Kabanata 3

17 2 0
                                    

Kabanata 3

Hatred



"Go Yael!" sigaw ng kaibigan ko.

Kakaunti lang ang mga tao ngayon sa gym ng subdivision nila kaya madaling nakapag laro sina Yael at Klione.

May mga tao din namang nanonood sa laro nila. Pero karamihan ay mga babae na nakatira din yata dito.

"Go Yael!"

Tinawanan ko si Krishna na parang tanga na nag cheer sa gilid ng court, may mga pompoms pa siyang dala.

"Timeout," sigaw ni Yael kay Klione kaya huminto mula sila sa pag-lalaro at saka lumapit sa amin.

Kinuha ni Klione ang towel na nilagay niya tabi ko at pinunasan ang sarili

Rinig na rinig pa ang mga tilian ng mga babae habang ginagawa niya iyon.

"Kapag nanalo ako sa pustahan natin ibibigay mo sa akin ang PS4 mo ha," parang batang sabi ni Krisha at nag apir sa kapatid niya.

"Hindi naman ikaw ang naglalaro ako naman," reklamo naman ng kapatid niyang si Yael na nasa tabi niya, nag pupunas din ng pawis.

"Pag nanalo ako ibibigay mo sa akin ang kaibigan mo," sabi naman ni Klione na nagpalaki sa mata ko. Gayon din ng kay Krishna.

"Anong pinagsasabi mo?" angal pa ni Krishna at saka tiningnan ako.

"Edi walang PS4."

Bumalik sa court si Klione at nag shoshoot ng mag-isa sa ring.

Mahina namang tumawa si Yael at saka bumalik na din para maglaro.

Malungkot na tiningnan ako ni Krisha.

"Andaya ng lalaking yun," sabi niya at saka naupo sa tabi ko.

Tiningnan niya ako. Nagpapaawa.

"Ayaw kitang idamay dito pero pwede bang pagbigyan mo ako, Amy?"

Naguguluhan ako.

"Huh? Pagbibigyan saan?"

"Kailangan lang naman ni Klione na may ipakilalang girlfriend sa parents niya. Yun yata ang mean niya sa sinabi kanina," sabi niya at saka tumingin kina Klione at Yael.

"Palagi kasi siyang inaasar ng mga kapatid niya na bakla. Kaya sabi niya noong isang araw sa kanila, ipapakilala niya daw ang girlfriend niya. At yun ang naging bet namin. Nangako akong maghahanap ng babaeng masasamahan siya. Gustong-gusto ko talagang makuha ang PS4. Pangarap ko yun, matagal ko ng hinihingi kay Mommy ayaw ibigay."

"Isang araw lang naman diba?" tanong ko sa kanya.

Ang kanina niyang malungkot na mukha ay sumigla.

"Oo, ngayong araw lang. Pero hindi pa naman yun sure dahil hindi naman siyang mananalo," sabi niya ng pumapalakpak pa.

"Sige payag ako," sabi ko na nag patalon talon pa sa kanya.

"Klione," sigaw niya kaya napatingin sila sa amin. "Payag na ko. Pagnanalo si Yael ibigay mo na sa akin PS4 mo."

Ngumisi naman si Klione at saka binalingan ako. Tumango siya kay Krishna.

Pero hindi yata sang-ayon ang tadhana para kay Krishna dahil nanalo si Klione sa laro.

Malungkot siyang naglalakad sa tabi ko. Habang nasa tabi niya naman ang kapatid niya at pinsan. Papauwi na kami sa bahay nila.

"I can buy you one," suggest ko sa kanya para di na siya malungkot pa.

Simimangot naman siya.

"Sige na please regalo ko nalang sa'yo," pagpupumilit ko pa kahit alam kung di siya papayag na bilhan ko siya.

Escaping MelancholyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora