My Youth is Called EXO

12 0 0
                                    

Date: April 24, 20**
Time: 9pm

Para sa mga taong mahal na mahal ko,

     Salamat sa pagpapaganda at pagbibigay kulay sa madilim kong mundo. Ang mahalin at suportahan kayo ang pinakamatinong desisyon na ginawa ko. Gusto ko malaman niyo na sobra kayong mahalaga sa buhay ko, hindi niyo man alam ang pangalan ko patuloy pa rin kayo ang tatangkilikin ko. Lagi nang nawawagi sa aking isipan kung gaano ako kaswerte dahil nabuhay ako sa generation na kasama kayo. Iba rin pala 'yung saya na mararamdaman mo kung 'yung mga taong mahalaga sayo at mahal na mahal mo makakasama mo hanggang sa pagtanda, salamat at pinaramdam niyo sa akin 'yan. Salamat sa pagbibigay inspirasyon sa akin na magpatuloy pa sa buhay sa tuwing napanghihinaan ako ng loob. Salamat sa mga ngiti niyo na nagbibigay kahulugan na magiging maayos din ang lahat, na hindi ako nag-iisa sa laban na matagal ko nang gustong sukuan. Ang tagal na rin pala simula nung nagdebut kayo, pero sariwa pa rin sa alaala ko kung gaano kalakas ang epekto niyo at niyanig niyo ang madilim kong mundo. Sa tagal ng panahon madami ang nagbago, may lumagas ngunit may dumagdag na mas lalong nagpatibay ng pagsasamahan natin. Ang daming dahilan para sumuko pero patuloy kayo sa pagbibigay ng madami pang dahilan para magpatuloy. Para sa minamahal kong EXO, asahan niyo na kasama niyo ako palagi sa mga saya man o kahit sa hapdi, haharapin natin 'yan lahat ng magkasama. Hawakan niyo lang nang mahigpit ang kamay ng bawat isa at kahit ano pa ang dumating na sakuna magiging matatag at matibay tayo hanggang sa dumating tayo sa punto na hinding-hindi na tayo matitinag pa ng kahit ano. Ako ito, ang eri niyo na nangangakong magiging kasangga niyo hanggang dulo.

Liham para kay OppaΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα