Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko. Bumalik na naman ang pang-aasar nya.

"Kahit umiyak ako maganda pa din ako. At san ka ba kasi nagpunta?"

Nakangiti nyang tinaas ang kanang-kamay nya. May hawak syang dalawang banana milk.

"Bumili ako neto. Alam ko kasing eto lang magpapawala ng galit mo."

Nawala ang inis ko sa kanya. He really knows me. Syempre, kilala nya na ako nasa tyan pa ako ng nanay ko. At magda-dalawang taon na simula nung sagutin ko sya when I was 12.

"Akin na."

"Kiss muna."

Nakaturo sya sa lips nya. Kaya napatawa ako.

"Ayoko. Usto mo umiyak uli ako?"

"May sinabi ba akong i-kiss? Wala naman ah. Ibibigay ko 'tong banana milk kahit walang kiss kasi mabait at gwapo akong boyfriend. Diba Jagi?"

Napangiti ako sa kakulitan nya. He is really adorable. What did I do to deserve this man?

"Ewan ko sayo, akin na nga 'yang banana milk at baka ano pang masabi mo."

Ibinigay nya na sa'ken ang banana milk, aabutin ko na sana ng dumukwang sya at hinalikan ako sa pisnge.

"Labyuuuuu Jagi!!!!"

~~~~~~~~

"Momma!"

Bigla akong bumalik sa huwisyo ko ng tinawag ako ng anak ko. Nakita kong nagtatakang nakatingin sya sa'ken dahil siguro sa pagkatulala ko at sa pagtitig ko sa poster ng matagal.

"Momma, do you know him? He looks like me a lot. Can I see him momma?"

My heart broke because of my son's wish. Hindi sila pwedeng magkita. Hindi pa. Hindi ko pa kaya.

~~~~~~~~

"Rain, I really wants to perform. I want to sing and dance. Sa tingin mo bagay sa'ken maging KPOP artist?"

Nabaling ang tingin ko sa kanya mula sa librong binabasa ko. We're currently spending our time dito sa isang store. Kakatapos lang ng klase namin at napagdesisyunan naming tumambay muna bago umuwi.

"Di ka pwedeng maging superstar, ampanget mo e."

Napa-aray ako ng kinurot nya ang pisnge ko.

"Wala ka talagang support Jagi. Dapat nga pinagmamalaki mo ako sa buong mundo kasi ang gwapo at ang talented ng boyfriend mo."

"Teka nga, gusto mo kalimutan kong boyfriend kita? Nakakahiya na yang sinasabi mo ui."

"Teka, may sinabi ba akong gwapo at talented? Wala naman diba? So boyfriend mo pa din ako."

Nakangisi sya habang nagsasalita. He is really cute while smiling. Para syang bunny. Pero syempre hindi ko sasabihin yun sa kanya. Baka lumaki na naman ulo nya kapag nalaman nyang pinupuri ko sya.

"Rain. What if mag-audition ako sa mga entertainment sa Seoul? Papayagan mo ba ako?"

Napatigil ako sa tanong nya at napatitig ako sa buong mukha nya. I can see how determined he is. Pero anong mangyayari sa'min? Pag nag-audition sya at natanggap, I know he will stay in Seoul while I'm here waiting in Busan.

Pero ayokong maging hadlang sa pangarap nya. Gusto kong maabot nya lahat ng gustuhin nya. But how about me?

"Rain!"

"Huh??"

"Natulala ka. A-ayaw mo ba?"

Nakita ko ang lungkot na dumaan sa mga mata nya. He really wants to audition and to perform. Kaya sino ako para pigilan sya.

"Hoy, Rain!"

"Huh?"

"Tinatanong kita kung ayaw mo ba?"

"Hindi, may naisip lang ako. Ano ulit yung tanong mo?"

"Kung papayagan mo ba akong mag-audition sa mga entertainment sa Seoul."

"Bat ka sa'ken nagpapaalam? Ano ako nanay mo?"

Naisip ko nalang na idaan sa biro ang sagot ko. Hindi ko pa alam kung anong isasagot ko sa kanya. Ayaw ko pang sumagot.

"Hindi ikaw ang nanay ko pero ikaw ang buhay ko. Sayo ako Rain kaya kung ano man ang desisyon mo. Yun ang gagawin ko."

Napatigil ako sa sinabi nya. Ako ang buhay nya? Desisyon ko ang susundin nya? Then how about his dream? His happiness?

"Don't make me decide for you Jagi. Just don't."

"Pero Rain--"

"Itigil na nga natin 'tong usapan na 'to. Uwi na tayo. Lagot na naman ako nito kay Dad."

Kitang-kita ko ang pag-aalinlangan sa gwapo nyang mukha pero hindi ko na sya hinayaang magsalita. Nauna na akong lumabas ng store. Ramdam ko ang pagsunod nya at pagtabi sa'ken habang naglalakad.

Ramdam ko ang awkwardness habang naglalakad kami kaya naisip kong magsalita.

"Punta ka mamaya sa bahay. Ipagluluto kita."

"Rain---"

"Pumunta ka ah. Ang lapit lang ng bahay nyo sa'min kaya wala kang excuse. Kapag hindi ka dumating break na tayo--"

"Teka, bat break agad? Hindi pedeng mag-away muna? Napaka-unfair mo Rain, love na love kita, niligawan kita ng isang taon tapos hindi lang ako pumunta sa inyo break na agad. Unfair."

Napangiti ako dahil sa pagda-drama nya. Nawala na yung awkwardness at bumalik na sya sa usual na sya.

"Magsalita ka Rain. Hindi pede yun-"

"Bat ka ba nagrereklamo? Hindi ka ba talaga pupunta ng bahay?"

"Sinabi ko bang hindi? Syempre pupunta ako. Ipagluluto mo ako e."

Naisip ko na naman syang asarin dahil sa ngiti nya.

"Teka, sinabi ko bang ipagluluto kita? Parang wala akong natatandaan ah."

"Rain! Sinabi mo kanina na ipagluluto mo ako."

"Kelan ko sinabi? Pramis wala talaga akong naaalala."

"Galit ako sayo Jagi. Hindi tayo bati."

At nauna na syang maglakad ng mabilis. Kaya humabol ako sa kanya habang nakangisi pa din.

"Jagiiiiiii!!!!!!."

"Galit ako"

"Jagiiiiiii!!!"

"Galit nga ako. At hindi ako marupok kaya hindi mo ako madadaan sa ganyan-"

"Jagi, I love you"

Napatigil sya at huminga ng malalim. Narinig ko pang mahina syang nagsabi ng 'hindi ako marupok, hindi ako marupok'.

"I love you Jagi. You are the best thing happen to me. You are my precious, handsome and talented Jagi. I love you so much."

Bumalik sya sa kinaroroonan ko at nilapit ang mukha nya sa akin. And yeah, he kissed me.

~•~•~•~•~•~•~•~

END OF THE CHAPTER ONE🍂

My Baby's Father is a Superstar (NOT EDITED)Where stories live. Discover now