PROLOGUE

20 1 4
                                        


WARNING: SPG |R-18|MATURED CONTENT..
~~~~~

KASABAY nang pagbagsak ng malakas na ulan ay ang pagbagsak ng luha ni Sharalyn.

Hinding-hindi niya makakalimutan ang pagtataksil na nasaksihan niya sa condo ng kaniyang nobyo. Nadatnan niya ang mga ito na walang saplot at umiindayog sa ibabaw ng babaeng ahas na hindi niya akalain ay magagawa siya nitong pagtaksilan siya, sa lahat ng tao, ang kapatid pa niya ang lumapastangan at nagtaksil sa kaniya, at ng kaniyang asawa.

Sobrang sakit nito para kay Sharalyn, at hindi niya lubos akalain na ganito ang gagawin nila sa kaniya. Nakilala niya ang nobyo na malumanay at gentleman, yun ang pagkakakilala niya rito at nagpa-ibig sa kaniya noong nanliligaw pa lamang ito sa kaniya.

Nakilala niya ito sa resto noong nagkataong may meeting siya sa business partner niya, upang mapag usapan ang sinasabing pangangailangan ng naturang kompanya nila.

Aksidente niyang nabunggo si Gerome at natapunan ng wine sa damit nito, at doon na nagsimula ang pag kakaibigan nila na nauwi kalaunan ng pag-iibigan.

Ngunit biglang nagbago.

Hindi niya lubos akalain na magtataksil ang kanyang nobyo dahil inaakala niyang matino ito at hinding hindi magagawa ang manloko. Ang masaklap pa doon ay kapatid pa niya ang kinabit nito na kung tutuosin ay hinding-hindi na mapaghihiwalay dahil sa sobrang closeness nila nito. Halos masuka siya nang masaksihan ang kababoyan ng mga ito sa kaniya.

Mga walanghiya.

FLASHBACK

Ilang araw na rin niyang napapansin ang panlalamig ng kanyang nobyo at ang pagkawala ng oras nito sa kanya.
Lagi nitong rason ang pagka-busy nito sa trabaho niya.

Anniversary nila ngayon kaya naisipan ni Sharalyn na sorpresahin ang pinakamamahal niyang nobyo na si Gerome. At upang makabawi narin sa mga araw na hindi sila nagkasama nito. Matamis ang ngiti niya habang nagmamaneho papunta sa sikat na cake shop sa lugar nila. Malapit lamang iyon sa condong tinitirhan nila ng kaniyang nobyong si Gerome.

Matagal din siyang nawala dahil sa inaasikaso niya sa La Santina'ng bagong tayo na branch ng kanilang sikat na restaurant. At hindi niya pinaalam rito ang pagbabalik niya mula sa ilang araw na business trip niya.

Bumili siya ng cake na paboritong-paborito ng kanyang nobyo. Pagkatapos niyang bumili ay agad siyang nagtungo sa condo nito. Pagkapark niya ng kanyang kotse sa parking lot ay agad siyang lumabas at sumakay sa kakabukas lang na elevator. Hindi alam ni Sharalyn kung bakit habang tumataas ang elevator patungo sa palapag kung saan naroroon ang nobyo niya ay ganon na lamang ang pagbilis ng tibok ng puso niya.

Huli niyang naramdaman ang ganitong pakiramdam nang malaman niyang nagtaksil ang nobyo niya noong teenager pa lamang siya. Nang madatnan niya noong nakikipaghalikan noon ang ex niya sa isang kaibigan niya.

Nang maalala niya ang pangyayaring iyon ay mabilis niyang ipinilig ang ulo para mawala ang ala-alang iyon na matagal na niyang naibaon sa lupa. Ngumiti na lamang siya at inalala kung ano ang sadya niya sa kinaroroonan niya ngayon.

Sa palagay niya ay excitement lamang ito na makikita niyang muli ang pinakamamahal niyang nobyo. Naisipan niyang buksan na ang cake para mapadali nalang ang pagbibigay nito sa nobyo dahil sigurado siyang sasalubong agad ito sa kaniya, dahil ito ang ugali nito dati noong sila ay bago pa.

Nasa harap na siya ng pinto ng kanyang nobyo at dahil may duplicate keys naman siya ay agad niya iyong ginamit para buksan ang pinto. Excited na siyang sopresahin ito, at paniguradong matutuwa ito sa balita niya.

Chase HerWhere stories live. Discover now