Chapter 6

912 81 1
                                    

Sumasakit na ang ulo ni Maris sa kakaisip ng solusyon sa problema niya. Namumroblema siya ngayon kung saan siya kukuha ng pambayad sa matrikula ng kapatid niya. Enrollment na kasi for 2nd semester at nanganganib itong matigil sa pag-aaral.

Hindi rin naman kasi kalakihan ang sinusweldo niya sa pagkanta sa bar. Kung meron lang sana siyang ibang mapapasukang trabaho na medyo mataas-taas ang sahod eh baka matagal na siyang umalis sa bar.

Naisip rin niya na mangutang na lang muna sa mga kaibigan ngunit kinakain naman siya ng hiya.

“Ang hirap talaga kapag breadwinner ka. Ikaw lang talaga ang inaasahan ng pamilya mo. Haixt! Ba’t kasi di kami ipinanganak na mayaman eh. Madami diyang mga mayayaman pero winawaldas lang ang pera nila sa mga walang kwentang bagay.” Sentimyento niya sa sarili.

Tumayo na lang siya sabay bitbit ng bag na nakapatong sa kama niya at lumabas nang kwarto. Nakita niya sa sala ang mga magulang niya. Minamasahe ng mama niya ang papa niya.

“Ma, Pa alis muna po ako.” paalam niya sa mga ito.

“Saan ka ba pupunta?” tanong ng mama niya.

“Dadalawin ko lang po si Carlie, Ma” sagot niya sa ina.

“Ah sige anak, ingat ka” sabi naman ng papa niya.

Tumango lang siya bilang tugon at humalik sa mga ito at saka nagpaalam na.

     

Pagpasok ni Maris sa loob ng coffee shop ng kaibigan ay namataan niya agad ito na nakaupo sa isang mesa. Kausap nito ang isa pa niyang kaibigan na si Shin at ang boyfriend nitong si Kevin. Parang gusto niya tuloy tumalikod at umuwi na lang. Di na niya yata kayang ituloy ang plano niyang mangutang dito.

Okay lang sana kung si Shin lang ang kasama nito kaso kasama din nito si Kevin kaya mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng hiya.

Hindi naman kasi sila close ni Kevin pero itinuturing na rin naman niya itong kaibigan dahil girlfriend nito ang isa sa bestfriends niya. Mabait naman sa kanya ang binata pero naiilang siya dito kapag kasama ito.

Ang pamilya ni Kevin ang isa sa mga mayayaman at sikat na angkan sa bansa. Madami tuloy naiinggit sa kaibigan niya dahil ito ang nakabihag sa puso ng lalaki.

Akma na sanang tatalikod si Maris ng tawagin siya ni Carlie. Napansin na pala siya ng kaibigan niya. Ngumiti ang tatlo sa kanya kaya ang kaninang balak niyang pagtalikod at pag-uwi ay di na niya naituloy.Lumakad na siya palapit sa tatlo.

Nakipag-beso siya sa dalawang kaibigan at nginitian naman niya si Kevin. Tumango naman ang lalaki sa kanya bilang tugon.

Umupo siya sa tabi ni Shin. Pakiramdam niya ay di siya kumportable sa kinauupuan niya. Alam niyang nagtataka ang mga ito kung bakit siya napadpad sa coffee shop.

“Buti naman at naisipan mong dumaan dito Mars.” ani Carlie.

“Ahm. . . Oo nga eh” nasabi na lang niya.

         
Tinitigan siya ng mabuti ni Shin. Parang binabasa nito ang nasa isip niya kaya napayuko na lang siya.

“What’s wrong Mars?” si Shin.

 Umiling siya. “Nothing”

“C’mon girl! Mga kaibigan mo kami, so tell us. What’s bothering you?” nag-aalalang tanong ni Carlie.

“C-can I have a favor guys?” nahihiyang sabi niya.

“Spill it out Mars” Shin said.

WHEN LOVE AND HATE COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon