chapter 25

3K 87 1
                                    

Pagkapasok ko agad akong sumandal sa pintuan.. Ito na nga ba ang sinasabi ko ehh. Kahit anong gawin kong pagiwas kay Ulan makikita at makikita ko parin talaga siya!..

Habang nakasandal ako sa pintuan walang tigil parin sa pag doorbell si Ulan..

Naman!! Umalis kana please!!…

Mga ilang minuto rin ang nakalipas at buti naman at tumigil na siya sa kakadoorbell. Buti naman kung ganon ..

Umakyat na lang ako at nagtungo sa kwarto tyaka ko binagsak ang sarili sa kama.. tinignan ko ang orasan mag aalas dose na ng hating gabi,naman tapos nagugutom pa ako..nakakainis naman oh!!..

Bumaba na lang ulit ako at saka nanood ng t.v.. maya maya lang ay may narinig akong nag doorbell.

Agad akong lumingon sa pintuan..sino kaya yun?? Baka si Ulan na naman yan?.hinintay ko ulit na mag doorbell pero wala namang sumunod..

Pinagiisipan ko tuloy kung bubuksan ko o hindi..Lumapit na ako sa pintuan..

Bubuksan ko ba o hindi??

Hay!!bahala na, wala rin naman mangyayari kung  lalayuan ko siya.

Huminga ako ng malalim tyaka ko binukansan ng tuluyan ang pintuan..

Pero......

(*_*??) Huh???

*lingon lingon*

(--_____--     )

(   --_______--)

Wala namang tao,sino kaya yun??.tumingin ako sa paligid pero wala namang tao ang tanging nakita ko lang ay isang paper bag na nasa tapat ng pintuan ng pintuan ko.

Teka lang? Ito yung -----------...

Uh My God!!!!

Napatakip ako ng bibig ko... ito yung.. yung paper bag na dala kanina ni Ulan.. galing kaya toh sa kanya.??

Well sa tingin ko galing nga sa kanya..

Binuksan ko yun at merong isang cute na cute na teddy bear...medyo maliit nga lang siya pero ang cute cute parin.. alam talaga ni Ulan na mahilig ako sa mga cute na teddy bears..

Nang makita ko yun ay di ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti.Niyakap ko yung bear at may nakita akong isang maliit na papel, parang note??. Bago ko basahin yun ay punasok muna ako ng bahay.

Nung makapasok na ako ay binasa ko yung note at ito ang nakasulat.

Alam kong miss na miss mo na ako,kasi ako miss na miss na kita ehh..

Wow ha! Yan talaga ang unang nakasulat?? Well totoo naman yun, miss na miss ko na nga rin siguro siya.

Nagustuhan mo ba yung teddy bear?? Siguro Oo kasi alam kong mahilig ka sa mga ganyan ehh.. ikaw ha!! Nakakaraming teddy bear kana sakin..!!

Oo nagustuhan ko!! At sorry naman!! Kasalanan mo rin naman ehh, binibilhan mo ko ng teddy bear'

Sa totoo lang binili ko yan para naman sa tuwing namimiss mo ko,para mo na rin akong kasama', ikaw kasi ehh!! Bat ka ba lumalayo sakin?? Di tuloy tayo maka paglakwatsya...halos tatlong linggo na simula nung di ka nagpakita sakin at hindi rin ako papayag na abutan pa toh ng isang buwan..buti na lang at dito ka na pala nakatira sa harap ng bahay ko!! Hahahahaha mas mababantayan na kita ngayon.. :D

Sige Goodnight!! Sweetdreams.

-- Ulan xD

hindi ko namalayan na abot hanggang noo na pala ang ngiti ko!!

GIRLFRIEND FOR HIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon