"May problema ba anak? Napapansin kong nananamlay ka." Ani mommy na hindi ko napansin na nakatitig sa'kin.

"Tinatanong pa ba yan mommy? Syempre dahil sa 'Jagiya' nya." Nang-aasar na saad ni Kuya Storm.

Pinandilatan ko si Kuya Storm kaya natahimik sya.

"Anak, hindi naman sa hindi kami suportado sa inyo pero kasi napakabata nyo pa. Madami pa kayong kayang marating kaya wag nyo na muna seryosohin ang relasyon nyo. Gawin nyo na munang inspirasyon ang bawat isa at kapag tamang panahon na, kung kayo talaga ay magiging kayo. Don't rush things honey." My mom is right, masyado ko nang dinidibdib na wala siya sa tabi ko. Marami ng naaapektuhan.

"Mom, diba na-mimiss lang ang sinabi ko, bat andami nyo ng sinabi?" Sabat ni Kuya Storm.

Natawa ako kay Kuya Storm, sabagay din. Para naman kasing mag-aasawa na ako sa mga sinabi ni mom.

"Do you want to study in Seoul? To continue your middle school?"

Nabaling ang tingin namin kay dad dahil sa sinabi nya. Sa Seoul? It means makakasama ko sya?

"A-are you serious dad?"

"I am princess, but promise me one thing. Don't do anything reckless there and you need to be on top."

Those words didn't registers on my mind. Ang nanatili lang na nakatatak sa utak ko ay ang pag-aaral ko sa Seoul.

"Are we clear Princess?"

"Yes dad, oh my god, i love you so much daddy."

Napatayo ako sa tuwa at mabilis na lumapit sa kinauupuan ni dad to give him a kiss and a hug. God, I'm so excited. I'm sure he will be shock kapag makita nya ako na nasa Seoul. I can't wait to see him.

"So ganun, si daddy mo lang ang love mo." Nagtatampong sabat ni mom.

Mabilis akong kumalas kay dad at lumapit kay mom para mayakap ko din sya.

"Of course I love you too mom."

I'm so excited, we will meet soon Jagiya...

_______________

I can't help but to smile as i step my feet on Seoul. Nandito na ako at excited na akong makita ang reaksyon niya once na makita nya ako.

"Stop grinning too much Rain, baka mapagkamalan kang may tama sa ulo."

Napalis ang ngiti at masamang tiningnan si Kuya Storm na hindi maiguhit ang sama ng mukha. Sila kasi ni Kuya Thunder ang naghatid sa'kin dito sa Seoul para masigurong ayos lang ako.

"Why so bitter Kuya? Palibhasa wala kang jowa."

And i stuck out my tongue para mas lalo syang asarin. Papunta kami sa lugar kung saan ako mag-i-stay. Sa tita ko na dito nakatira sa Seoul ako tutuloy. Gusto ko sanang mag-rent nalang kaso ayaw ni dad so no choice.

"Tumigil na kayo. Andito na tayo."

"Uy bro, andito ka pala. Bat ngayon ka lang nagsalita." Ani Kuya Storm.

Tiningnan ni Kuya Thunder si Kuya Storm using his bored look kaya natahimik siya. Napatawa tuloy ako ng mahina.

"Storm,press the doorbell." Utos ni Kuya Thunder.

"Ha? Bat ako?-"

"Kasi hindi ako."

Pati ako ay natakot sa seriousness ni Kuya Thunder. Siguro ay napikon na sya sa pang-aasar ni Kuya Storm. Kaya bago pa magkagulo ay ako na ang gumawa ng inutos ni Kuya. When i pressed the doorbell, maya-maya ay lumabas na ang tita namin. Agad kaming pinapasok at hinandaan ng makakain. After a short conversation ay nagpaalam na ang mga Kuya ko dahil uuwi pa sila ng Busan. Pumasok naman ako sa kwarto kung san ako mag-i-stay at nagpalit ng mas komportableng damit.

"Rain, gusto mong sumama mag-grocery?" Paglabas ko ay agad na bungad ni tita.

"Okay lang po ba 'tong suot ko?"

Nakasuot ako ng maong shorts at oversized na t-shirt. Tumango naman si tita kaya sumama nalang ako. Yung asawa ni tita ay nagtatrabaho sa isang entertainment company, habang sya ay isang plain housewife lang. Meron silang dalawang anak na parehong lalaki at nasa grade school. Sumakay kami ng kotse para pumunta sa grocery store.

Nasa meat section kami at pumipili ng manok pati na din ng pork. Patingin-tingin ako sa paligid kasi baka may makita akong kakilala ko or sya mismo ang makita ko.

"Rain, pwede bang kumuha ka ng mga gummy bears. Ubos na kasi yung stock sa bahay. Gustong-gusto pa naman yun ng mga pinsan mo. Kumuha ka na din ng mga gusto mong kainin tas yung mga kailangan mo."

"Sige po tita. San po tayo magkikita?"

"Dun nalang siguro sa counter."

Tumango ako at tinungo ang section ng mga sweets. Agad kong nakita ang mga gummy bears kaso ay nasa mataas silang part ng shelf. Lumingon-lumingon para tignan kung may pedeng makatulong sa'kin kaya lang ay nag-iisa lang ako sa parteng iyon ng mall. Sinubukan kong tumalon-talon upang abutin ito hanggang sa madulas ako.

Napapikit ako at hinintay ang pagbagsak ko sa malamig na tiles ng mall. Pero imbes na ang sahig ay isang braso ang sumalo sa'kin sa pagkakabagsak. Dahan-dahan akong nagmulat at nakita ang isang gwapong mukha. Napansin ko agad ang nunal nya sa labi, ilong at mata. Napaka-gwapo nya.

"Miss? Are you okay?"

Doon ay natauhan ako at mabilis na tumayo. Shit, nakakahiya. Lagot ako nito kay Jagi. May pinuri akong ibang lalaki.

"Okay ka lang miss? Nasaktan ka ba? Bat hindi ka sumasagot?"

"O-oo okay lang ako. P-pasenya na."

Tumango naman sya at tumayo at inabot ang gummy bears na nasa taas at ibinigay sa'kin.

"Eto na yung pinaghirapan mong abutin Miss Gummy Bear. Sa susunod mag-iingat ka."

"S-salamat. Pasensya na talaga." Nakatungo ako habang nagsasalita dahil sa hiya.

"Welcome. Sige aalis na ako."

Napataas ang tingin ko at nakita ko syang kumuha ng gummy bear at naglakad na paalis.

"S-salamat ulit. Pero ano bang pangalan mo?" Malakas ang tinig na tanong ko.

Nakita ko syang tumigil at itinaas ang kanang kamay. Gumawa sya ng V-sign at kumaway.

"Taehyung ang pangalan ko Miss Gummy Bear. Taehyung Kim."

~•~•~•~•~•~•~•~•~

END OF CHAPTER FOUR🍂

@iam_snowwy:  yung may (~~~~~~~) at italic na ang font ay mga flashbacks na po ni Rain. Doon po ipapakita o ipapahayag sa inyo (🤧) kung ano ang nangyari sa past (obviously, flashback nga e). So ayun, enjoy reading...

My Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED)Where stories live. Discover now