"Hindi mo naman sinabi na gwapo rin pala ang isang yan." Naramdaman ko nalang bigla ang prisensya ni Samantha sa tabi ko ng bigla niya akong bulungan. Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy lang kami sa paglalakad.

Nagdala rin kami ng kanya-kanyang flashlight namin dahil hapon na at sa masukal na gubat ang aming daraan para mahanap ang kinakailangan namin. "Sure ka ba talagang alam niya?" tanong sa akin ni Lisa.

Tumango naman ako sa kanya. "Yes, sa Vulture niya daw nakuha ang chess piece niya." Sagot ko rito at tumango tango naman sya ng makumpirma ang sagot ko.

Marami kaming pasikot sikot na dinaanan. Nahaharangan ng malalaking puno ang nakapaligid samin kaya maingat kaming naglakad rito, parang gubat at bundok ang daan namin at ramdam narin namin ang pagdilim ng paligid dahil nahaharangan narin ng malalaking puno ang natitirang sinag ng araw papunta sa amin.

Mga kalahating oras na din ng magsimula kaming maglakad ng bigla nalang huminto si Rance kaya napahinto na rin kami. "We are almost there." Minki announced kaya nagkatinginan kaming lahat at inihanda ang mga sarili namin.

Bago kami umalis kanina ay pinaalala sa akin ni Zed na kailangan nga namin magdala ng armas at proteksyon para daw makasigurado kami sa maaaring mangyari sa amin sa gitna ng kagubatan at hindi rin pamilyar sa amin ang lugar na'to. And because of the trauma that caused me way back then, I brought my arrow and bow even though I am not that sure if I can shoot again. Just in case only.

"Ang sakit na ng paa ko, wala namang nagsabing hiking pala 'to." I heard Samantha complained, I turn my back at dun ko lang napansin na naka heels pala sya.

"Sino ba kasing nagsabing mag heels ka?"

"No one and none of your business."

"Okay? Bahala ka sa buhay mo." Nagsimula nanamang magtalo sina Samantha at Lisa kaya nauna nang naglakad si Lisa sa kanya at inawan syang nahuhuli.

"I could carry you." Alok naman sa kanya ni Jake pero inirapan lang sya nito pabalik. I shifted my eyes in front of me which Rance lead the way, followed by Minki.

"I think we are already here." Lumingon sa amin si Minki kaya naglakad ako papalapit sa kanya at doon ko lang nakita ang tinutukoy niya.

Rance suddenly stopped and look at the scene that was in fron of him, he laid back on one of the trees near him. May malaking Cave ang nasa harapan namin at sa gilid ng cave na to ay maaaninag mo na may mga kumikinang kinang sa loob nito. It's like a mining cave full of crystals.

"Here it is." Rance stated on us kaya napalapit na rin kami rito.

"Sinasabi mo ba na nasa loob niyan ang vulture?" Tanong ni Jake sabay turo sa kinaroroonan ng Cave. Lumingon sa kanya si Rance at madiin itong tumingin rito, nag iwas naman ng tingin si Jake dahil rito. "Sabi ko nga nandyan."

Lumapit pa ito sakin para may ibulong. "Ang sungit naman ng ka team mo na yan." I gave a half-smiled at him as a response.

"If you want to get one of their feathers, then you must defeat them." Nagulat ako ng bigla niyang sabihin iyon kaya agad ko syang tinignan. "What do you mean by that? Kailangan pa naming makalaban yung Vulture dyan? Hindi ba normal na ibon lang yun." Tanong ko rito.

Mystify Academy: Tale of the Phoenix PsychicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon