CHAPTER THIRTY: Ambrosia

Start from the beginning
                                    

"Utos ng reyna sa kanila kaya hayaan mo silang sundin 'yon." at muli na siyang naglakad.

"Kung ganon, sige na sumama na kayo." ani ko.

Nangako ako kay Lorain na siya ang magiging keeper ko pero wala na siya rito sa kaharian. Gusto ko sana na siya pero si Hyun Ra gusto niya na maging keeper ko rin?

Tahimik ang lahat habang tinatahak ang landas patungo sa unang isla. Alam kong delikado ang islang 'yon pero wala kaming choice kundi daanan 'yon.

~•~
Ziekiah

"May kakayahan naman kayo mag teleport 'di ba? Mag teleport nalang tayo!" suggest ng isang lalaki. Siya ang humahawa ng air element.

"Hindi 'yon maaari." sagot ko sa kanya.

"At bakit naman?" tanong ng babaeng iniibig ngayon ni Xi.

Ngumiti ako sa kanya pero umiwas siya ng tingin.

'Bakit niya ako nginingitian? Inaagaw ko ang lalaking mahal niya. Bakit pa siya ngumingiti sa akin?'
tanong niya sa kanyang isipan.

Wala siyang kasalanan kung bakit minamahal siya ni Xi ngayon kaya wala akong karapatan na magalit sa kanya. Hindi naman siya ang nag cast ng spell kay Xi.

"Ate Zie?"

"Ah..." hindi ko pa pala nasasagot ang tanong nila.
"May magic barrier ang islang pupuntahan natin. Hindi tayo makakapasok d'on kung gagamit tayo ng kapangyarihan. Kailangan pisikal na katawan natin ang dadaan sa barrier. Isa pa kung mag teteleport tayo ngayon, maaari tayong maligaw dahil pare pareho ang itsura ng paligid."

"Hayst, maglalakad nga talaga tayo ng napakalayo." reklamo niya... ni Eury.

Ngumiti nalang ako sa kanya pero nawala iyon ng marinig si Xi.
"Kapag napagod ka ay maaari kitang buhatin."

Nalaglag ang aking panga. Diretso niyang sinabi iyon sa mga mata ni Eury.

'Sabihin mo kung pagod kana'
paulit ulit na naririnig ko ang sinabi na 'yan ni Xi nung panahong hinahabol namin ang usok na magtuturo sa kinaroroonan ni fairy Solar. Iyan ang panahon na ayaw na ayaw niya akong napapagod dahil sa mga misyon namin.

Hindi na ako ang sinasabihan niya niyan. Hindi na ako ang tinuturing niyang prinsesa. Parang punyal ang mga ideyang 'yon. Paulit ulit nitong sinusugatan ang puso ko.

"Ate Zie." malambing na boses ni Clerxiene.

Hindi ako nagsalita at ngumiti nalang sa kanya. Ngumiti rin siya pero halata ang lungkot.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Magpatuloy na tayo."

Malamig ang kanyang kamay. Nais ko sana ang mainit na hawak ni Xi pero malabo na mangyari 'yon.

Magka pantay ang lakad ni Xi at Eury, at ang kanilang kamay ay magkahawak rin.

"Hindi ko alam na pati rito ay sunod pa rin sa luho ang babaeng 'yan." mahinang sabi ng lalaki sapat na para marinig ni Dashel.

"Tumigil ka nga Jairsen baka marinig ka ni Eury, siguradong mag aaway na naman kayo." sagot ni Dashel sa kanya. Lumingon ito sakin kaya ngumiti ako sa kanya.

'Bakit pa siya ngumingiti? Alam kong nasasaktan siya sa nangyayari pero nakukuha niya pa ring sumama sa prinsipe at ngumiti ng ganyan.' sa isip ni Dash.

Kahit sabihin kong ayokong sumama ay hindi maaari. Kailangan ko siyang laging samahan. Kahit sobrang nasasaktan ako ngayon.

"Nababalutan lang naman ng spell ang prinsipe kaya niya mahal si Eury." sabi ni Dashel.

Hindi na nakakagulat na alam niya ang bagay na 'yon. Alam kong pinag aaralan niya witchcraft.

"At pamilyar ang spell na ginamit niya..." sabi niya muli.

"Anong ibig mong sabibin?" tanong ni Clerxiene. Naririnig niya rin pala ang usapan ng dalawa.

"Halos kaparehas ng spell na ginamit ko nung ginawa ko ang love potion na para kay..." pasimple siyang tumingin sa lalaking may hawak ng fire element at bumuntong hininga.

Ibig sabihin may isa pa palang lalaki ang napapasailalim sa mahika. Kaya pala kakaiba rin ang kinikilos niya.

"Ibig sabihin ba kapag namatay ang gumawa o nag cast ng spell ay mawawala na rin ang bisa nito?" tanong ni Clerxiene.

Umiling si Dash, "Ang sabi ko ay halos kaparehas lang ng ginamit ko. Iba pa rin ang lunas ng sakanya dahil direktang kinast ang spell sa kanya kaya mas mahirap lunasan at baka..."
bumuntong hininga siya muli at parang ayaw niya ng ituloy ang sasabihin.

"At baka ano? Dash?"

Nagdadalawang isip siya kung sasabihin niya. Tumingin pa siya sa akin. Alam ko na ang karugtong ng sasabihin niya. Simula palang ay alam ko na pero naghahanap pa rin ako ng paraan para mawala ang spell na bumabalot sa prinsipe pero nabibigo dahil...

"Wala ng lunas para maalis ang spell." dugtong ko sa sinasabi ni Dashel.

Pero umaasa pa rin ako na baka meron pa...

The Powerless Immortal Princess [VKSeries #2]Where stories live. Discover now