CHAPTER 24

8.4K 256 18
                                    





AV!!!! Jopay!!!!" gulat na tawag ni Juvy sa taong nagsalita mula sa likuran nila..... "Kailan pa kayo dumating? Kumusta ang mga baby ninyo?" tanong pa nito sa mag-asawa.... na sila Aron Vincent Camello at ang kaibigan nilang si Jopay Abellera-Camello.

"Noong isang araw lang." masayang sagot naman ni Jopay kay Juvy na may ngiti sa labi nito habang nakahawak sa bewang ng asawa nitong si AV Camello at maya't mayay lumapit dito at yumakap ng mahigpit kay Juvy.....

"Really!?"

"Yap! I miss you Juvy..... kayo ni Marie! and..... thank you" saad pa ni Jopay dito at..... "Anong ginagawa ninyo dito?.... And you are Mr. Eric Lazaro right?" baling naman ni Jopay sa kasama ni Juvy na si Eric.

"Yes.... I'm Eric.... Kaibigan ako nila Juvy at....... at Marie." pakilala naman ni Eric dito.

"Ahhh..... Nice meeting you Eric." sagot naman ni Jopay sabay lahad ng kamay nito ng napaisip ito kung saan nito unang narinig ang pangalan ng lalaki ng biglang naalala nito na ito pala ang ex-boy friend ni Marie na kaibigan nila ni Juvy na siyang nang-iwan kay Marie noon..... kaya napangiti nalang ito at.... "Eric, this is my husband Aron Vincent Camello." pakilala ni Jopay sa asawa nito kay Eric..... "Honey, this is Eric Lazaro kaibigan nila Juvy at Marie." baling naman nito sa asawa na nakatayo lang sa tabi nito.

"Nice meeting you Mr. Lazaro." wika naman ni AV dito sabay abot ng kamay nito.

"Same to you, Mr. Camello." sagot naman ni Eric dito sabay tanggap ng kamay ni AV.

"Patay ka ngayon De Silva..... Tignan nga natin kung paano magselos ang isang The Playboy!!!!" sa isip pa ni AV habang nakatingin kay Eric at Juvy  at maya't-maya ay nagyaya na itong papasok sa loob..... "Lets go in." yaya na ni AV sa kanila at..... "Ruiz.... andyan na ba silang lahat?" baling na tanong naman ni AV sa guard.

"Andyan na po silang lahat sir." sagot naman nito kay AV.

"Ahhhh... ok.... Sige... salamat." paalam na ni AV dito at pumasok na sila sa loob.

Habang papasok na sila Juvy sa loob ay.....

"Juvy..... siya na ba iyong kaibigan ninyo noon na si Jopay Abellera?" bulong na tanong ni Eric kay Juvy.

"Oo."

"Ang swerte naman niya at nakapag-asawa siya ng isang membro RCKADZ BOYS." wala sa loob na nasabi ni Eric na kinalingon naman ni Juvy dito.

"Hoy!!! Eric!!!" sita nito dito..... "Bakit ano bang mayroon sa mga RCKADZ BOYS na wala sa iyo? Gwapo ka naman at mabait ah." dagdag pa ni Juvy dito na kinangiti naman ni Eric.

"Kaibigan nga kita!!! wala na akong masabi!...(nakangiting saad ni Eric dito sabay hawak sa magkabilang pisnge ni Juvy)..... Pero salamat parin sa papuri mo dahil tumaas ng kunti ang conffidence ko sa sarili..... pero ang problema naman.... gwapo nga ako... wala namang laman ang bulsa ko at mas di hamak naman na mas gwapo ang mga ito kaysa sa akin lalo na iyong dalawa."

"Dalawa?!!! Sino?" patay malisyang tanong ni Juvy dito.

"Sino pa kung..... di iyong dalawa na wala pang asawa sila ZC De Luna at iyong sikat na artista na si CK De Silva." pahayag ni Eric dito at..... "Juvy,... Nakilala mo na ba iyong CK De Silva? Sa tingin ko bagay din kayo non." dagdag pang tanong ni Eric dito na kinaubo ni Juvy ng marinig nito ang huling sinabi ni Eric sa kanya.

"Oho! Oho! A-Ano kamo? Pakiulit mo nga." tanong pa ni Juvy dito.

"Sabi ko......"

"Hay! Naku Eric, tama na iyan..... Eric, pwede ba huwag mo ngang ibaba ang sarili mo.... kahit mahirap ka lang walang problema doon.... ang mahalaga mayaman ka sa mga kaibigan at mayaman ka ng pagmamahal dito(sabay turo sa dibdib ng kaibigan)...... mayaman ka na non!!!.... hindi mo na kailangan ng maraming salapi para lang pumantay sa mga ito." dagdag pa ni Juvy dito na kinatango naman ni Eric.

CEDRICK KYLE DE SILVA "THE PLAYBOY"  THE RCKADZ BOYS SERIES 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon