Chapter 43 - Stranded

Magsimula sa umpisa
                                    

"Paul! What are you doing here?!" Gulat ding tanong ni Anne sabay tayo habang hawak ang torque wrench. 

Nang narinig kasi nito ang boses ng lalake ay agad nyang hinigpitan ang hawak sa torque wrench para ano't-ano man ang gawin sa kanya ng may-ari ng boses na yun ay maihahampas nya agad dito ang hawak nyang tools. Hindi nya ito nabosesan agad dahil sa lakas ng ulan, hangin at kulog.

"Ikaw ang anong ginagawa dito sa gitna ng kadiliman? Anyway, galing ako sa bahay ni Clarisse hinatid ko sya. Pauwi na sana ako sa Manila. Nakita ko na may nasiraan ng sasakyan na hindi ko naman akalain na ikaw pala. Ano bang nangyari sa kotse mo?" Malakas na sagot ni Paul upang marinig sya ni Anne dahil malakas ang ulan.

"Galing kasi ako sa seminar. Meron ata akong nadaanan na bubog or pako. I don't know, basta naramdaman ko na lang na gumegewang na itong kotse ko. Pagtingin ko sa labas, ayan na sumabog na pala yung gulong." Malakas ding sagot ni Anne kasabay ng buhos ng ulan.

"Ganon ba? Mukha ngang masama ang pagkakasabog ng gulong mo. Di bali dito ka sa gilid ko, payungan mo na lang ako. Ako na ang bahala dyan sa gulong na yan." Sagot ni Paul habang tinitingnan ang sumabog na gulong.

"Hindi na. Kaya ko naman, baka may pupuntahan ka pa e. Sige na, ako na ang bahala dito. Marunong ako nito, tinuruan ako ni Lui noon." Nahihiyang tanggi nya.

"Hindi na, ako na. Hawakan mo na lang itong payong, tingnan mo oh basang-basa ka na tapos ang igsi pa ng suot mo. Buti na lang ako ang naunang dumaan dito. Paano kung iba ang dumaan dito baka nabastos ka na." Giit nito at concern na dugtong sabay abot ng payong kay Anne. 

Di ito nagpapigil kay Anne. Ito na mismo ang kumuha ng kamay ni Anne para ipahawak ang payong nito. Di rin nito napigilan na hagudin ng tingin ang suot ni Anne. Lumabas lalo ang kasexyhan ni Anne dahil nga basa ang dress nya kaya lalo iyong humapit sa katawan nya.

Napatingin na lang si Anne sa suot nya. At tama nga si Paul awkward nga ang suot nya. Tapos nagtututuwad sya habang kinakalas ang mga lug nuts ng gulong nya. Kaya natawa na lang sya sa sarili. At mas lalo pang natawa dahil biglang bumaligtad ang payong ni Paul nang biglang dumaan ang malakas na hangin.

"Omg! Paul your umbrella is upside down!" Tumatawang tili ni Anne habang abalang-abala si Paul sa pagpapalit ng gulong nya.

Nagkatawanan na lang ang dalawa dahil tuluyan na ring nabasa si Paul at tuluyan ng nasira ang payong nito. Nang matapos ng magpalit si Paul ng gulong ng kotse ni Anne ay lubos lubos ang pasasalamat nya dito. Kaya naman gusto nyang bumawi dito bilang pasasalamat.

"Thank you much, Paul. I owe you this time. Let me think how to repay you. I know you don't want money, so I guess let's have a cup of coffee na lang tutal basa na tayo pareho. Masarap uminom ng kape kapag malamig at parang mga basing sisiw, di ba?" Nakangiting pasasalamat at alok nya dito.

"Sure! Meron ditong nadadaanan na coffee shop at may RTW store sa tabi nun. Pwede tayong bumili ng bihisan sa kanila. Wala akong dalang extrang damit sa kotse this time e, ikaw ba?" Masayang sagot nito. Pagkakataon na rin nyang makasama ng matagal si Anne kaya ang saya ng puso nya.

"That's a good idea. I don't have extra clothes too. So, let's go now. Baka magkasakit pa tayo dito, lumalakas na pati ang hangin." Nakangiting sagot nya at yakag.

Bumili muna sila ng damit sa sinasabing store ni Paul at pagkatapos ay nagpalipas ng ulan sa loob ng isang coffee shop. Napakasaya talaga ng puso ni Paul ng oras na yun. Parang bumalik sila sa dati na walang tension sa pagitan, masayang nag-uusap at puno ng pag-ibig. 

Pero hindi lang alam ni Paul kung may pag-ibig din ba at saya na nararamdaman si Anne ng mga oras na yun. Naisip nya na dahil tinulungan nya si Anne kanina kaya baka nagpi-pretend lang ito na masaya at tumatawa sa harap nya.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon