7 - CCTVs don't lie

427 15 3
                                    


Ella's POV

Pakiramdam ko umiikot yung buong paligid ko ng idilat ko yung mga mata ko. Kanina pa ako nagising at nakikiramdam. Alam kong wala ako sa unit ko, hindi kasi ganito katigas ng kama ko yung hinihigaan ko ngayon. Nasaan nga ba ako?

Maya-maya pa napaluha na ako ng gumuhit na yung sakit ng ulo, pakiramdam ko parang binibiyak yun sa sakit. Damn it! Nagumpisa na naman ang masalimuot na pakiramdam ng hangover ko! Sabi ko sa sarili ko nuong nakaraang lingo hindi na ako magiinum ulit and yet eto na naman ako. Saan na naman ba ako nakatulog?

Muli akong pumikit at dahan-dahan kong minasahe yung magkabilang sintido ko para naman mabawasan yung sakit kahit papano.

"G-gusto ko ng tubig..." garalgal na usal ko habang unti unting bumabangaon sa..... hospital bed????! Teka paano ako napunta dito??? Jusko! Ella what did you do last night!???

Tumingin ako sa paligid. Nasa private room ako. Naaksidente ba ako kagabi?? Chineck ko agad yung buong katawan ko... kumpleto naman ako, dalawang kamay, dalawang paa, mga daliri, mukha at may buhok pa din naman ako. Wala naman din akong galos o gasgas, sigurado din naman akong hindi ako narape dahil wala naman akong nararamdamang masakit duon sa...... So bakit ako nandidito? At papaano ako napunta dito??

"Buti naman at gumising ka na!" si Dannie yun, nakaupo lang pala siya sa may gilid. "Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo sa buhay mong bata ka huh?? ikaw talagang bata ka! Nagaalala kami ng itay mo! Papaano kapag nadisgrasya ka!?"

gusto kong mapa-face palm kung hindi lang makakadagdag ng sakit ng ulo ko. Akala ko naman totoong galit siya, tinamaan lang na naman pala ng toyo.

Nag 'are you serious?' look ako sa kanya.

"hehe jokieeees! Pero nakakaalala ka na talaga Bessie! Masyado ng lumalala yang pagiging lasingera mo! Tignan mo't naospital ka pa.. Buti nalang at ako ang naunang nacontact ng hospital at hindi sila tita kundi.. tegi boom boom ka!"

"M-malamang ng--nga.. Bessie p--pano ako napunta dito?" garal-gal pa din yung boses ko

"siyempre may nagdala sayo dito"

"B--bessie?! sagot na matino naman please??! Ano bang nangyari?? Wala akong maalala kahit isa!"

"Wow sunud-sunod magtanung? One question at a time Bessie... una, dinala ka po nila Orlan dito dahil nakita ka nila ng kaibigan niya na parang patay sa sobrang kalasingan! Pangalawa, hindi ko din alam kung ano ba talagang nangyari dahil hindi din naman tayo magkasama kahapon"

Nagtaka naman ako. Orlan? Sino yun? Wala naman akong matandaan na ganung pangalan. May kasama ba akong maginum kahapon?

"Sino yung Orlan?"

"Kaibigan yun nung tumulong sayo na.... nadisgrasya mo! Daw?? Ang gulo eh! Nagkukwento kasi siya saken kung nangyari eh hindi din naman niya alam yung eksaktong kwento"

"Huh?? Ang gulo!? Ano bang ginawa ko??"

"Malay ko" nagkibit balikat siya "actually gusto din naming itanung yan sayo kaso nagmamadali naman na umalis yung kaibigan niyang gwapo na nafracture yung paa, tagal mo nga kasing magising"

"Eh wala nga akong maalala kahit isa..."

"Bessie....." lumapit siya saken at hinawakan ang dalawang kamay ko "nakita ko yung itsura ng friend niya. Nadisgrasya yung kagwapuhan niya.. bessie paano kapag dinemanda ka nila?? Sabi niya kasi ikaw daw yung dahilan bakit nahulog yung kaibigan niya eh.. pag hinuli ka, makukulong ka... pano na yung mga pangarap mo??"

tumango ako sakanya. Narinig at naintindihan ko naman yung mga sinabi niya ang kaso lang ayaw magsink in yung sinabi niyang napaka haba.... ano nga daw ulit yun??

Twisted Fairytale: Cinderella and her Princess CharmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon