Chapter 20 - Again

300 13 7
                                    

Gaya ng napag-usapan ng magkaibigan walang sasabihin si Judith kay Ivan na kasama nya si Anne sa Pilipinas. Magkaiba sila ng hotel na tutuluyan at magkikita lang sila at mamasyal kapag hindi available si Ivan para hindi nito malaman na kasama si Anne. Dahil kapag nalaman ni Ivan na nasa Pilipinas din si Anne ay nakakasiguro sila na makakarating yun kay Paul. At pag nakarating yun kay Paul siguradong hindi nito titigilan si Anne.

"Hoy bes ano na nasa trabaho si Ivan tara gora na tayo!" Bungad ni Judith sa cellphone na agang-aga tinatawagan si Anne.

"Sige sunduin kita dyan. Pero sigurado ka ba na sasama ka sa akin sa farm? Baka hanapin ka ni Ivan mamayang gabi. Anong idadahilan mo? Wala ka namang kamag-anak sa Manila na pwede mong i-alibi sa kanya." Pag-aalala nya.

"Syempre sasabihin ko na nasa farm nyo ako dinalaw si Tito at Tita. Ano ka ba bes, carry ko lang yan!" Confident na sagot naman nito.

"Sige! Oi, magready ka na ha. Kasi nag-book lang ako ng grab. Tapos pahatid tayo sa bus stop. Di na kasi ako nag-rent ng car, hihiramin ko na lang ang car ni daddy para may magamit tayo sa pamamasyal."

"Sigurado ka ba talaga bes na papayagan ka nina Tita na bumalik sa Manila?"

"Oo naman kasi kasama kita. Kaya di ako pagtatrabahuhin at patitigilin ng mga yun sa farm nila. Kasi sinabi ko na wala kang kasama kundi ako lang, kaya susulitin natin ang bakasyon."

"Ay bonnga! Like that!" Kinikilig na sagot nito.

"Syempre malakas ka sa akin e! Sinabi ko na lang kina mom and dad na dadalaw-dalaw na lang tayo sa farm pag wala tayong hada na dalawa. Pero teka kelan ka naman uuwi sa Palawan sa parents mo? Sigurado excited na silang makita ka." Pag-iiba nya sa usapan.

"Baka sa weekend, sama ka bes ha ikaw ang service ko!" Mabilis na sagot ni Judith.

"Oi abusado ka na ha, chaperone mo na nga ako driver pa. Iba ka rin bes e ano! Ba't kaya hindi si Ivan ang isama mo kasi sya naman ang boyfriend mo." Pang-aasar nya dito.

"E busy yun e. Kaya ikaw na lang ang sumama sa akin. Tapos pasyal tayo sa mga beach dun, ako ang bahala sayo sa Palawan."

"Ano ka ba baka magtampo naman ang boyfriend mo nyan sayo. Chance mo na yan para ipakilala sya sa parents mo." Tutol at kumbinsi nya.

"Bes ayoko naman sirain ang trabaho nya, weekend lang naman sya maluwag e. I mean Sunday lang tapos pag umuuwi sya ng bahay gabi na, e sa tatlong araw natin dito sa gabi nga lang nya ako dinadalaw sa hotel. Pero hanggang isang oras lang kami magkasama tapos panay pa ang tunog ng cellphone nya. Kaya ikaw na lang ang isasama ko sa Palawan, para naman makilala mo na rin sina mama. Kaya sige na bes, pumayag ka na!" Lambing nito sa kanya.

"Pag-iisipan ko bes ha." Tutol pa rin nya, wala din kasi sya sa mood mamasyal. 

"Ito naman pag-iisipan pa di na lang gawin!" Kunwaring nagtatampo na sagot nito.

Sa gabi ng pag i-stay ni Judith sa farm nina Anne ay di nga sya nagkamali na uusigin ni Ivan si Judith kung bakit andon ang best friend nya sa farm. Kaya naman tinanong agad ni Ivan si Paul kung kilala ba ni Judith ang parents ni Anne. Dahil nagtataka ito kung bakit dun pa natulog sa farm si Judith. So, ibig ba sabihin ay close ang kasintahan sa family ni Anne tapos di sya isinama. Kaya nagtampo ito ng bahagya sa nobya.

"Bro kilala ba ni Judith ang parents ni Anne?" Tanong ni Ivan kay Paul ng makasabay ang kaibigan papunta sa office nila kinaumagahan.

"Ah ang pagkakaalam ko yes bro! Kasi pag dinadalaw daw nila si Anne sa US sinasama ni Anne si Judith at yung Ate Lala nila sa bonding nila ng mom and dad nya. Kaya Im sure close nila ang mga kaibigan ni Anne. Teka, ba't mo naman naitanong yan?" Pagtataka ni Paul.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon