CHAPTER 37:

7.5K 267 31
                                    




"Juvy can we talk?" bulong ni CK kay Juvy sabay ng paghawak sa kamay ng dalaga na siya namang kinagulat nito.

"A-Anong ginagawa mo dito?" gulat namang tanong ni Juvy dito ng mapagsino nito kung sino ang bumulong at humawak sa kamay nito.

"Can we talk please." pagmamakaawa ni CK dito habang pilit na tinatago ang mukha sa mga taong naglalakad malapit sa kinatatayuan nila.... "Please Juvy." pagmamakaawa pa ni CK kay Juvy.

"Mr. De Silva, wala naman na t-tayong p-pag-uusapan eh." sagot naman ni Juvy dito at..... "O-Ok l-lang naman ako.... U-umalis lang ako ng restaurant da....hil..... nag-away kami ni Zaidrick.... w-wala ng ibang dahilan." dagdag pa nito na siyang kinatingin at kinalunok ni CK.

"No, I don't believe you." tanging sagot ni CK dito at.... "Please let me explain first.... a-about sa nakita mo sa amin ni Claire." wika pa nito.

"M-Mr. De Silva, w-wala....."

"Call me CK or Cedrick Juvy..... kahit ano huwag lang Mr. De Silva."

"Pero...."

"Please Juvy..... I can prove it to you na..... na wala kaming relasyon ni Claire , is just..... she just called me to .... to discuss something." pahayag pa ni CK dito at... "Please Juvy.... trust me this time.... I can prove it to you na malinis ang intensyon ko sa iyo at..... at kung liligawan ka ni De Luna..... I will do everything to win your heart.... na ako ang piliin mo at mahalin mo." wika pa nito na siyang nagpalaki ng mata ni Juvy.

"A-Anong i-ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Juvy dito.

"Bago ko sasbihin sa iyo ang lahat..... pwede bang sa loob nalang tayo ng car..... pinagtitinginan na ako ng mga tao dito." hiling ni CK kay Juvy na siya namang lingon ni Juvy sa paligid nila at totoo nga ang sinasabi ng binata kaya.....

"O-Ok.... pero sa loob lang tayo ng sasakyan mo ah." sagot naman ni Juvy dito..... "Hindi na tayo lalayo dito sa amin." dagdag pa ni Juvy dito.

"Yes! I promise." nakangiti namang sagot ni CK at sabay kaway sa mga taong nakatingin sa kanila ng......

"Di ba parang si Cedrick Kyle De Silva iyon." dinig nilang dalawa na siyang biglang tingin nila sa isa't-isa ..... "Anong ginagawa niya dito at bakit kasama niya iyong...... iyong anak ni Aling Linda ba iyon?" wika pa ng babae kaya.....

"Tara na." yaya na nito kay CK sabay hila sa kamay nito..... "Bilis." yaya ni Juvy dito habang hinihila si CK na panay naman ang kaway sa mga nakakakita sa kanya.

Pagkarating nila sa sasakyan ni CK ay....

"Buksan mo na." utos nito dito.

"Ha!? Ah.... Oo, ito na bubuksan ko na." sagot naman ni CK sabay kuha ng susi ng sasakyan nito at bukas sa pintuan nito para kay Juvy.... "Get in." utos na ni CK dito ng makita ni CK na may papalapit ng mga tao sa kanila.

"T-Teka... bakit dito?" takang tanong ni Juvy kay CK at.... "Pwede naman sa... sa loob lang." saad pa nito ng....

"Just get in.... they're coming now." wika ni CK at hinawakan nito ang ulo ni Juvy at pilit na pinasakay sa sasakyan nito.

Pagkapasok ni Juvy ay agad namang umikot si CK sa may driver set at sumakay.

"I think we better leave here." tanging nasabi ni CK at agad na binuhay ang makina ng sasakyan nito ng....

"No... CK, nagpromise ka sa akin na.... na dito lang tayo." kinakabahang turan ni Juvy dito.

"I broke my promise now..... pero ngayon lang Juvy." tanging sagot naman ni CK at pinaandar na nito ang sasakyan ng....

CEDRICK KYLE DE SILVA "THE PLAYBOY"  THE RCKADZ BOYS SERIES 6Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon