"Sorry na,kaya mundo dahil para sa akin simula ng nakita at nakilala kita ikaw na ang naging mundo ko. At sayo lang umiikot ang buhay ko Love. I can't live without you "
Malambing ko pang sabi habang tutok ang mukha sa mukha niyang napaka ganda

Mas kumunot noo siya at pilit na kumakawala sa mga braso ko

"Hep tingin mo saan ka mapunta aking mahal"
Ani ko at mas hinigpitan ang yakap

"Ewan ko sayo,ganyan ba talaga pag natagal na kasama ako nagiging baduy ka"
Natatawa niyang sabi

Wow baduy pero sa kaniya lang ako naging ganito

Yung nasasabi mo ang mga bagay na hindi ko akalain na masasabi ko sa babaeng mahal ko

"Ayos lang na baduy kinikilig ka naman e"
Natatawa ko pang sabi

"Excuse me natutuwa okay"
Pagtatama pa niya

Ewan ko lang pero siya lang ata nakita kong babae na mas gustong NATUTUWA ANG SINASABI KESA KINIKILIG

Ang weird diba?

Weird pero mahal na mahal mo naman selp!

"Opo,masyado ko bang natuwa ang Love ko"

"sobra mo po akong pinatuwa Love kaya love na love kita e. Kung ako ang mundo mo sobra akong nagpapasalamat dahil sayo ko naramdaman ang paghahalaga at pagmamahal na hinahanap ko. Ikaw ang nagiging sandalan at pahinga ng magulong mundo na tulad ko Love"
Aniya at siya ng yumakap sa akin

Parang may kuryente sa puso ko ang sinabi niya na mas nakakapagpatibok dito

Mahal na mahal ko ang nag iisang Aïs

"Kahit anong mangyari Love ikaw at ikaw ang pipiliin at ipaglalaban ko dahil mahal na mahal kita mula noon hanggang ngayon"

"Mas mahal na mahal kita"







Matapos ako magluto ng breakfast ay saktong labas niya ng kwarto

Grabe pag babae talaga tagal mag ayos

Imagine bago ako magluto nag aayos na siya tapos ngayon lang natapos!

"Bango naman ng luto mo mukhang masarap ha"
Pag puri pa niya at naupo sa harap ko

"Oo naman para sa Love ko yan and pagtatama ko lang ha mas masarap ako"
Nang aakit ko pang sabi

"magtigil ka bilisan na natin at baka malate tayo madami ka pang pasyente okay"
Aniya at nagsimula ng kumain

Paano ko ba sasabihin sa kaniya ang about sa pakikipag usap ko kay Parsa

Gusto ko kasi na alam niya bago ko kausapin

"Love"
Pagtawag ko sa atensyon niya na abala sa cellphone

"Hmmm"

"Kasi yu..

Naputol ko ang sasabihin ko ng tumunog ang cellphone niya at kaagad na sinagot ito

Yun ata ang hinihintay niyang call kanina pa

Tumayo pa siya at lumayo para mas magkaintindihan sila ng kausap niya

Lumipas ang 5 minuto ay bumalik siya sa upuan

"Sino yun"
Tanong ko pa

"Gabriana"

"Bakit daw"

"About sa pasyente"

"Mo?"

"Niya,wait bakit andami mong tanong"
naiirita niyang sagot

LOVE SIN SERIES: LOVE TAKES TIME Where stories live. Discover now