Chapter 17

762 61 0
                                    

“Sir Inigo?” nagtatakang sambit niya sa kanyang boss ng makita ito.

         

“Oh Maris! Nandito ka din pala” ani Inigo na halatang nagulat din ng makita siya.

         

Tumango lang siya dito. Napatingin siya sa kaibigang si Swellyn na palipat-lipat din ng tingin sa kanilang dalawa ni Inigo. Siniko niya ito at bumulong ng mahina sa tainga nito, yung sapat lang na marinig nito ang sasabihin niya.

         

“Ang sabi mo, nandito na si Dominic.” Bulong niya dito.

         

“Oo nga. Ayan na siya oh!” sabi nito sabay nguso kay Inigo.

         

“Hala! Joker oh! Si sir Inigo kaya yan. Siya ang boss ko noh.” Pinandilatan niya ito ng mata.

         

“Boss mo si Dominic?” parang di ito makapaniwala sa sinabi niya.

         

“Bingi lang? Sabi ko Inigo, not Dominic.” Asar niyang sabi sa kaibigan.

       

“Hindi mo ba alam na Inigo Dominic Fuentebella ang buong pangalan ni Dominic, Maris?” takang tanong ni Swellyn sa kanya.

         

Iling lang ang isinagot niya dito. Nawindang siya sa sinabi nito kaya parang umurong yata dila niya at hindi siya makapagsalita. Bumaling siya sa gawi ni Inigo. Tinitigan niyang mabuti ang mukha nito. Hindi talaga siya makapaniwala na ito at si Dominic ay iisa. Samantalang si Inigo naman ay tila naaasiwa sa pagkakatitig niya dito.

Habang tinitingnan niya ng maigi ang mukha nito ay saka niya narealize na kahawig nga ito ng batang Dominic na kaibigan niya. Medyo payat kasi ito nung bata pa sila pero magandang lalaki na talaga. Ngayon ay nagkalaman na ang katawan nito at mas lalo pang naging magandang lalaki. Si Inigo ang lalaki na susundan mo talaga ng tingin kapag nakasalubong mo.

         

Di niya napigilan ang sarili at nilapitan niya ito. Nagulat na lang si Inigo nang bigla na lang niya itong niyakap. Hindi na kasi niya naisip ang sasabihin nito kung sakali. Ang mahalaga sa kanya ay yung iparamdam dito na miss na miss na niya ito.

         

“Maris, bakit?” naguguluhang tanong nito.

         

“I miss you, Dominic”, mahinang sambit niya.

         

Magsasalita na sana ulit si Inigo ngunit dumating na ang paring magbibinyag kaya hindi na nito naituloy ang nais sanang sabihin. Kumalas siya sa pagkakayakap dito at nang tumingin siya sa lalaki ay bigla siyang nakaramdam ng hiya. Agad siyang napayuko at bumalik na sa kinauupuan kanina. Naramdaman niyang tumabi si Inigo sa kanya. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya ng magdikit ang mga braso nila. Hindi siya makalingon sa gawi nito kasi natatakot siya na baka nakatingin din ito sa kanya.

         

Balak niya itong kausapin ng masinsinan pagkatapos ng binyag. Gusto niyang malaman kung bakit hindi siya nito nakilala samantalang alam na nito ang buo niyang pangalan nung bata pa lang sila. Wala naman ding masyadong nag-iba sa itsura niya maliban sa mas lalo siyang gumanda ngayon. Chos!  Siya naman kasi ay may sapat na dahilan kung bakit hindi niya ito agad nakilala. Hindi niya alam ang buo nitong pangalan, Dominic lang kasi ang pagkakilala niya dito.

WHEN LOVE AND HATE COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon