10 - Pamahiin

532 22 6
                                    


Ella's POV

Napatanga ako sa kanya. My big damn mouth! May undo button ba para mabawi yung mga sinabi ko kanina?? Shet! What's with you Ella bakit mo pinagsasabi yun?! Control nga sa pag sasalita! Type mo siya??! Shet ka! Stop your random thoughts geez!

Eh bat naman kasi nakakalito siya?! Babae ba talaga siya? o lalaki? Bakla? o tomboy? Nakaka mind fuck!

Hindi siya kumibo at nakatingin lang saken. I don't know why pero pakiramadam ko kailangan kong ipaliwanag ang sarili ko. I need to clear something that I don't know either kaya naman...

"I'm not a homophobic!" automatic kong depensa pero napaisip din ako "I mean... I don't know" which is true! Di ko naman talaga alam kahit ngayon di ko din alam kung anong magiging reaction ko. I just confessed that I like him... or her? which I am not sure of if it's true or I'm joking or hallucinating or what!

"Alam mo miss, magpakatotooo na tayong dalawa. di mo naman kailangan pilitin yung sarili mong maobligang alagaan ako at hindi mo din kailangan husgahan ang pagkatao ko. We barely know each other.. So please you can just--"

"Kaya ko! I mean nagvolunteer nga ako sayo di ba! May isang salita ako!" magkasalubong ang kilay niyang naka tingin saken

"Eeehh.. Ano naman kung lesbian ka!? Wala talaga akong issue duon! Aalagaan lang kita hanggang sa gumaling ka! Di kita syosyotain! Ashumera! Saka doktor ako" kahit hindi pa naman official at hindi magiging official yun kung makukulong ako!

"Ta-la-ga?" sarcastic niyang sagot

"Oo! Responsibilidad ko din ang tumulong sa nangangailangan"

"Ano ka superhero? Si darna? Dalian mo na nga jan sumasakit ulo ko sa kakabulyaw mo"

Katahimikan na ang sumunod. Or should I say awkwardness? Pasulyap sulyap ako sa kanya habang kumakaen. All in all sa features niya mukha talaga siyang lalaki.. Yung boses itsura, flat ang chest, except nalang siguro duon sa mga kurba niya sa tagiliran. So tomboy siya? Naalala ko na naman si Trixie at yung mga nakakasuklam niyang pinagsasabi nung nakaraan. Bakit ganito, I am somewhat curious about sa third sex?

"Ano ka ba talaga??" out of the blue kong tanung sa kanya habang nagliligpit ng pinagkainan namin.

"Tao malamang"

Jarden's POV

Ano bang klaseng tanung niya na yun? Pag lesbian ba alien na? Tsk! Dahan-dahan akong tumayo. Duon nalang ako sa sala at manunuod ng t.v kesa kausap 'tong weirdong babae na 'to. Kanina pa siya kung ano-ano pinagsasabi. Wala yata sa sarili.

Nagulat ako nang biglang may humawak sa braso kamuntik ko pang balyahin.

"Magsabi ka naman kung lilipat ka para maalalayan kita" sabi pa niya

"Thanks. Hayaan mo nalang jan yung hugasin sa lababo. ako na bahala jan. Salamat dun sa dala mong dinner. Okay na ako dito, you can go home.. Di mo kailangan pagurin sarili mo saken"

"Pinapalayas mo na ba ako? Ganyan ka ba sa bisita mo?"

"Fine.. edi stay for a while basta wag ka na maghugas"

"Huhugasan ko talaga itong pinagkainan. Wag mo nga ako kontrahin pwde?"

Tsk. I don't want to be involve to anyone or make connections. Nagtatago nga ako di ba? Kahit pa sabihing malayo dito ang probinsya namin hindi ibigsabihin safe na ako.

"Wag mo na nga hugasan yan. BISITA nga kita di ba? Tatawag nalang ako bukas ng maglilinis dito"

"Iipisin ka dito pag hinayaan mo ito dito magdamag alam mo ba yun? Kaya ako na. Gagastos ko pa"

What now? Para siyang nanay ko kung makapag salita! Mas marunong pa sa may ari??

"Tigilan mo na nga yan! Di ka pa nga natutulog dito tapos maghuhugas ka na aagad jan??"

Narinig kong bumulong siya ng ang manang naman nito naniniwala pa sa pamahiin. Manang daw tsk. Eh ganun naman talaga ang pamahiin duon samin.

"Edi dito nalang ako matutulog"

Nanlaki yung nga mata ko. Ano daw??!!

"Ano???!"

"Magssleep over ako dito. May air bed ako sa unit ko dadalhin ko dito. Kampante naman akong di mo ako mare-rape eh" natatawa niyang sabi

"Ayoko!" kapal naman ng mukha din nito! Siya ang nangrerape at hindi ako! Kung makapag salita naman siya! Baja siya ang may balak kong rape?! Kakasabi lang niya kanina na type niya ako no!

"I'm just joking... Masyado ka namang sinuswerte kung dito ako matutulog ano!" nagulat ako ng bigla siyang sumulpot sa tabi ko at nagpupunas ng kamay gamit ang towel tissue. Tapos na siya paniguradong maghugas. Kulit talaga!

Inilahad niya saken yung kamay niya.

"What?"

"Gamot mo. Uminum ka na ng makauwi na ako"

"Bedroom"

"Okay.."

Dumirecho siya ng pasok sa kwarto ko. Medyo may pagkalapastangan din naman siya. Tsk. Di naman lang nagpaalam o nagtanung or something basta dumirecho lang.  Hmm.. How could i get rid of her? Baka mamaya spy lang yan na pinadala ng parents ko at magulat nalang ako isang araw nandyan na sila labas ng unit ko, ready na kaladkarin ako pauwi. Tsk.

"Here.. Buti nakalapag ito dun sa madaling mahanap" kumuha siya ng tubig sa ref at saka inilatag ang mga gamot dun sa lamesita na kaharap ko.

"Kaya mo na sigurong inumin magisa yan di ba? If you need my help ahmm.. eto" dumukot siya sa wallet niya ng isang maliit na papel "text mo lang ako okay?"

-----

A/n: mianhae ngayon lang ulit nakaalala si otor mag update ^_^v enjoy reading!

Twisted Fairytale: Cinderella and her Princess CharmingWhere stories live. Discover now