakapagod lalo na kapag may mga events na dapat puntahan katulad ng mga weddings,birthdays at iba pa..

Naramdaman ko na nagvibrate yung phone ko, tinignan ko naman kung sino ang tumatawag,si Mama, bakit kaya?

"Hello Mommy?"

"Hi nak, I just wanna tell you something"

"Ano po yun?"

"Ahm, your dads coming back',is that ok with you?"

"Ha?"

S-si Dad? Uuwi ng pinas? Bat why? Diba may iba na siyang pamilya?

Yeah, may ibang pamilya ang Dad ko, kaya nung bata ako, galit na galit ako sa kanya, nakita ko na siya twice, yung una nung 7th birthday ko and the 2nd time, when I graduated in highschool. Di ko naman siya nun pinapansin, pero si Mom? Kitang kita ko kung gano siya kasaya nung pumunta si Dad sa 7th birthday ko,same when I graduated in highschool,

I was just a 5years old kid nung iwan niya kami ng Mom ko,Sumama siya sa babae niya, at bumuo ng pamilya sa Germany, habang si Mommy sobrang nasasaktan sa pagiwan niya samin. And I know na hanggang ngayon, nasasaktan parin si Mom sa fact na may iba ng pamilya si Dad, di niya yun matanggap. Yub ang dahilan kung bakit galit na galit ako sa kanya.

Ano naman kaya ang dahilan niya at pupunta siya dito??

"Hello? Rain? Are you still there?" Tanong ni mom sa kabilang linya.

"Ah,y-yeah,bakit nga pala siya uuwi? At pano niyo nalaman?"

"Tumawag siya sakin, gusto ka raw niyang makausap."

"Para saan naman ang paguusapan namin?"

"Sorry but,.. I dont know."

Di na ako sumagot at binabaan na lang siya ng telepono. Ayoko makita ang pagmumukuha ng lalaking yun.

(Derry's POV)

Akalain niyo yun? May PoV din pala ako?, grabe akala ko hanggang extra lang ako eh. Si Miss otor naman kasi, ilang chapters na ang dumaan di man lang ako binigyan ng POV, ngayon lang. Kung kailan, nasa 37 na ang chapter,samantalang si Rain at Apple, ang dami ng POV, unfair ka otor!!!, NASAN ANG HUSTIYA!!!!.

(otor: gusto mo balian kita ng leeg?)

Hihihi sorry naman otor, ok ito.

Ehem.. nandito ako ngayon sa Clubhouse namin, siguro naman alam niyo yun diba?, kaming dalawa lang ni Mike ang nandito, wala sina Carl, at Orly,ewan kung saan pumunta yung dalawang kumag.

Alas 12:00 na ng gabi pero di parin ako makatulog, nalaman ko kasi na palagi daw nandun si Sorra sa bahay ni Rain. Nagaalala tuloy ako..

Si Sorra kasi yung tipo ng babae na kapag gusto niya ang isang bagay o tao, ay gagawin niya lahat kahit makasakit na siya ng tao, nagtext din sakin si Apple na nagaway daw sila nun nung isang araw.

Aaminin ko na sainyo guys, gusto ko si Sorra eversince when we are in highschool, at sa tingin ko hindi ko lang siya gusto, kundi mahal ko na siya, oo mahal ko siya. Nung makita ko siya sa mall the first time, di ako nagdalawang isip na siya nga yun, ganun parin siya same as old Sorra, maingay, maganda, at warfreak,, I know its weird pero yung pagiging warfreak niya ang nagpainlove sakin, di ko nga rin alam kung bakit.

Lumabas ako ng clubhouse at tumambay sa may gate nito ng may dumaang isang babaeng pamilyar sakin, may kasama siyang lalaki, nakaakbay yung lalaki dun sa babae, tapos yung babae naman parang lasing. Tumigil sila sa tapat ng poste ng ilaw, at dun ko nakomperma na yung babae ay si.....

si Sorra!..

Watdahell! Ang ginagawa niya kasama ang isang manyak na lalaki.

"Dont touch you bitch!" Sigaw ni Sorra.

"Wag kana pakipot miss.,, alam kong gusto mo naman eh." Sagot ng lalaki sabay halik sa leeg ni Sorra.

"Help!!" Sigaw ni Sorra.

Agad akong tumakbo papunta sakanilang dalawa.

Pagkarating ko fun agad kong pinagsususuntok yung lalaki at pinaalis ito.

Tinignan ko naman si Sorra na nasa nakaupo sa daan habang yakap yakap ang dalawang binti niya at nakapatong ang ulo sa mga tuhod niya habang umiiyak.

"Sorra!, ok ka lang ba?" Tanong ko sa kanya, inangat naman niya ang ulo niya at tinignan ko,patuloy parin siya sa pagiyak. Tapos bigla na lang niya ako niyakap.

"*sob* thank *sob* you".

Sagot niya.

"That's ok, tara na," aya ko sa kanya.

-

Nandito kami ngayon sa balcony ng clubhouse.

"Ok ka na?" Tanong ko sa kanya sabay bigay ng hot chocolate at saka umupo sa tabi niya.

Nakaupo kami sa sahig ngayon habang nakatingin siya sa langit.

"Salamat" sagot niya ng maiabot ko sa kanya yung hot chocolate.

Ilang oras na ang nakalipas pero wala paring nagiimikan saming dalawa, nabibingi na nga ako sa katahimikan eh.

"Sorry ha." Nabigla naman ako sa bigla pagsalita ni Sorra.

"Sorry saan?" Tanong ko naman.

"Sa... mga nagawa ko sayo noon, pati na rin ngayon.,alam ko naman na simula nung highschool, may gusto kana sakin, at binalewala ko lang yun.Sorry talaga Derry,pero di ko kasi rin kasi maibabalik ang nararamdaman mo para sakin," pasimple niyang pinunasan yung luhang tumulo sa pisngi niya.

"...sana pala ikaw na lang ang nagustuhan at minahal ko, siguro kung nangyari yun,di ako masasaktan ng ganto ngayon dahil kay Rain.. ngayon ko lang kasi narealize, na simula nung highschool, ikaw palagi ang nagtatanggol sakin,palagi kang nanjan pagkailangan ko ng tulong,samantalang si Rain na palagi akong pinagtatabuyan, siya lang ang napapansin ko, samantalang ikaw... hindi ko napapansin, nabulag ako sa kagustuhan kong mapasakin si Rain... kaya sorry talaga Derry.." tapos may tumulo ulit na luha mula sa mga mata niya.

Nginitian ko siya saka hinawakan ang kaliwang pisngi niya saka pinunasan yung luhang tumulo mula roon,.

"Kahit naman di mo maibalik ang nararamdaman ko para sayo, nandito lang ako palagi sa tabi mo,Sorra." Bilin ko sa kanya saka siya niyakap.

Pero mas ikinabigla ko nung yakapin niya rin ako pabalik..

Sana,ganto na lang palagi....


Ang sarap sa feeling... :)

GIRLFRIEND FOR HIREWhere stories live. Discover now