Chapter 6 - Old friend

521 17 1
                                    

Samantala natawag na lahat ng pasahero sa eroplano at abala na ang lahat sa pagtingin kung nasaan ang kani-kanilang mga seat. Si Anne naman ay pumikit na lang muna sa kanyang upuan dahil nahihilo siya tingnan ang mga tao na sunod-sunod na pumapasok sa loob ng eroplano. 

Nananaginip na siya ngunit napapitlag siya at nagising sa mabilis na pagkakaidlip. Naramdaman kasi niya na may marahang tumapik sa kanyang balikat. Ito na marahil ang o-occupy sa tabi ng kinauupuan niya. Dahil sa sobra niyang antok kaya di na niya namalayan na lumalagpas na siya sa upuan ng may upuan at sandalan ng may sandalan.

"Miss excuse me, can I sit to my spot?" magalang na tanong ng isang banayad na boses lalake sabay tapik sa balikat niya.

Mahapdi ang mga mata ni Anne pero pilit niya iyong ibinukas. Marahan siyang tumunghay at tumingin sa kinaroroonan ng tinig.

"Oh, I'm so sorry, I didn't mean to intrude on your spot," nahihiyang paumanhin niya sabay ayos sa kanyang pagkaka-upo.

"No, no it's okay, you don't have to say sorry. I know you are tired, but the plane is about to take off, and I need to sit down now, and I've noticed your seatbelt is not yet on," magalang na sagot ng lalake tsaka itinuon ang tingin sa seatbelt ni Anne na nakaladlad pa sa gilid ng upuan nilang dalawa.

"Oh yeah, thank you!" maigsing sagot niya na may ngiti. Pero sa isip-isip niya ay may itsura ang lalaking ito. Pero sana naman ay mabango ito at hindi naghihilik. Matagal niya itong makakatabi at di niya matitiis kung kakaiba ang amoy nito.

Umupo na ang lalake sa tabi niya hanggang sa tuluyan ng nag-take off ang eroplano. Nang makailang minuto na sa himpapawid ay nakatulog na naman siya. Di na niya alam kung pumapaling na ba ang ulo niya sa balikat ng katabi niya o sa wall ng plane. Nasa tabi kasi siya ng bintana na spot.

Sa kasamaang palad, ang ulo pala niya ay nakadantay na sa balikat ng lalakeng katabi. Pero dahil gentleman ang katabi niya, kaya inayos pa nito ang ulo ni Anne sa pagkakapatong sa balikat nito. 

Napagkamalan tuloy sila na mag-jowa ng isang crew ng eroplano. Namimigay na kasi ito ng menu ng pagkain kaya ang sabi ng stewardess dito ay pakibigay na lang daw sa girlfriend nito mamaya ang menu paggising. Natatawa na lamang sa isip ang lalake habang si Anne naman ay tulog na tulog pa rin sa balikat nito.

Makalipas ang isang oras ay nagising na si Anne. Nagulat siya dahil na-realize na nakapatong pala ang ulo niya sa katabi. Ang katabi naman niyang lalake ay nagtulog-tulugan para hindi siya mapahiya, naramdaman kasi nito na gigising na siya. 

Pasimpleng inayos ni Anne ang sarili at nakita niya sa maliit na table ng seat niya yung menu na binigay ng stewardess kanina. Dahil sa nararamdamang hiya kaya nagkunwari siya na nagche-check ng mga pagkain ng nakita niya na nagising na ang lalaking katabi.

"Good morning!" malambing na bati ng lalake na nakangiti sa kanya.

"Morning!" sagot naman niyang nawiwirdohan sa lalake. 

Ba't kaya ngingisi-ngisi ito? Baka nahipuan na ako nito, di ko pa alam ah! Nag-aalalang bulong niya sa isip.

"Do you have a good nap?" malambing at nakangiti pa ring tanong nito.

"I do, how about you?" pormal at ganting tanong niya.

"I do but my shoulder feels numb," pagbibiro nito na inii-stretch pa ang arm pero nakangisi pa rin. "By the way that's your menu, I just put it there for you," dugtong pa nito sabay nguso sa mini table sa harap ni Anne. Pero kita na naman nito na hawak na ni Anne ang tinutukoy. Kulang lang talaga ito sa pansin. Ang ganda naman kasi ng katabi nito.

"Thank you!" patay malisyang sagot na lamang ni Anne pero naiisip niya na baka alam ng lalake na nakatulog siya sa balikat nito kaya sumasakit iyon. Tumahimik na lamang siya at nag-focus sa pagtitingin sa menu na hawak.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon