"Okay na ba 'to?"I have been reading my article for nth times na.  Tahimik lamang ako sa pwesto ko kung saan kasalukuyang ginaganap ang screening ng mga aspiring writers ng Callisto. Nga pala, Callisto ang pangalan ng publication ng campus namin. Sa totoo nga lang, never did I expect na darating ang araw na makakapag-screening ako sa isa sa mga pinakasikat na student pub ng university na pinapasukan ko. During my freshman year, I was really thinking na maybe writing is not really for me after a series of disappointments nung nasa high school pa ako.

I am on the second sem of my freshman year na kaya I decided to maybe give myself a chance to enjoy college life by doing the thing that I have loved since high school. But after a sem ay wala pa akong nasalihang school org ni isa. There was a time that I was invited by my classmates and friends to join the debate club ngunit ako na ang huminde. Natatakot ako sa posibleng mangyari. I am afraid to speak in a huge crowd and be laughed at for my views. It took me a semester din  bago ko naisipang sumalang sa screening ng school pub.Dalawang taon na ang palaging sagot ko sa mga taong nais akong kunin bilang parte ng kanilang samahan ay hinde. Hindi sa ayoko lang. Ayokong sumali sa mga organisasyon dito sa school dahil takot ako sa responsibilidad. Yung laging iniisip ko lang is magfocus sa acads and not to put myself in a situation na mahihirapan na kung ano ang mas uunahin sa dalawa.

"Is this good na ba? Will I get accepted?" Nagmimistula na akong baliw kakatanong sa aking sarili. Maginaw ang hanging lumalabas ngayon sa air conditioner na nakapuwesto sa kabilang banda. Nang ilibot ko ang aking paningin sa paligid, I just realized that maliit na lang kaming natitira sa screening area. Maski ang proctor ay nakita kong tutok na tutok sa kaniyang relo, na wari naiinip na kakahintay kung kelan kami matatapos. I even hear other aspirants' deep breaths, as they wrote the ending statement of their articles, which for me is already normal, given that hinde naman kami lahat na nag-undergo ng screening ang makukuha. 

Seryoso lang silang nakatutok sa kanilang papel. Ang iba nama'y abalang isinusulat ang bawat ideyang lumalabas sa kanilang isipan,samantalang ako naman ay kampante lang na nakaupo. Inoobserbahan ang iilan na nandito ngayon sa screening area. May iba sa kanila na dikit na dikit ang mata sa papel na sinusulatan; iyon bang mga klase ng tao na hinde nauubosan ng ideya sa isinusulat. May iba namang di man lang umabot ng 30 minutes ay nagsubmit na ng kanilang write-ups, and may mga mangilan-ngilan naman na panay ang ngiti habang hinihintay ang kani-kanilang kasabay na matapos sa pagsusulat. 

"I think I have put my heart into this. If I will not get accepted, so be it. I will try the next time."

I carefully placed my ballpen in my case at muling ipinasok sa bag. Hawak ko ngayon ang puting papel na puno na ngayon ng mga letra. Hawak ko na ngayon ang papel na siyang babasahin ng mga hahatol sa sulat ko. This paper will determine what kind of future I have in this university. Kung hinde man papasa sa kung anong standards meron sila, eh di fine. At least, I was able to experience again this kind of feeling. 

Lahat ng ulo'y napatayo nang tumunog ang alarm.Natitiyak kong maski sila ay nakaramdam din ng kaba sa ingay na iyon. Kita ko ang pagkintab ng mga mata ng proctor namin na wari ba sinasabi nitong 'Yes, matatapos na rin!'

"Twenty-five minutes remaining..." Inaayos na ng proctor ngayon ang pares ng kaniyang glasses na wala sa saktong ayos.Katamtaman ang kaniyang tangkad,singkit ang mga mata.Napagkamalan ko tuloy siya kanina na may lahing Tsino dahil dito. Hindi maipagkakailang maputi rin ang kulay ng kaniyang balat. Ngumiti lang ito sa amin at pagkatapos ay nakatuon na ang paningin sa screen ng kaniyang cellphone.

Mula sa aking bulsa ay kinuha ko ang kahuli-hulihang kendi na natira nang bumili ako sa kabilang tindahan bago ako tumayo at nagsimula nang bumaba para magpasa.

'Swertehin ka sana' nasabi ko na lang sa sarili kong papel habang dahan-dahan ang aking paghakbang patungo kay Kuya Intsik. Hindi ko alam ang kaniyang pangalan kaya Kuya Intsik na muna ang itatawag ko sa kaniya. Wala lang kibo ito sa kaniyang mesa nang nakalaput na ako sa kaniya. Abala siguro sa ibang bagay, sabi ko sa sarili.

"Done?" Tumango lang ako sa kaniya bilang sagot. Kinuha na niya ito mula sa aking kamay at binasa ang simula ng siping isinulat ko. Lagot na.Nakakahiya.Hindi pa naman ako kuntento sa naisulat ko.Paano kung hindi niya magustuhan? Sunud-sunod na wika ko sa aking sarili.

"Huwag mong isipin na hindi niya magugustuhan ang isinulat mo.Ang importante ay sinubukan mo.Ano naman ngayon kung hindi niya nagustuhan? Siya ba ang magbibigay ng huling hatol kung matatanggap ba ako o hinde?"

Sa huling pagkakataon ay muli kong ibinalik ang aking tingin sa building kung saan ako kani-kanina lang.Natatawa ako sa sarili ko nang alalahanin ko ang buong pangyayari mula sa paggawa ng magandang pamagat hanggang sa pagtatapos ng aking sipi.Gaya ng paggawa ng kuwento,may simula at katapusan din ang lahat gaya na lamang ngayon.Kinakabahan man ako't pinagpapawisan kakaisip kung anong magiging laman ng sariling akda ko ngunit nagawa ko pa rin itong tapusin nang mas maaga pa sa nakatakdang oras.

Meeting ZeroStories to obsess over. Discover now