Chapter 13 : They are gone

Start from the beginning
                                    

"Na-nakapatay ako," hindi makapaniwalang sabi ko sa sarili ko. Hindi ko na napigilan pang humagulgol dahil nakita ko ang pag-agos ng dugo sa tagiliran ng babaeng binaril ko. "H-hindi... s-sorry," wala sa sarili kong saad.

"Eunice, ginawa mo lang t-tama," sabi ni Charles nang makalapit siya sa akin. Tulak-tulak pa rin niya ang cart na ngayo'y may tilamsik ng dugo mula sa babae. "T-tara na. Baka may nakarinig ng putok ng baril. Delikado na tayo rito. Tara n-na," dagdag pa niya habang hinihimas-himas ang leeg niya. Namumula iyon at bakat pa ang kamay ng babaeng sumakal sa kaniya.

Wala akong imik. Namalayan ko na lang na tinutulungan ko na si Charles sa paglilipat ng mga nakalagay sa cart papunta sa compartment ng kotse niya. Umiiyak ako na parang batang aping-api pero ilang ulit akong pinapatahan ni Charles. Nasa loob na rin ng sasakyan si Hershie at tumahan na ito sa pagiyak. 'Yun nga lang, nakatulala itong nanunuod sa amin ni Charles.

Agad na sinara ni Charles ang compartment ng kotse niya nang matapos kami sa paglilipat ng mga laman ng cart. Pinagbuksan niya ako ng pintuan kaya agad akong pumasok at nagsuot ng seat belt kahit hindi na malinaw ang mga nakikita ko dahil sa dami ng luha na hindi pa rin tumitigil sa pagpatak at paguunahan sa pagtulo.

"Eunice, ginawa mo lang ang dapat. Kung hindi mo siya pinatay. Baka ako ang napatay niya," for the nth time, sabi ni Charles. Mahina ito at sinigurado niyang kami lang ang makakarinig dahil may bata kaming kasama sa backseat.

"P-pero pharmacist ako Charles. Tungkulin kong pangalagaan ang buhay ng tao. Health worker pa rin ako," giit ko.

"Alam ko," hinawakan ni Charles ang nanginginig kong kamay bago niya buhayin ang makina ng kotse niya. "P-pero hindi na tao 'yon. Nakita mo kung anong kaya niyang gawin. You saw her almost killing me. Naunahan lang natin siya," pagkumbinsi pa rin niya sa akin.

Pinunasan ko na lamang ang mga luha ko at nagtapang-tapangan.

"Magdrive k-ka na. B-baka may papunta na r-rito," saad ko. Tumango na lamang siya bago nagsimulang paandarin ang kotse. Napatingin naman ako sa batang nasa backseat at tulalang nakatingin sa labas ng bintana. "Ang pangalan niya ay Hershie. Mama niya 'yung... 'yung babaeng..." napatikhom ako dahil hindi ko magawang sabihin na pumatay ako.

"It's okay Eunice," pinilit ni Charles na ngumiti sa akin kahit pa maging siya ay nalulungkot sa sinapit ng mama ni Hershie. "Hey kiddo, want some chocolate?" Tanong ni Charles sa bata pero hindi ito sumagot sa tanong niya.

"H-hayaan muna natin siya," tangi ko na lamang saad.

"Yeah. I think that's the best we can do, for now," tugon ni Charles bago muling hawakan ang kamay ko. "I thought I'm going to lose you," aniya na nagpabilis sa tibok ng puso ko. I shouldn't feel this thing sa ganitong oras. Pero ito ang nararamdaman ko. I can't deny the fact na meron na talagang epekto sa akin si Charles.

"P-pero ayos---"

Napahinto ako sa pagsasalita nang biglang umikot ang paningin ko. Sobrang bilis no'n kaya siguradong hindi 'yon dulot ng pagandar ng sasakyan. Para akong hinatak ng lupa pailalim. Para bang nahulog ako sa whirlpool at dinala ako sa kailaliman nito.

"Eunice? Ayos ka lang ba?" Dinig kong tanong ni Charles sa akin.

Sinundan ko ng titig ang boses niya. Pero wala akong makita. Narinig ko ang boses niya. At katabi ko lang siya kanina. Pero ngayon, nasa isa akong madilim na lugar. Pamilyar na lugar at hindi ko alam kung paano ako napunta rito.

"S-sorry. Napalakas yata."

"Claude! Mas'yadong brutal ang ginawa mo!"

Si Mandy! Naririnig ko siya. Pero hindi ko siya makita. Base sa boses niya, malapit lang siya sa kinatatayuan ko. Mas lalo ko tuloy sinuri ang lugar kung nasaan ako. Doon lang rumehistro sa utak ko ang detalyadong disenyo ng bawat furniture, at ang salamin na dati kong pinagtinginan ng sarili kong repleksyon.

Narito ako sa bahay ni Charles. Pero paano ako napunta rito?

"S-sorry. Ayos ka lang ba? Ka-kaya mo bang tumayo?"

Si Claude. Alam kong si Claude 'yon. Pero tulad nang nauna, narinig ko lang ang boses nito. Hindi ko siya makita kahit pa ramdam kong sobrang lapit ko sa kaniya. Sa kanila ni Mandy.

"Mandy! Claude!" Sigaw ko habang tumitingin-tingin sa paligid. "Nasaan kayo?" Tanong ko bago nagsimulang maglakad para maghanap ng kahit anong senyales nila Mandy.

Pero hindi pa man ako nakakalayo sa kinalulugaran ko, may malagkit na bagay akong naapakan. At naramdaman ko ang pagpitpit ng bagay na 'yon kasabay ng paglikha nito ng malambot na tunog na parang may lobong sumabog o pumutok.

Napatingin ako sa sahig.

At halos masuka ako nang makita ko kung anong meron sa sahig, at kung anong naapakan ko. Isa 'yong mata na ngayo'y pitpit na dahil naapakan ko, at may mangilan-ngilang parte ng utak na nagkalat sa buong sahig. Kalat din sa buong lugar ang dugo at mga tilamsik nito sa pader.

"S-sir Arellano!?" Hindi makapaniwalang tanong ko bago impit na napaiyak sa bangkay na nasa sahig.

Pinagmasdan ko 'tong mabuti, hanggang sa dalhin ako ng mga mata ko sa kamay nito. Ang isa sa mga 'yon ay may singsing.

Eto 'yung singsing na nakita ko noong tumingin ako sa salamin. 'Yung singsing na hindi ko alam kung sino ang may-ari. Pero ngayon kilala ko na, it's Sir Arellano's ring.

"Eunice? Ayos ka lang ba? Nandito na tayo," napatingin ako sa gilid ko nang maramdaman ko ang pag-uga sa akin.

"Ch-Charles," hindi makapaniwalang saad ko. Napatingin ako sa kalagayan ko. Nakaupo ako sa loob ng kotse, at nasa likuran pa rin si Hershie. Tulala pa rin ito sa labas ng bintana. Napatingin na rin ako sa labas mg bintana, at nakita kong nasa tapat na kami ng bahay ni Charles.

Paanong?

"Ipapasok ko na sa garahe ang kotse," sabi ni Charles kaya tumango na lamang ako. "Namumutla ka yata?" Aniya pa.

"H-ha?" Tanong ko pero umiling na lang ito bago pinasok sa nakabukas na garahe ang kotse niya.

"Bakit nakabukas 'to?" Tanong ni Charles. Pagkapark niya, bumaba na kami sa kotse pero agad siyang napatigil at napansin ko 'yon.

"Ba-bakit?" Kinakabahan kong tanong.

"Wala 'yung kotse ni Mandy," saad niya kaya mas lalong humigpit ang yakap ko kay Hershie na karga ko ngayon. "Sandali. Dito lang kayo. Titingnan ko kung nasa loob sila," sabi ni Charles kaya wala akong nagawa kung 'di maghintay sa pagbabalik niya sa garahe. Pumasok siya sa loob ng bahay.

Hingal na hingal siyang bumalik sa akin, at may kabadong ekspresyon sa mukha.

"Wa-wala na sila rito. A-at may bangkay sa lo-loob," aniya kaya malalim akong napasinghap ng hangin. "Si---"

"Si Sir Arellano," sabi ko kaya napakunot ang noo niya at nagtataka kung paano ko nalaman.

"Paano mo nalaman?"

"Hindi na importante," maging ako kinakabahan Charles. Ayoko nang malaman kung paano ko nalaman. "Ang importante, malaman natin kung nasaan sila Mandy ngayon," saad ko bago muling gapangin ng kaba ang sistema ko.

SuicidiumWhere stories live. Discover now