CHAPTER 10

10.5K 245 7
                                    





"Someone I saw... on your botique." patay malisyang sagot ni KM dito na nakaupo na sa tabi nito.

"Fuentabella..... what are you talking about?" wika ni CK kay KM na sa iba naman nakatingin dahil parang alam na nito kung sino ang tinutukoy ni KM.

"I'm talking about that woman.... the woman that I saw in your botique." sagot ni KM dito...... "She's quite pretty or I rather said... she's gorgious... am I right De Silva?" saad pa ni KM dito na kinatingin naman ng huli kay KM.

"Nhaaaa.... Fuentabella baka.... baka fans ko lang iyong sinasabi mo." saad pa ni CK

"Are you sure of that De Silva? Na fans mo lang iyon?"

"Y-Yes." mabilis na sagot ni CK kay KM.

"Ok sabi mo eh." tanging sagot ni KM at.... "I have to go now... baka naghihintay na si Misis sa bahay." paalam na ni KM sa kanila.... "Ah!!!! siya nga pala De Silva pahiram naman ako ng props mo noong isang araw para naman hindi ako makilala ni misis kapag may hinabol din akong isang magandang dalaga sa loob ng mall." pahabol pa ni KM kay CK na kinalaki ng mata ni CK.

"Hahahahhaha!!!" tawa pa ni KM habang papasakay na sa sasakyan nito dahil sa nakita nitong reaction ni CK at maya't maya ay umalis na ito.

"Nadali na!!! nakita ata ako ni KM sa ginawa kong paghabol kay Juvy?" sa isip ni CK sabay iling nito ng...

"De Silva!" pukaw ni RE kay CK..... "Ano yong sinasabi ni KM?" tanong nito dito.

"Ha!.....W-wala iyon lasing lang iyon."

"Lasing?" balik tanong ni RE sa sagot ni CK sabay kunot ng noo nito.... "De Silva paano malalasing si KM eh.... hindi naman tayo nag-inuman ngayon?"

"Lasing iyon Saveren.... lasing sa imahenasyon." sagot ni CK dito.... na nagpakamot sa batok ni RE at ngisi dito.

"Lasing sa imahenasyon? Wow! De Silva bago yan ah...." natatawang sagot ni RE kay CK.

"Oo... kaya ikaw Saveren huwag ka ring magpakalasing sa ganyang bagay.... mahirap na..... wala pang gamot para doon." saad pa ni CK kay RE na may ngiti sa mga labi nito sabay lapit sa kanya at.....

"CK, baka...... baka pwede mo namang ibulong sa akin kung sino iyon?" wika ni RE kay CK na kinatingin ng huli dito..... "Atin-atin lang naman eh." hirit pa ni RE kay CK.

"Isa ka rin Saveren na lasing..."

"Lasing sa ano De Silva?"

"Umuwi ka na nga at inihintay ka narin ni Ella." pagtataboy nalang nito kay RE.

"De Silva.... De Silva... malalaman ko rin kung sino iyan... alalahanin mo isa akong..."

"Agent... Detictive." agaw ni CK sa sasabihin ni RE

"Tama De Silva!!!"

"Ewan ko sa iyo... makauwi na nga." saad ni CK at sumakay na ito sa sasakyan nito habang naiwan naman si RE na napapangiti at iling kay CK.

"De Silva... masaya ako na may nakita ka ng pagkakaabalahan but I hope hindi siya masasali sa mga pinaiyak mo." sa isip ni RE habang nakatanaw sa sasakyan ni CK na papalabas ng resort.

Samantala habang nasa daan si CK ay hindi niya mapigilang mapangiti at sabay iling sa sarili nito dahil sa kaalaman na nakita siya ni KM sa pinaggagawa niya sa mall....

"I thought I'm safe." tanging bulong ni CK sa sarili nito at.... "Nakaligtas nga ako sa mga paparazzi at mga fans pero sa mata ng isang KM Fuentabella.... wala akong kawala." dagdag pa nito ng....

"Bakit bumalik pa siya dito?" sa isip pa nito.... "Everything is ok now."

"Whatever Claire reasons is.... kung bakit andito siya.... wala na akong pakialam.... everything between us are no more... already gone long time ago." bulong pa nito sa kawalan sabay sindi ng stereo ng sasakyan nito....

CEDRICK KYLE DE SILVA "THE PLAYBOY"  THE RCKADZ BOYS SERIES 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon