Chapter 5

991 84 5
                                    

Tinawagan ni Carlie si Maris para yayaing manuod ng movie at di rin naman ito nagawang tanggihan ng dalaga.

        
Nagkita ang dalawa sa isang restaurant. Balak nilang kumain muna bago manuod ng sine.

“Mars, anong gusto mong kainin?” tanong ni Carlie habang tinitingnan ang menu.

“Kung ano order mo, yun na rin sakin. Teka Carl, punta muna ako saglit sa restroom.” paalam niya sa kaibigan.

Kakaalis pa lang ni Maris ng pumasok sa restaurant ang dalawang lalaki.

“Babe?” ani Carlie.

“Babe, nandito ka pala. Who’s with you?” tanong nito sabay halik sa pisngi ng kasintahan.

“I’m with Maris.” she answered.

“Ah, ok. By the way babe, meet my friend, Inigo. Nigs, my girlfriend, Carlie.” pakilala ni Kevin sa dalawa.

“Nice to meet you Carlie” Inigo said extending his hand for a handshake.

“Same here” nakangiting sagot ni Carlie sabay abot ng kamay dito.

“Ano ba plano niyo ni Maris ngayon?” tanong ni Kevin.

“Balak sana naming manuod ng sine mamaya” sagot ni Carlie

“Kung ganun sasama na lang kami sa inyo ni Inigo tutal wala na rin naman akong gagawin sa opisina.” wika nito.

“Sige, walang problema. The more the merrier.” sang-ayon ni Carlie sa kasintahan.

“Ayos! Parang double date na rin toh.. You and I tapos Inigo and Maris.” ani Kevin sabay kindat sa girlfriend.

“Bro, kayo na lang siguro. Di rin naman kasi ako masyadong mahilig sa movie.” tanggi ni Inigo.

“Wag ka namang KJ bro, saka remember Maris?” nakita ni Kevin na tila nag-iisip si Inigo na parang inaalala ang binanggit na pangalan. “Yung kumakanta sa bar, remember her?” dugtong pa nito.

“Ah, yes. I remembered.” He said.

Pabalik na si Maris sa mesang inuokopa nila ng kaibigan ng mapansin niyang may mga kasama na ito. Lumapit si Maris sa mga ito.

“She’s here” Carlie said referring to her.

Lumingon ang dalawang lalaki na kasama nito. Ang isa sa mga ito ay ang boyfriend ni Carlie na si Kevin. At sa dinami-dami ba namang lalaki sa mundo, siya na naman.

“Ikaw na naman! Sinusundan mo ba ako ha?” pataray niyang sabi sa lalaki.

“Huwag ka ngang feelingera. Ba’t naman kita susundan, aber?” He said in sarcasm.

“Malay ko sayo. At kung ano man ang masamang binabalak mo, wag mo nang ituloy kasi di ka uubra sakin.” banta niya dito.

Napailing na lang si Inigo sa sinabi niya. “You’re out of your mind.”

“Teka lang guys, magkakilala ba kayo?” nalilitong tanong ni Kevin.

“NO” magkasabay nilang sagot ni Inigo.

“Eh ba’t parang kilala niyo ang isa’t isa?” si Carlie.

“Siya yung sinasabi kong lalaki sa mall.” magkasalubong ang kilay na sagot niya sa kaibigan.

“Really?” gulat na sabi nito. “What a small world kung ganun. Parang gusto ko na tuloy maniwala sa sinabi ni Shin. Mukhang destiny nga ito.” nanunudyong sabi pa nito.

“Baka naman may balak kayong i-share sakin yan” singit ni Kevin.

“Pinagbintangan lang naman ng kaibigan mo na magnanakaw itong kaibigan ko” ani Carlie sa kasintahan.

“What? Totoo ba yun, Pare? si Kevin.

Hindi sumagot si Inigo. Nagkibit-balikat lamang ito bilang tugon. Mayamaya’y lumapit na ang waiter dala ang pagkain nila.

Habang kumakain ay tahimik lamang sina Maris at Inigo, samantalang ang magkasintahan ay tuloy pa din ang kwentuhan.

“Awkward” nangingiting sabi ni Carlie.

“Look babe, para silang na set-up sa isang blind date.” natatawang sabi ni Kevin.

“Kung magsalita kayo parang wala kami dito ah!” asik niya sa magkasintahan.

“Mars, sasama daw sila sating manuod ng movie” Carlie said.

“Ano? Ayoko nga!” mabilis niyang sagot. “I mean kayo na lang Carl.” agap niya.

“Ang sino mang di sumama sa inyong dalawa, kakalimutan namin ni Kevin na kaibigan namin kayo.” determinadong sabi ni Carlie.

“Joke ba yan?” naiinis niyang sabi.

“Of course I’m serious! Do I look like I'm joking?” seryosong sabi ng kaibigan.

Tiningnan ni Maris si Kevin na pangiti-ngiti lang. Si Inigo naman ay parang walang pakialam sa nangyayari at patuloy lang ito sa pagkain.

“Okay” wala na siyang magagawa kundi ang sumang-ayon na lamang.

               

Nasa labas na sila ng sinehan ng magtanong si Kevin. “Anong movie ba ang gusto niyong panuorin?”

“Yung Beauty in a Bottle na lang. Mukhang maganda yun at nakakatawa pa.” sagot ni Carlie. Sinang-ayunan na rin ng lahat ang movie na gusto nito.

Hindi mapakali si Maris sa kinauupuan nito. Eh kasi naman, katabi niya ang mortal enemy niyang si Inigo. Kapag minamalas ka nga naman. Bulong niya sa sarili.

Narinig ni Maris na may kinausap sa cellphone ang lalaki. Pagkatapos nitong kausapin ang tumawag ay nagpaalam na si Inigo sa kanila. Nagkaroon daw ng emergency sa opisina nito.

Nang makaalis na si Inigo ay saka lang ulit nakahinga ng maayos si Maris.

WHEN LOVE AND HATE COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon