Chapter 1

12 0 0
                                    

Rynua's PoV

"Rynua! You have to wake up na or else I'll leave without you!"

Napatawa ako ng mahina nang marinig ko si Ryena na kumakatok ng malakas sa pintuan ng kwarto ko. Sabi na nga ba lalapit yan sakin eh, why? She crashed her car while going home from clubbing last night. Hindi alam ng parents namin na nagc-club siya and ang dahilan niya lang kagabi ay iniwan niya sa friends niya dahil out of gas. How do I know? Secret, hehe.

Binuksan ko ang bintana ko at bumungad sakin si Yvo na nagpapahangin. Yvo was my bestfriend, 'was' kasi hindi na niya ako pinapansin ngayon. He's like a whole new person pagkatapos bumalik nung eyesight niya.

He gave me those cold stares na palagi niyang binibigay sakin ever since he received his operation. Agad niyang isinara ang kurtina ng bintana niya.

"Rynua!!!" Napalingon ako sa likod. Palakas na nang palakas yung katok ni Ryena, galit na ata, hehe. Bubuksan ko na nga, kawawa naman to.

Dali-dali kong binuksan ang bintana at lumundag pababa. Ang bait ko talaga tapos ang ganda ko pa, hays.

Dumaan ako sa back door ng bahay na daan papunta sa kusina. I immediately grabbed a toast na nasa lamesa at umupo.

"Good morning mom, dad." I greeted my parents na prenteng nakaupo sa dining table. Dad is reading emails while mom is checking her social media accounts.

Dad is a well-known business man. He's ranked as #1 most succestful man when it comes to Toy Industry. Nagtatravel siya around the globe to experience cultures at inaapply niya sa mga laruan na dinedesign ng company niya. Meanwhile, mom is a famous model pero nagretire na siya after magkafamily but we still does photoshoot sometimes na finifeature sa mga magazines at public news.

"Morning, baby." Mom greeted me back habang nag sscroll parin. I smiled and continued eating my toast.

"Where's Ryena?" Tanong ni dad sa isang maid. Sakto naman na bumaba na si Ryena na namumula dahil sa inis.

"Dad, I keep knocking on Rynua's room pero she wont open--There you are na pala!"Dire-diretso niyang sabi. Daldal talaga neto.

"I'll freeze her bank account." Dad said habang ansama ng tingin sakin. I pouted and stabbed a hotdog brutally gamit yung tinidor ko.

"Wala naman ako sa kwarto kanina, nasa labas kaya ako." Sabi ko habang ngumunguya. Karma ko ba ito dahil di ko siya pinagbuksan kanina? Waaaaa, ang unfair.

Padabog na umupo si Ryena sa tapat ko. "Good morning honey." Mom greeted her. Sinandukan niya rin ng pagkain si Ryena. Psh. Baldado na ba yan?

Inisang subo ko yung dalawang slice ng spam at nilagok yung isang baso ng juice habang nakatingin sa magnanay.

"Dad, can I borrow Rynua's car?" She said, finally. Kanina ko pa hinihintay itanong niya yan eh, tapos papayag si dad--

"Sure, princess."

oh diba? then I can finally request...

"Can I just have the ducati, then?" English para kunyari seryoso hehe.

"No."

Bumagsak balikat ko dahil sa disappointment. Sayang! Tiningnan ko si mom saka nagpout. Pumayag ka po, please?

Pinikitpikit ko ang mata ko. Sana umeffect.

"Sis, you're gross." Napatingin ako kay Ryena at napangiti. I pouted and did to her the same thing na ginawa ko kanina. She just raised her eyes on me, kaya natawa ako.

"Stop that, Rynua." Saway ni dad.

"Just join your sister sa pagpasok nalang kaya?" Mom said. Napatingin ako sa kanya. Nginitian niya lang ako at bumalik sa pagkain.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

VanishedWhere stories live. Discover now