PAPER HEARTS

5 0 0
                                        



I was walking through the corridors on the way to locker area. I just finished my afternoon class for today. When I reached my locker I was shocked to see another paper in a heart shape yet again. Yes, it's been a week since I started receiving such. It was kinda cute but I find it weird sometimes. Like I mean, what for right?

Sa bawat laman ng mga papel na iyon ay mayroong mga nakasulat na mga salitang gustong ipahiwatig ng kung sino man ang nag-iiwan nito dito.

"Smile sunshine :)"

Iyan ang nakasulat sa papel para sa araw na ito. Sa bawat araw na nagdaan iba-iba ang nakasulat sa mga papel na may hugis puso. Mayroon doon na pinaalalahanan akong huwag kalitaan ang pagkain o di kaya'y pag-inom ng maraming tubig. Ang sweet diba?

I find it creepy sometimes because what if this is a stalker? What if may masamang balak pala ang taong ito at kinukuha lang ang loob ko for a certain purpose right? I know it's unusual but it's not impossible right?

Ang weird kasi first time kong maka-experience nang ganito. A love letter? Old fashion diba? Masyado nga yata akong nasanay na kapag may nagkakagusto sa akin lantaran o di kaya'y casual na sinasabi yun sa akin ng kung sino mang nagkakagusto sa'kin. I was kinda popular dito sa school, laging pambato sa mga contest. May it be beauty contest or quiz bee. Kaya hindi ko sila masisi.

"You've been all over that paper hearts huh." Puna ni Candy sa akin habang nakatingin sa akin na tinititigan naman ang mga papel.

It's been months at hindi pa rin tumitigil ang sender sa kapapadala. Ilang buwan na at hindi pa rin siya nagpapakilala. At hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit masyado ko atang pinagtutuunan ng pansin ang mga papel na ito. Ano kaya'ng mutibo ng nagpapadala? Sweet at caring naman siya sa mga sulat niya. May gusto nga ba talaga ito sa akin? Kung ganon, bakit ayaw niya'ng pormal na magpakilala? Walang lakas ng loob? Lokohan. Wala ng torpe sa panahon ngayon halos puro na manloloko.

In those months that had passed I found myself also being fond of those letters. I don't know why I kept on re-reading those I have read already. Sometimes I just found myself smiling like an idiot reading those. I can't help it. It's just so cute. Maybe the sender is really shy huh, no guts on introducing himself. Day by day he gets sweeter and sweeter and I don't know what to do about it and I don't know how to feel about it. I think I'm captivated and this is so crazy.

Hindi ko alam kung saa ako nabibighani. Sa sulat o sa sumusulat? Hindi ko alam at ayaw kong alamin alin man sa dalawa dahil hindi ko dapat ito nararamdaman kung ano man ito.

Maraming mga katanungan sa aking isipan, hindi ko na alam kung alin ang uunahin. Napapaisip ako, ano kayang itsura ng nagpapadala? Gwapo ba siya o panget? Matangkad o pandak? Maputi o Moreno? Alin man sa mga katangian na mga iyan ay wala nang halahaga 'pagkat kung pagbabasehan ang kanyang mga sulat mukha naman siya'ng maayos. Mabait. Yan ang importante sa lahat.

Isang hapon muntik na akong mapatalon nang makatanggap na naman ng panibagong sulat at lahat yata ng katanungan sa aking isipan ay biglang naglaho ng mabasa ko ang nakasulat.

"School Garden at 4 pm"

Iyan ang nakasulat sa papel, hindi ko masyadong maintindihan ngunit, hinuha ko ito na yata ang panahon na magpapakilala siya sa akin? Sa isiping iyon masyado akong na excite at nawala na lahat ng mga iniisip ko. Nawala ng parang bula ang mga tanong sa aking isipan.

Pagkatapos ng klase namin sa araw na iyon dumiretso na agad ako sa school garden. Maraming mga estudyante tumatambay bago umuwi. Pumwesto agad ako sa isang upuan doon kung saan libre at walang tao. Dito nalang ako maghihintay at panigurado namang kilala ako ng taong nagpapadala sa akin diba? Nahihibang na nga yata ako. Alam ko sa sarili ko na maaaring delikado itong ginagawa ko, pero mas nanaig sa akin ang kagustuhang makita at makilala ang taong nasa likod ng mga papel na may hugis puso, ang masugid na nagpapadala ng mga mensaheng minsang nagpapatibok ng mabilis sa puso ko.

Limang minuto bago mag alas 4 ng hapon ay may nakita akong lalaking papalapit sa akin. Nagtaka ako. Anong ginagawa niya dito? Bago pa madagdagan ang mga katanungan sa aking isipan nakalapit na siya sa akin.

"Ella..." tawag niya sa akin.

"Oh Rafael, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa batch mate naming palaging binubully dahil sa mga tigyawat niya.

Palaging napagtitripan si Rafael dito sa school dahil sa pormahan niyang masyadong old fashion. Badoy. Samahan pa ng napakadaming pimples sa mukha niya. Masyado na nga yata akong maarte para isiping nangdidiri ako sa kanya. Pero hindi ko maiwasan, dahil 'yon talaga ang aking nararamdaman. Kaya naman hindi ko maisip at lubosang matanggap kung siya nga ang nagpapadala sa akin ng mga sulat na iyon. Alam kung nasabi kong hindi mahalaga ang itsura pero kasi, nag expect ako? Nag expect ako ng iba kaya marahil nadi-disappoint lang ako. Hipokrita nga siguro ako. Pero ganon naman talaga minsan diba?

"Makikipagkita sana sa'yo..." Nahihiya niya'ng sinabi at nagbaba ng tingin.

So ibig sabihin nito ay siya nga talaga ang nagpapadala ng mga sulat? Hindi ako makapaniwala. Natameme ako sandal at napatitig sa kaniya habang pinoproseso ng utak ko ang mga nangyayari.

"Ang ibig mo bang sabihin ay ikaw ang nagpapadala sa akin nitong mga sulat?" Gulat ko paring tanong sa kaniya.

Dahan-dahan siyang tumango at nag-iwas ng tingin sa'kin bago yumuko. "Oo Ella. Ako yung na-nagpapadala sa'yo ng mga sulat araw-araw." Tumigil siya saglit upang huminga. Kita ko sa mukha niya ang takot, pagkabahala at kaba.

Hindi pa rin ako nakapagsalita kaya nagpatuloy siya. "Noong nasa 7th Grade pa lang tayo at bagong lipat ka n-noon sa school. M-marami na talagang nagkakagusto sa iyo noon pa kaya wala akong lakas ng loob na makipaglapit sa iyo."

"Ano bayang mga pinagsasabi mo Rafael?" Naka-kunot noong sabi ko at ako rin mismo nahihimigan ang inis sa aking boses hindi ko nga lang alam kung paraan saan. Kung para sa kanya ba o para sa sitwasyong meron ako ngayon. Hindi ko alam.

"G-gusto kita Ella, matagal n-na."

May ideya na ako sa bagay na iyon pero hindi ko parin naiwasan na magulat sa sinabi niya. Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko matanggap. Sa sobrang inis at pandidiri ko bigla ko siyang tinalikuran at iniwan doon na nalilito.

"WHAT? Grabe naman yung ginawa mo tita wala kang heart! Napaka judgmental mo pa!" bulalas sa akin ng pamangkin kong si Vaye dalang-dala sa kwento ko sa kanila. Natawa na lang ako kasi kung babalikan yung mga nangyari noon tama siya at napaka jundgmental ko nga talaga.

"So ibig niyong sabihin noon tita after that, hindi na kayo nag kita?" kuryusong tanong naman ni Jaime ang nakababatang kapatid ni Vaye.

"Nagkikita pa naman kami noon sa school pero iniwasan ko siya besides, hindi naman talaga kami close in the first place but I know to myself na parang may mali. Hindi ko ma pinpoint kung alin ang mali, basta alam kong may mali – may kulang. And that's when I realized that maybe I did like him even before when he was still behind those paper hearts. Narealize ko na masyado ako'ng nagpadala sa pagkakakilala ko sa kanya. That he's ugly, he's weird, very unusual. So out of my league. But the truth is, I didn't really know him and I judged him through his physical attributes. I realized everything and thought that maybe there's still a chance for us, that I want to take a chance to get to know him better, to know more about him. So I messaged him one time and told him that I wanted to talk to him but he was on a vacation with his family, and so I waited 'till their vacations over. But then again, I guess fate isn't really in favor of us." Sabi ko at bigla nalang ako napayuko, nanghihina nang maalala ang sumunod na nangyari. Para tuloy hindi ko madugtungan ang aking kwento.

"Ano pong nangyare tita?" nag-aalalang tanong ni Jaime.

Pumikit ako at huminga nang malalim, kumukuha nang lakas ng loob upang masabi ko ang sumunod na nangyare. Hindi pa nga ako nakapagsasalita bigla nalang tumulo ang aking luha,"Pauwi na sila ng kanyang pamilya nang maaksidente ang bus na sinasakyan nila." Huminto ako saglit at nagpatuloy, "Nasawi ang buong pamilya ni Rafael kasama siya." 

PAPER HEARTSOù les histoires vivent. Découvrez maintenant