Chapter 47 - Agreement

Start from the beginning
                                    

"So what do you mean?" Nakakunot ang noo nya, di gusto ang sinabi ng kaibigan.

"Bro wala tayong makukuhang tulong sa kanila about your case against Clarisse. Ayaw din nilang makasuhan ang anak nila. Dahil obviously malakas ang laban ni Clarisse kapag kinasuhan nya kayo. Madaming evidence na hawak si Clarisse against you and Anne." Paliwanag pa nito.

"Anne? Who is Anne? Bro, I don't know that woman, okay. Kaya kung ayaw nilang tumulong, ako na lang ang magkakaso sa Clarisse na yan!" Salubong ang kilay at galit pa ring sagot ni Paul.

"Paul, pipirmahan na ni Clarisse ang annulment nyo at hindi ka na nya kakasuhan ng adultery at yung mistress mo. Pero sa isang kondisyon iuurong mo ang kaso mo sa anak ko. This is win win for you and Clarisse dahil matagal mo ng hinihiling ang annulment sa kanya at wala ka pang adultery case na kakaharapin. Malakas ang laban nya sa pagtataksil mo sa kanya. Kaya kung itutuloy mo ang kaso sa anak ko parehas lang kayong makukulong pati na rin ang mistress mo." Sabad at diretsahan pa ring wika ni Atty. Marquez.

"Anak, palagay ko mas mabuti pang wag mo ng kasuhan si Clarisse. Tama ang mga Johnson, ang importante ligtas na kayo at nakahingi na ng tawad si Clarisse. Tapos makakalaya ka na sa kanya. Matagal mo ng hinihingi kay Clarisse ang kalayaan. At ito na yung pinakahihintay mo anak, magiging malaya na kayo ni Anne." Sabad ng ina ni Paul na tila nakapagpaisip din kay Paul.

Matapos ang mahabang pag-uusap ay pumayag din sa areglo si Paul. Agad din namang pinirmahan ni Clarisse ang annulment paper nila sa harap ng mga magulang ni Paul at ni Ivan. Nangako si Clarisse na hinding-hindi na guguluhin si Paul kailanman. 

Humingi ito ng tawad sa magulang ni Paul lalo na kay Paul. Pero hindi pa rin ibinigay ni Paul ang kapatawaran na hinihingi nito. Parte lamang daw ng agreement ang pakikipag-usap nya dito. Pero ang kapatawaran na hinihingi ni Clarisse ay hindi kasama sa agreement nila.

Mula noon ay hinanap na ni Paul ang bagay na makakapag-paalala kay Anne na palaging binabanggit sa kanya ng parents nya at mga kaibigan. Maging sa social media ay naisipan rin nitong hanapin ang Anne na sinasabi na mistress daw nya.

Nang makita nya ang picture ni Anne sa social media ay wala naman syang naramdaman na kakaiba. Kaya naisip nya na baka isa lang yung Anne sa mga pinaglaruan nya na babae na nakasama lang sa kamalasan nya ng gabing naaksidente sya.

Kaya naman mas itinuon nya ang oras sa pagpapalakas ng katawan upang makalakad sya agad-agad at makabalik na sa dating buhay. Every weekend ay dinadalaw sya ng mga kaibigan nya sa Ilocos. Hindi na muna sya pinabalik ng parents nya sa condo nya sa Manila dahil nga hindi pa sya nakakalakad.

Samantala mula ng malaman ni Anne na divorced na siya sa asawang si Lui ay naging matamlay na ito at palaging umaalis ng bahay. Palagi din syang pumupunta kung saan-saang sulok ng Pilipinas kahit mag-isa lang o may kasama man. Para lang malimutan ang asawa.

Hinahayaan lang sya ng parents nya sa gusto nya. Dahil pwedeng ang pagpunta-punta nya sa kung saan-saan ay makatulong sa pagbabalik ng alaala nya. Madalas din sinasamahan sya ni Lala at Judith sa mga lugar na gusto nyang puntahan. 

Naiintindihan din ng mga anak nya ang kalagayan nya at pag-alis-alis palagi. Alam nila na isang araw ay pipirme din ang mommy nila sa bahay kapag nagsawa na sya at natanggap na ang paghihiwalay ng daddy nila. At tama naman sila ng naisip.

"Mga anak kumusta na kayo? Pasensya na kayo kung wala lagi si mommy. Ayoko kasi maalala ang daddy nyo kaya lagi akong umaalis. Pero promise, simula ngayon palagi na ulit akong andito sa bahay para alagaan kayo. Dahil feeling ko okay na si mommy." Nakangiting wika ni Anne sa tatlong anak habang kayakap ang mga ito sa kama.

"It's okay mommy we understand you. May sakit ka rin kaya gusto din naming gumaling ka na. Sanay na kami mommy na wala si daddy kaya ikaw masanay ka na ulit ha." Sagot ni Yuna sabay yakap ng mahigpit sa ina.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Where stories live. Discover now