Chapter 63 "Philippines"

11 1 0
                                    

Chapter 63

"Philippines"

Max POV

After 5 long years andito na ulit ako sa pilipinas. Kumusta na kaya yung mga girlfriends ko dito. I miss them simula nung umalis ako wala na akong naging contact sa kanila.

Sana natanggap nila ang mga sulat kong ipinadala kay mama tanya.

Matagal ng umuwi si mama tanya sa probinsya nila dahil wala na din naman silang aalagaan pa doon sa bahay. Pero binibisita nalang nila ang bahay isang beses kada buwan yung ang sinabi sa akin nila mommy.

Ang kapatid ko naman ay nasa Spain ngayon hindi na talaga napirme sa isang lugar ang lalaking yun. Hindi pa siya nakikilala ng anak ko dahil never ko pa din ulit siya nakita.

Titira muna kame sa bahay ni Nathan na malapit sa school na pag-aaralan ng anak ko. Mas mabuti na din iyon para hindi sila mahirapan sa pagbyahe ni Reziel. Mabuti nalang at may nabili agad na bahay si Nathan na malapit sa school na lilipatan ng anak ko.

"Mommy I'm hungry"

Karga karga ko siya dahil busy si Nathan at Reziel sa pagpasok ng gamit namin sa sasakyan.

"Late baby ok kapag may nadaanan tayo na kainan, you want some biscuits muna?"

Tumango naman siya. Kaya inabutan ko siya ng biscuit na dala namin. Mejo madami kasi yung dala naming gamit idagdag mo pa ang collections ng anak ko. Yung iba ipapasunod nalang dahil excess baggage na kame pag nagkataon.

Masyado niyang mahal yung mga nabubuo niyang collection may mga pangalan pa ito. Siya mismo nagsabi ng mga ipapangalan halos nasa 25 pcs na yung collection niya. Pang 26 na itong bubuuin niya ngayon.

Tatlo lang naisama namin pauwi. Isusunod nalang ng katiwala ni Nathan yun 22. Magwawala kasi itong anak ko kapag iiwan namin doon. Naalala ko pa noon 3years old siya hindi siya maawat sa kakaiyak at kakawala dahil nawawala yung isang piece ng binubuo niya. Tanda niya kung ilang piraso ang mga ito. Ako nga hindi ko matandaan siya tanda niya. Hindi namin siya mapatahan. Panay sigaw niya ng "mommy let's find it"  yan lang paulit ulit na sigaw niya. Mabuti na nga lang dumating si Nathan at ginawan ng paraan yung nag iisang piece na yun.

Yung ibang mga tauhan pala ni Nathan ay pinauna niya na last week may free accommodation sila sa isang hotel meron din kame pero mas pinili ni Nathan na sa isang bahay lang kame titira ara na din mas komportable ang anak ko.

"You ready for our new home Maxwell?"

"Yes Daddy, but I'm hungry"

"Ok daan nalang tayo sa drive thru"

Si Reziel ang nakaupo sa unahan dahil andito sa kme sa likod nakaupo ni Well. Pinapakain ko kasi siya ng biscuit at pinalitan ng damit dahil pinagpawisan siya kanina. Andito na tayo sa Pilipinas iba ang klima dito sana hindi sipunin ang anak ko.

Ayaw na ayaw ko pa naman nagkakasakit siya dahil. Hospital talaga ang bagsak namin.

Busy na busy naman siya sa panunuod ng tablet niya habang naguya ng biscuit habang binibihisan ko siya.

"Anak you need to rest you eyes, Sige ka magagaya ka kay mommy na bata nagkaroon ng glasses"

"Ok mommy"

Ayaw ko kasi na magaya siya sa akin na mahina ang mata. Na kapag wala ng salamin ay malabo na ang paningin. Nagtry ako magpacheck up noon kung makakaya ng operasyon pero nagkataon naman na nagkasakit noon ang anak ko kaya yung gagastusin ko dapat sa operasyon ay pinambayad ko sa hospital bills ng anak ko. Ayaw ko naman manghingi sa magulang ko dahil alam kong namromroblema din sila sa negosyon lalo na wala ang kuya na tutulong sa kanila.

MU School of ELITES 💙Perfect #1💙 COMPLETEDWhere stories live. Discover now