Chapter 14

742 62 2
                                    

Suot na niya ang damit na pinadala ni Inigo sa kanya. The dress fits her perfectly. Ang kapatid naman niya ang nagboluntaryong mag-ayos sa kanya. Siya kasi simple lang. Konting pulbo, lipgloss at nakalugay na buhok, ayos na sa kanya samantalang ang kapatid niya ay parang laging aattend ng party ang ayos kapag lumalabas ng bahay.

         

“Anong hairstyle ang gusto mo ate? Buns, braids or up-dos?” ani Yani

         

“Ano sa tingin mo ang mas bagay sakin?” tanong niya sa kapatid.

         

“I think mas bagay sayo ate yung twisted bun updo.” Saad nito

         

“Edi yun na lang gawin mo.” Utos niya dito.

         

“Yes Ma’am!” sagot naman nito.

         

Pumasok ang mama niya sa kwarto niya at natuwa ito ng makita siya sa ganoong ayos. Tapos na kasi siyang ayusan ng kapatid niya at ready na siyang umalis. Si Inigo na lang ang hinihintay niya. Susunduin daw kasi siya nito sa bahay nila.

         

“Wow, anak! Ikaw ba yan?” manghang sabi ng mama niya.

         

“Bagay ba sakin ang ganitong ayos Ma?” tanong niya sa ina.

         

“Sobra! Mukha kang prinsesa anak.” Wika nito.

         

“Dahil yan sa powers ko, ako kasi ang fairy god mother ni ate.” Singit naman ng kapatid niya.

         

“Sya, thank you sister.” Aniya

         

“Speaking of prinsesa anak, yung prinsipe mo pala nasa baba na. Kanina pa naghihintay. Infairness, mas lalong pumogi si Inigo ngayon.” Sambit ng mama niya.

         

Pagbaba niya ay nakita niya si Inigo na nakaupo sa sala nila. Nang makita siya ng binata ay parang kumislap ang mga mata nito. At tama nga ang mama niya, mas pogi lalo ngayon si Inigo. Tumayo ito at sinalubong siya sa baba ng hagdan.

         

“You look exquisitely beautiful tonight Maris.” Ani Inigo.

         

“Thank you sir. You too, you look perfect.” Ganting puri niya sa lalaki.

         

Nagpaalam na sila ni Inigo sa mga magulang niya.

==========

           

Madami ng mga bisita sa hotel na pinagdadausan ng party ng dumating sila ni Inigo. Madaming mga sikat na personalidad na bisita sina Mr. and Mrs. Fuentebella. May mga artista, pulitiko, businessman at ilang miyembro ng media na naroon.

         

Pagpasok nila ni Inigo ay sa kanila nabaling ang atensyon ng mga bisita. Marahil ay nagtataka ang mga ito kung sino ang kasama ni Inigo. Nakita niya si Eurika na nakatingin din sa kanila.

WHEN LOVE AND HATE COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon