Chapter 63 "The Project"

13 1 0
                                    

Chapter 63

"The Project"

Max POV

Abala kame ngayon sa opisina para sa malaking project na darating. May dumating naman na email galing VKM Enterprise at hinihingi ang ibang detalye.

Kelangan nila ng sample proposal drawing ng gagawin na buildings, mga pangalan din na isasama sa proyekto at madami pang iba. Hindi pa nila sinasabi kung saang lugar gagawin ang proyekto pero kung hindi man dito sa Canada maoipilitan kameng lumuwas kung saan man ito para mas makita ang lugar. Lilipat kame ng opisina kaag nagkataon.

Kasama ako sa lahat ng project ni Nathan. Kahit saan siya maasign palagi niya kameng dala ni Maxwell. Hindi ko naman pwedeng iwan ang anak ko. Kaya palagi niya kameng dala ngayong taon lang kame nagstay dito sa bahay namin.

Pina-confirm ko na muna yung list ng name kay Nathan bago ko isend sa email.

Habang nag-iintay ng reply. Inaya ko muna si bakla na kumain dahil mukhang pagod na pagod ang lola niyo. Ilang araw na din kasi yan nagpupuyat sa paggawa ng blue print ng gagawing mga buildings.

"Beshy mabuti nalang nagluto ka ng baon natin, dahil wala na akong time lalabas para kumain"

"Alam ko na kasi na stress kana jan, kumain na muna tayo ibaba muna yang papel na hawak mo mamaya na yan"

"Mabuti nalang talaga andito ka"

"Palagi ka din naman nanjan para sa amin ng anak ko"

"Hmm sige na kumain na tayo anu ba niluto mo?"

"Adobo your favorite"

Yes parehas sila ni Maxwell ng favorite. Kapag nagluluto ako nito nagbabaon din ang anak ko.

"Sarap mo talaga magluto beshy, asawahin nalang kaya kita"

"Kaya mo?"

"EWWWWW"

kunwari pang maduwal duwal ang bakla. Tinawanan ko nalang siya. Never pa daw siya nakipag relasyon sa babae only boys or gays daw.

Natapos kame sa pagkain ng nagtatawanan. Niligpit ko na ang pinagkainan namin may mini kitchen naman dito sa office niya may CR din.

"Nagreply na sila beshy kung saan ang project"

Sigaw niya sa akin dahil busy ako dito sa paghugas.

"Saan daw beshy?"

"Philippines"

Nabigla ako sa sinabi niya at kumalabog sa sink yung plato.

"Beshy ok ka lang"

Nandito na pala siya sa likod ko.

"Oo naman beshy"

"Are you sure? Pwede naman siguro hindi kana sumama?Kaso sayang naman ang designs mo?"

"Ok lang beshy malaki naman ang Pilipinas, tsaka kung makita ko naman siya ulit ok lang naman besides tatay pa din siya ng anak ko"

"That's my Beshy"

Niyakap niya ako at bumalik na sa ginagawa niya. Kinakabahan ako pero alam ko naman na hindi kame pababayaan ni Nathan.

"We will leave after two weeks, Dapat maayos na ng team lahat ng dadalhin natin bago umalis"

"Sige sasabihan ko na sila Nat"

"And aabot tayo ng 5 years sa project na to or baka mas humaba pa kaya kelangan natin maglipat ng office"

"5years?"

"Yes kaya mabuti siguro na iaayos na natin yung school ni Maxwell dahil hindi konti nalang ang oras natin"

"Ok hahanap nalang ako kung saan siya pwedeng makalipat na school sa pilipinas"

"Kaya natin to Max, para kay Maxwell"

Tumango naman ako. Naiisip ko palang ang next week sinisigaw na ang stress.

"Yung papeles din pala ni Reziel paayos na din isasama natin siya pabalik ng pilipinas"

"Matutuwa yun at makakauwi na siya sa family niya"

Ngumiti naman siya at bumalik na sa trabaho. Bumalik na din ako sa workstation ko para sa magsend ng memo about sa new working setup ng buong kompanya.


^_+msfreakinmindjeca

MU School of ELITES 💙Perfect #1💙 COMPLETEDWhere stories live. Discover now