Kabanata 5

8 0 0
                                    

Kabanata 5

Confused



Dumiretso ako sa kwarto at nahiga sa kama pagka-uwi ko sa bahay.

Ipinikit ko ang mga mata ko pero di pa din maalis-alis ang mukha ng lalaking iyon.

I know may kasalanan din ako sa nangyari and a part of me wants to vanished dahil nahihiya ako at natatakot.

Pumasok sa school ng sumunod na araw na palang walang nangyari noong weekends.

Ang iba ay binabati pa ako habang papunta sa room. Nginingitian ko lang sila pabalik. Hindi ko nga alam kung bakit kilala nila ako, hindi ko naman alam kung sino at kung ano ang pangalan nila.

"Good morning Klione," dinig kung bati ng mga babae na nakaupo sa bench na dinaanan ko na.

Klione's was already beside me wearing his usual uniform. Engineering.

"How are you?"

Sinulyapan ko naman siya. Nasa bulsa ang isang kamay niya habang isa ay nakahawak sa tatlong libro, walang bag na dala.

"Okay lang," sagot ko naman.

"Klione laro tayo ng basketball mamaya," bati pa sa kanya ng mga varsity player ng school na kasing edad ko lang yata.

Tumango naman siya at saka sinulyapan ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang siya ay huminto naman dahil kinakausap pa siya.

"Girlfriend mo pala si Valente?" tanong pa nang isang varsity sa kanya.

Agad naman siyang sumagot ng hindi.

"Hey bakit hindi mo ko hinintay?" reklamo niya ng maabutan ako.

"Bakit naman kita hihintayin?"

"Syempre. Magkaibigan tayo."

Tinaasan ko naman siya ng kilay. Self proclaimed ha!

Pumasok ako ng classroom namin at nakitang kokonti lang ang mga kaklase kung nasa loob.

"Nasan ang ibang kaklase natin?" tanong ko kay Freya na class mayor namin.

"Umalis na. Half day tayo ngayon. Mamayang hapon pa ang klase," sagot naman niya.

Tumango ako at naglakad ulit palabas. Hindi ko alam kung alam ba ni Krishna na wala si Miss ngayong araw. O, sadyang late lang siya kaya wala pa siya ngayon. Kaya kinuha ko ang phone ko para itext siya.

To: Krishna

Nasan ka? Wala si Miss Cafeteria lang ako.

Dumiretso ako ng cafeteria ng masend ko yung text message kay Krishna. Bumili na din ako ng drinks at chips.

Mahigit kalahating oras na akong naghihintay na dumating siya pero wala talaga. Tinitingnan ko din ang phone ko baka merong reply niya pero wala din..

Nakita kung papasok na si Klione at ibang mga kaklase niya kaya nilapitan ko. Balak ko sanang magtanong kung alam niya kung nasaan si Krishna.

"Alam mo ba kung bakit di pumasok si Krishna?" tanong ko habang nakatayo sa gilid niya.

Pito yata silang nakaupo sa table. Lahat lalaki maliban na lang sa babae na katabi niya.

"Hindi," sabi niya at saka umiling iling pa.

Tumango naman ako balak na sanang tumalikod pero hinigit niya ako.

"Nakakain kana?"

Lunch na ngayon pero busog pa naman ako sa mga kinain kaya tumango ako.

"You don't have a class?"

Escaping MelancholyWhere stories live. Discover now