Tangent

3 1 0
                                    


"Ms. Bautista!" sigaw ng lalaking di ko naman kilala habang naglalakad ako sa hallway ng building namin papunta sa classroom namin.

Syempre last nane ko yun kaya tumingin ako sa aking likuran. Tumingin tingin din ako sa paligid kaming dalawa lang. So nag-assume ako na siya yung tumawag saakin. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa direksiyon ko.

Tinitigan ko siya habang naglalakad ang gwapo niya. Angganda ng kanyang labi, mapungay na mata, matangos na ilong, at makapal na kilay.

Diko namalayang nandito na pala siya sa harap ko. Nginitian niya ako. Ang gaganda ng kanyang dimples. Feeling ko matutunaw na ako dito sa harap niya.

"Ms. nalaglag mo itong I.D. mo kanina." I like his sexy voice. Ang sarap pakinggan. Kinuha ko yung I.D. ko. Oo nga pala baka nahulog ko kanina nung pinakita ko sa guard.

Nagpasalamat ako sa kanya. Tumango siya at nginitian niya ako ng isang beses at umalis na rin siya.

Sunod ko siyang nakita nung fiesta sa aming barangay. Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya simula nung sinundan niya ako sa hallwayng building namin.

Nagulat ako kasi umakyat siya sa stage tapos kinausap siya nung Emcee. Tumayo siya ng maayos at kinuha yung mic. Don't tell me he's going to sing.

"Aawit po ako ngayon at ang aawitin ko ay inaalay ko sa isang dalagang bumihag ng aking puso." pagkatapos niyang sabihin ay tumingin siya saakin at ngumiti ng nakakaloko. Kinilig ako dun haha.

Nalaman kong graduating student pala siya habang ako ay grade 11 student. Nalungkot ako kasi pagkatapos ng graduation nila ay hindi ko na siya nakita pang muli.

Minsan habang naglalakad ako sa mall nagdadasal ako na sana makita ko siya. Syempre malay mo makasalubong ko siya. Pero hanggang sa grumaduate ako ay di ko parin siya nakikita. Ni hindi ko man lang nasabi na mahal ko siya. Anong pangalan niya? Ilang taon na siya?

Ni hindi siya nawala sa isip ko. After 1 year wala parin akong balita sa kanya. Dumating rin yung time na nawalan na ako ng gana na hanapin siya. Sinubukan kong tanungin sa mga naging classmate niya kung nasaan siya pero hindi nila alam. Kahit dalawang beses ko palang siya nakikita. Siya na lagi ang hinahanap ko.

Sobrang sakit kasi paano kung may gf na pala siya ngayon? Paano kung wala naman talaga siyang pake saakin kung nakita niya ako? Paano na? Edi nganga na kung ganon. Umaasa ako sa wala. Umaasa ako sa bagay na dapat wala naman talagang dapat asahan. Dumating narin yung araw na talagang sumuko na ako. Nililibang ko nalang sarili ko. Nakikipag date ako sa iba. Nagtatravel kung saan-saan. Pero isang araw may nakita akong bulaklak at sulat sa pintuan ng apartment ko.

"Ms. Bautista maari ba akong dumalo sa iyong ika-labin siyam na kaarawan?"

Walang nakalagay kung kanino galing. Sa dami ba naman ng dinate ko. Malay ko ba kung kanino galing. Pero isang bagay lang ang pianghahawakan ko kasi sa lahat ng manliligaw ko walang tumawag saakin ng 'Ms. Bautista'. Muling nabuhay ang loob ko na mayroon siyang pakealam saakin. Di na ako makapag hintay sa aking kaarawan. Dalawang araw na lang.

Excited na ako. Talagang siya parin ang gusto ko. Siya parin yung hinahanap hanap ko.

Dumating na yung araw na pinaka hihintay ko. Nagsidatingan narin yung mga bisita at kaibigan ko. Hinintay ko siya.

"Oh bess di ka pa ba kakain?" tanong ng isa kong kaibigan.

"Oo kakain ako mamaya may hinihintay lang ako" sagot ko sakanya.

"Naks naman, boyfriend mo?" tanong niya na kinagulat ko.

"Hindi ah"

"Oh defensive" sabi niya kaya nagtawanan kaming dalawa. Atleast gumaan ng kauntii ang pakiramdam ko.

Alas tres na ng hapon wala pa rin siya. Baka prank lang yun? Baka wala naman talagang darating? The heck! Andaming tumatakbo sa isip ko.

Alas singko na ng hapon pero wala parin siya. Wala parin dumarating. Panay narin ang tingin ko saaking relo. Nagsiuwian narin yung mga ibang bisita ko.

"Sis mauna na kami malayo pa kasi ang uuwian namin" paalam saakin ng isa kong kaibigan.

"Sige sis magingat kayo sa pag uwi maraming salamat sa pagpunta."

"Sige sis thank you."

Tumango ako bilang pagsagot. Hanggang sa nakauwi na silang lahat. Wala parin yung hinihintay ko. Napag pasyahan kong maglinis na lang para makapagpahinga na ako mamaya.

Naiinis ako sa tadhana. Ganon na ba talaga yun? Hanggang dun nalang ba ang kwento namin? So that time when I was finally alone, I cried. Umiiyak na ako habang naglilinis. Nagpupulot ako ng mga plastic cups na nahulog sa damuhan. Iniyak ko lahat ng sama ng loob ko. Habang umiiyak ako may nakita akong isang lalaki na nakatayo sa gate.

It's him! Feeling ko tumigil ang mundo ko. Biglang kumalabog ang puso ko. Tumakbo ako ng mabilis papunta sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit. Humagulgol na ako sa dibdib niya. Wala na akong pake kung may makakita saamin. Kung pinagtitinginan na kami nga mga tao. Wala na akong pake.

"Ms. Bautista" sabi niya at niyakap ako pabalik.

"Antagal kong hinintay tong pagkakataon na ito. Sobrang tagal mong nawala. Hinanap kita kung saan-saan pero di kita nakita." Iyak na ako ng iyak. Gusto kong magsalita pero wala ng lumalabas na boses sa bunganga ko.

Ngayon masasabi ko nang mahal na mahal ko siya gayong nakita ko na siya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya. Tinignan ko siya sa mata. Biglang lumungkot ang kanyang mga mata. Parang may gusto siyang sabihin na di niya masabi-sabi.

"I'm sorry ngayon ko lang nasabi sa'yo ito. Ayaw ko kasing magulo ang birthday celebration mo" sabi niya saakin. Iba ang kabog ng dibdib ko.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sakanya.

"A-attend sana si kuya sa birthday mo kaninang umaga kaso naaksidente siya. Bumangga ang sinasakyan niyang kotse sa isang truck. Ikaw lagi ang kinukwento niya saamin habang kumakain kami. Ms. Bautista diyan Ms. Bautista dito. Ikaw lagi ang bukam-bibig niya. Masaya akong nakikita siyang nakangiti habang ikaw ang pinaguusapan namin. Kaso hindi siya nakaligtas sa aksidente."

Tumulo ang luha ko. Napakasakit parang paulit-ulit na dinudurog ang puso ko. Tuloy parin ako sa pagiyak at pag hikbi.

"I-Im so-sorry" gumaralgal na ang kanyang boses "it took me time to tell you. Mahal na mahal na mahal ka ng kuya ko simula nung mapulot niya yung I.D. mo. Alam mo bang ito dapat ang araw na tatanungin ka niya kung pwede ba siyang manligaw sa'yo".

Napahawak ako sa bibig ko at pinipigilan ang paghikbi habang sunod-sunod na pumapatak ang luha ko. Bakit ganito? Ngayon lang ako nagmahal ng todo. Bakit? Wala man lang akong ideya.

Antagal kong naghintay na bumalik siya. Bakit Lord. Bakit andaya-daya mo? Napaluhod ako sa sakit ng nararamdaman ko. Humahagulgol na ako ng malakas. Sana nilapitan ko nalang siya pagkatapos niyang kumanta sa stage. Edi sana matagal na kaming magkakilala. Bakit? Bakit hindi ko naisip yun?

Siguro nga minahal niya ako ng sobra. But I was to blind to notice. Binabalewala ko ang mga maliliit na bagay. At ngayon nandito ako nagsisisi kasi hindi na siya magiging akin kailanman. Kahit anong gawin ko.

I love you so much. Sana masaya ka na ngayon kung nasaan ka man. Mamahalin kita palagi higit pa sa buhay ko. Hanggang ngayon maghihintay parin ako sa'yo kahit alam kong di kana darating.

TANGENT -- lines that had one chance to meet then parted forever. Sa madaling salita pinagtagpo kami pero di itinadhana."

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now