CHAPTER 34:

7K 251 34
                                    







"Anong ginagawa mo dito?" magkasabayang  tanong nina ZC at CK sa isa't-isa at sabay baling kay Juvy ng magsalita si CK.....

"De Luna, di ba dapat..... ako ang magtatanong niyan sa iyo?" balik tanong at sabay tingin ni CK dito na nakatayo parin sa harapan ng pinto nila Juvy.

"Wala akong dapat na ipaliwanag sa iyo De Silva kung bakit ako nandito kila Juvy." matatag at mahinahong sagot ni ZC dito na siya namang kinaliit ng mata ng huli at hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Juvy kaya....

"CK, tama na." awat nito sa binata at sabay baling sa inang nakatayo sa loob ng bahay nila na wari'y hinihintay ang pagpasok nilang tatlo ng.... "Nay!" tawag ni Juvy sa ina.....

"B-Bakit may problema ba dito?" takang tanong ni Aling Linda kay Juvy ng tuluyan na itong makalapit  sa kanila at sabay tingin kila ZC at CK at..... "Juvy?" patay malisyang tanong pa ni Aling Linda sa anak.

"W-Wala po, tita." maagap namang sagot ni CK kay Aling Linda at.... "Magandang gabi po." sabay bati nito kay Aling Linda.

"Magandang gabi naman iho." ganting bati rin ni Aling Linda kay CK at.... "Halika pasok ka dito sa loob." anyaya pa ni Aling Linda at.... "Bakit kasi dito pa kayo sa may pintuan nag-uusap usap?" dagdag pa ni Aling Linda sa mga ito ng....

"Hindi Inay!" maagap na tanggi ni Juvy sa ina at..... "L-Lalabas nalang po kami ni CK.... at saka may.... may pag-uusapan pa po ata kayo ni Mr. De Luna." dagdag pang sagot nito Juvy sa ina.

At dahil sa narinig naman ni ZC ay agad naman itong nagsalita at....

"No!!! Ako nalang ang aalis." maagap na sagot ni ZC sa usapan nila Aling Linda at Juvy at..... "Dito nalang kayo ni..... ni CK at.... at ako nalang ang aalis." dagdag pa ni ZC dito..... "Baka kung saan ka pa dalhin ng De Silvang iyan." sa isip pa ni ZC habang nakatingin sa kaibigan.

Sa sinabi ni ZC ay bigla namang napatingin si Juvy dito at....

"I mean it." wika ni ZC dito ng tignan niya si Juvy at makita niya dito kung paano siya nito tignan ng bigla namang nagsalita si CK....

"No.... ako nalang ang aalis." wika naman ni CK sa mga ito na siyang kinatingin din nila ZC at Juvy dito.... "S-Sinigurado ko lang naman na.... na nakauwi ka na Juvy, kasi..... kasi tinatawagan kita pero.... pero hindi ka sumasagot kaya.... kaya pinuntahan na kita dito sa bahay nyo." dagdag pa ni CK dito.

"P-pero....."

"Ok lang Juvy.... at saka gabi narin naman at..... at kailangan mo na ring magpahinga." putol ni CK sa sasabihin ni Juvy at.... "Tita, mauuna na po ako..... sorry po sa abala." paalaam naman ni CK kay Aling Linda na nakatingin lang sa kanila.

"Ok lang iyon Iho, salamat sa pag-aalala kay Juvy." sagot naman ni Aling Linda kay CK at..... "Mag-iingat ka sa daan at... at salamat sa paghatid mo kay Juvy." dagdag pa ni Aling Linda kay CK.

"Wala po iyon Tita.... ako nga po ang dapat magpasalamat at..... pumayag po si Juvy  na lumabas kasama po ako." sagot naman ni CK kay Aling Linda sabay tingin kay Juvy at.... "Sige, Juvy....... I have to go now." paalam na ni CK kay Juvy at isinuot na nitong muli ang kanyang sumbrero at naglakad na ito pabalik sa sasakyan nito.

Habang naglalakad si CK patungo sa sasakyan nito hindi maalis sa isipan nito  kung bakit naroon ang binata sa bahay nila Juvy kaya....

"De Luna.... De Luna." sa isip nito hanggang sa makarating ito sa sariling sasakyan nito.

Samantala pagkaalis ni CK sa bahay nila Juvy ay.....

"Inay." tawag ni Juvy kay Aling Linda sabay tingin nito kay ZC na agad namang nakuha ng binata kung anong ibig ipahiwatig ng dalaga kaya....

CEDRICK KYLE DE SILVA "THE PLAYBOY"  THE RCKADZ BOYS SERIES 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon