Prologue

18 2 0
                                    

"Hindi mo parin ba nahahanap yung babaeng yun?" Tanong ni Emily habang sapo ang balakang na nangangalay dahil sa pagbubuntis. Kabuwanan na niya ngayon at nananabik na siya na makita ang anak ngunit, kahit anong pilit ay bumabagabag parin sa kanya ang isang problema.

"Hon, calm down. I'm doing everything that I can para mahanap siya." Sagot ng asawa nitong si George.

"Surrogate mother lang siya! anong karapatan niya na itakas ang anak natin?" Napaupo siya sa sobrang galit. Mahina kasi noon ang pangangatawan ni Emily at ang sabi ng doktor ay imposible na magdalang tao siya.

Doon nila nakilala si Tesa, nasa edad bente sais (26) palang ito pero may dalawa ng anak. Nagkasakit kasi ang anak nito kaya malaki ang pangangailangan sa pera. They did some tests bago nila isinagawa ang proseso na naging successful naman.

Isang buwan palang ang nakalilipas nang malaman nila na nagdadalang tao narin si Emily at mas tinutukan nila ang pagbubuntis nito dahil narin sa mahina nitong kalusugan.

Anim na buwan pagkatapos bigla nalang naglahong parang bula si Tesa. Kahit anong hanap ay di nila ito matagpuan. Kasama nito ang mga anak sa pagalis at wala man lang iniwan na bakas.

"Mahahanap din natin siya." Hinalikan ni George ang noo ng asawa at inalalayan ito para makahiga ng maayos. Napangiti si Emily.

"Nanini-" Di niya natuloy ang sinasabi ng salubungin sila ng sunod sunod na katok.

"Sino yan?" Tanong niya.

Dali-daling pumasok ang kanilang katulong na hangos na hangos.

"Ma'am! S-si Tesa po nasa l-labas!" bulyaw nito.

Nagkatinginan ang mag-asawa at dali-daling tumakbo palabas si George. Napabangon naman si Emily at mabilis na naglakad sunod sa asawa. Di niya pinapansin ang pananakit ng paa at likod na palala ng palala. Pagdating niya sa gate ay naaninag niya ang pamilyar na bulto ng babae na nagmamadali paalis.

"T-tesa? Tesa!" Akmang hahabulin niya sana ito ng pigilan siya ng asawa. Napahawak siya sa bibig at napaluha ng makita ang karga nito.

"Rynua..." Kukunin niya sana ang anak ng may maramdaman siyang mainit na likido na umaagos pababa sa binti. Napansin ng asawa ang pagtingin niya roon at napamura ito sa kaba.

"Yaya! Pagising si Manong dali!" Hindi ito mapakali at hinawakan siya sa beywang habang ang kabila nitong kamay ay karga parin ang anak.

"Enhale and exhale, Hon. I'm here. Fck." Nakabalik na si Yaya Ester kasama ang driver kaya ibinigay niya muna si Rynua dito. Binuhat ni George si Emily at isinakay sa kotse papuntang hospital

8 years later...

"Ryena! Baby, I bought something for you!" George happily said to his daughter. A little girl run to him and gave him a big hug.

"Woah, another doll? Thank you daddy! I love you hihi." She showered him kisses before returning to her big doll house, also bought by him.

He smiled bago pumunta sa asawa at hinalikan ito.

"Hi, Hon." He greeted as he smells her hair. Chocolate.

"Iniispoil mo nanaman yang si Ryena, hay nako." Natawa nalang si George sa tinuran ni Emily.

"Ofcourse. She's our child. Dapat lang na mabigay ko lahat ng magpapasaya sa kanya."

"Hi mommy." Another little girl said while rubbing her eyes. Her long lashes looks perfect along with her rosy cheeks and her brown hair was all over her face. Pero mas nakakaagaw pansin ang asul nitong mata.

VanishedWhere stories live. Discover now