Kabanata 4

16 0 0
                                    

Kabanata 4

Drunk



"How's your school amy?"

Napasulyap ako kay Daddy na kumakain din kasama namin ngayon ni Kuya Diamond.

"It was fine dad," sabi ko at muling sumubo.

"I visited your ate bago ako umuwi dito."

Tumango naman ako.

"I will also visit her pag semestral break na namin."

Na plano ko na lahat ng yun dahil na mimiss ko na din naman siya. Balak ko sa ng isama si Krishna kaya lang ay baka maalala na naman niya si Klione kapag nakita niya ang pinsan nito. Kaya na pag desisyunan kung wag na lang.

Inilingan ako ni Daddy.

"You can't visit her," tinignan niya si din Kuya Diamond. "As well as you."

Gulat ko naman siyang tiningnan.

"Why? I want to visit her dad. Namimiss ko na po siya."

"You can visit her anytime soon amy. But not now," sabi ni Dad at saka tumayo na.

"Sa office lang ako," sabi niya at saka ang tinahak ang daan papuntang office niya dito sa bahay.

"Kuya gusto mo din bang pumunta kay ate sapphire?" tanong ko sa kanya.

Naghintay ako na sasagot siya. Pero mukha yatang walang siyang balak na sagutin ang tanong ko.

"Namimiss ko lang naman si Ate," reklamo ko kay Krishna. Nandito na naman kami ngayon sa kwarto ko. Nagbibihis para sa birthday party na gaganapin sa bahay nina ate tracy.

I just wear a black tube as my top, and partnered it with a white cargo pants.

"I envy your body."

Tiningnan pa niya ako mula baba, pataas.

"I like your body too," sabi ko sa kanya at saka kinuha ang bag ko sa tabi niya dahil nakaupo siya sa kama.

"Ano? Ikaw ang magdridrive? Nasan ang driver niyo?" reklamo niya sa akin ng makita akong naka upo sa driver seat.

Tinawanan ko naman siya. Kapag nandito kasi si Daddy sa Pilipinas ay pinapayagan niya akong mag drive pero kapag wala ay hindi naman.

"Wala ka bang tiwala sa bestfriend mo?" sabi ko sa kanya at saka tinaasan siya ng kilay.

She just rolled her eyes at umupo din naman sa tabi ko. Tumawa naman ulit ako.

I learned to drive a car when I was just fourteen. Pinilit ko talaga si Daddy na turuan ako kahit na busy siya. Kahit labag man sa kalooban niya ay wala siyang nagawa.

"Pag tayo namatay," pananakot ni Krishna sa tabi ko.

"Ayaw mo nun magkasama tayong mamatay," biro ko pa. Ramdam na ramdam ko naman ang paninitig niya ng masama sa akin kaya tinawanan ko ulit siya.

It's her first time kasi na sumasakay sa sasakyan ng ako ang nagdridrive. Kaya siguro ay natatakot pa siya.

Dumating kasi bahay nina ate tracy sakto sa oras na napag-usapan.

Ginala ko ang paningin sa paligid. Ang bahay nila ay nagmistulang bar dahil sa dami ng mga tao dito sa loob. Malakas din tugtog ng musika.

"Dito tayo," hatak sa akin ni Krishna.

This wasn't my first time pero hindi talaga pumupunta sa mga ganito.

Madami akong nakikitang kakilala. Madami din ang bumabati sa akin pero dahil hatak-hatak ako ni Krishna ay di ko na nagawang bumati ng pabalik.

Escaping MelancholyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon