"Oh, ayan na pala ang kapatid nyo." Pahayag ni Mom. Sabay-sabay kaming bumaling sa direksyon kung saan sya nakatingin. At nakita namin si Kuya na naglalakad palapit sa amin. Pero mas nakatawag ng pansin ko ay ang bulaklak na hawak nya. Nang makarating sya kung nasaan kami ay marahas nyang iniabot ang bulaklak sa akin. It is a bouquet that consist of many kinds of flower in one color. Purple. My favorite. At hindi ko na kailangang tanungin kung kanino galing yun.

Jagi,
      Let's meet after your graduation. I'm here in the garden.

Love,
You...💖

Napangiti ako bigla. I thought he can't make it. But he did, he's here.

"Yun lang pala makakawala ng badtrip. Dapat kanina pa kita binilhan ng flowers. At kulog, anong nakain mo at binigyan mo yan ng bulaklak?" Madaldal na usisa ni Kuya Storm.

"Para namang akin yan."

_________________

Mabilis na lumipas ang oras kaya hindi ko namalayan na tapos na ang graduation namin. Mabilis akong nagpaalam kina daddy dahil didiretso sana kaming sa isang restaurant pero sinabi kong susunod na lang ako. Nang pinayagan ako nina dad ay mabilis kong tinungo ang garden. Madilim na since pagabi na kaya matagal akong nakarating doon. Pero ng makarating ako ay sobrang dilim at parang walang tao. Hindi ko mapigilang mainis habang nililibot ko ang tingin ko sa buong garden ng school namin. Napapadyak ako at nagdesisyon na umalis na. Alang namang mag-stay ako dun. Anong gagawin ko, makikipag-usap sa dilim, ganun?

Pagtalikod ko ay saka naman biglang bumukas ang ilaw na nasa tapat ko. Bigla akong nanginig sa takot. Taena, minumulto pa ata ako. Buwisit ka talaga Jungkook.

Pero agad napalis ang takot ng may nag-strum ng gitara. Matapos niyon ay paisa-isa din na bumukas ang ilaw na hindi ko alam na meron pala sa garden. And there he is, looking so handsome with his black ripped pants and a purple shirt. Holding a guitar and a mic on his center.

Playing: Statue...

Hindi ko mapigilang maiyak habang nakatingin sa kanyang kumakanta. I really love this man.

Dahan-dahan syang lumapit sa akin with his guitar but leaving his mic. Nasa harap ko na sya habang kinakanta ang huling verse ng kanta. Napapikit ako sa tindi ng emosyon na nakikita ko sa mga mata nya.

"Jagi..."

Hindi na ako sumagot. Mabilis akong tumalon at yumakap sa kanya at ibinaon ang mukha sa dibdib nya. Narinig ko ang mahinang pagtawa nya sa ginawa ko.

"Na-miss mo ako Jagi?"

"H-hindi. Hindi kita na-miss." Mahina kong tugon.

"Hindi lang kita na-miss. Miss na miss na miss na miss times 1000 kita."

Naramdaman kong mas humigpit ang yakap nya sa akin at ang magaang halik sa buhok ko. I really love everything about this man. I love hugging him. I love kissing him. I love to smile and laugh with him. I love to be with him. And I love loving him.

Nakahilig lang ako sa dibdib nya habang patuloy kaming sumasayaw ng mabagal. Matapos kasi syang kumanta ay pumalit ang isang mahinang tugtugin. Napapikit lang ako habang patuloy na ninanamnam ang bawat sandali na malapit kaming dalawa.

"Masaya ka ba Jagi? Pasensya na hindi ako nagpakita sayo sa graduation mo. Inayos ko kasi 'to. Pero sumilip naman ako sayo. Ang ganda-ganda mo kanina." bulong nya sa tenga ko ikinahagikhik ko. Pasensya naman. Malakas kiliti ko dyan e.

"Bat kanina lang? Hindi na ako maganda ngayon kung ganun?" sikmat ko sa kanya ng makabawi.

"Maganda ka kanina. Pero mas maganda ka ngayon habang yakap kita."

Hindi ko mapigilang pamulahan ng pisngi. His words are really sweet. And I can't help but to fall deeper for him.

"Bolero ka talagang gago ka."

"Na-gago pa ako." He snickers. "Trust me Jagi. I maybe tease you a lot. But trust me when i say that you are beautiful. Because you are.

Dahan-dahan akong tumingala para tignan sya. I can feel my cheeks heating up and i know pulang-pula na ako dahil sa sobrang kilig sa mga sinasabi nya.

Sinalubong naman ako ng mga mata nya. I can see how his eyes twinkles out of love. Feeling ko tuloy ako na ang pinakamagandang babae sa kanyang mata. Suddenly, he bent down his head reaching my forehead. He plant small kisses on it. Hindi ko mapigilang mapapikit sa ginagawa nya.

"Jagi, I'm giving something to you." Tiningnan ko sya ng tinanggal nya ang yakap sa akin at naglakad papunta sa isang gilid. Maya-maya ay nasa harap ko na sya ulit holding a small purple rectangular box. He opens it and got a thing a from it. It was a necklace. A purple colored raindrop pendant is hanging from the silver lace.

"Happy graduation Jagi..."

Yumakap sya sakin para maisuot ang kwintas sa leeg ko. His lips on my forehead a planting small kisses. Nakahawak naman ako sa pendant habang nakapikit. I can feel my heart bursting because of happiness. I so love this man.



~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

END OF CHAPTER SEVEN🧚

My Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED)Where stories live. Discover now