Chapter 40 - Insult

Start from the beginning
                                    

"Sa akala mo naman maniniwala ako, at sa akala mo naman aalis ako sa tabi mo!" Pang-iinis pa rin nito na tila tinutulak talaga si Anne para magalit ng husto.

Ang attention ng mga kaibigan nila ay nasa kanila ng dalawa kaya naman sinaway na sila ni Judith. 

"Hoy kayong dalawa hindi ba kayo titigil? Ganyan na lang ba kayo palagi. Ikaw Paul mahiya ka naman, party 'to ng anak mo tapos sisirain mo." Saway ni Judith sa kanila.

"Itong bff mo ang pagsabihan mo!" Katwiran ni Paul.

"Bestie hayaan mo na yan. Sige na, aalis na lang ako. Pakitingin na lang sa mga bata ha." Singit ni Anne na hindi na kinaya ang kakulitan ni Paul. Umalis na lamang sya sa party at nag-drive kung saan. Babalikan na lang nya ang mga bata kesa makita ang pagmumukha ni Paul.

Pag-alis ni Anne. Natahimik ang mga tropa ni Paul. Pero makailang minuto ng katahimikan ay sinisi ng mga ito si Paul dahil sa inasal nito kanina.

"Bro mali ang ginawa mo. Hindi ka namin kakampihan this time." Paunang wika ni Anton na naiiling na lang.

"Oo nga bro hindi mo dapat binastos si Anne ng ganon. Tapos dito pa talaga sa party ng mga bata. Hindi ka man lang naghanap ng chance na inisin sya sa ibang lugar." Sang-ayon ni Joven.

"Nakita mo ba. Hindi ka pinatulan ni Anne dahil below the belt na yung sinasabi mo sa kanya. Alam mo ba kung ano ang totoo sa mga picture na yun? Nag-research ka ba bago mo pinagsalitaan ng ganon ang best friend ko?" Inis na sermon ni Judith dahil alam nito ang totoo sa pagkatao ni Colton at Jessie. "Di ba nagsalita na si Colton about sa picture na yun. Bakit hinuhusgahan mo pa rin yung tao? Hindi ba dapat sa lahat ng tao ikaw yung mas nakakaintindi at nakakakilala kay Anne?" Inis na dugtong pa nito.

"Oo nga Bro, tsaka kilala ko si bayaw hindi nun babastusin ng gaya ng iniisip mo si Anne. Pinagtanggol pa nga nya si Anne sa mga nanghuhusga sa kanya di ba. Magkakaibigan lang yung tao kaya hindi mo dapat sila hinusgahan ng ganon." Sabad ni James dahil kinuwento na ni Jessie ang totoo sa kanilang mag-asawa about sa mga picture na yun sa Singapore matapos pagkaguluhan sa social media.

"Sorry na guys hindi ko sinasadya. Nadala lang ako ng selos sa Colton at Jessie na yun." Nahihiyang sagot ni Paul na tila isang bata na sinisermonan ng mga nakakatandang kapatid.

"I think you owe her an apology, Paul." Sabad naman ni Madie.

Bumalik si Anne sa party nang medyo nagdidilim na at tapos na ang party. Sinundo na nya ang tatlong bata at nagpaalam na kay Kyle. Dinahilan na lang nya kay Kyle na may emergency meeting syang pinuntahan kaya sya nawala. Pero ang totoo ay nasa isang park lang sya at dun nagpalipas ng oras after nya magsimba. 

Kumaway lang si Anne kina Judith para magpaalam. Pero hindi nya dinaanan ang table kung saan nakapwesto ang buong tropa. Hindi naman nakatiis si Paul kaya hinabol nya si Anne ng papalabas na ng gate para mag-sorry.

"Anne, I'm sorry nabigla lang ako sa sinabi ko kanina. I didn't mean to insult you, I was just jealous." Paumanhin ni Paul ng nasa harap na ng kotse sina Anne.

"It's alright, have a goodnight!" Maigsing sagot lamang ni Anne sabay sakay ng kotse at pinaharurot nya ito ng mabilis. Pag ganon magdrive si Anne alam ni Paul na galit ito.

Pagbalik ni Paul sa nag-iinuman na mga kaibigan ay malungkot ang mukha nya. Kaya tinanong agad sya ng mga kaibigan kung nakatikim na naman ba sya ng sampal kay Anne.

"Wala syang sinabi kundi it's alright, have a goodnight! Tapos pinaharurot na nya ang kotse nya." Malungkot na kwento nya sa mga ito.

"Kilala ko ang best friend ko. Kapag masama ang loob nun or may seryosong problema. Ganon yun tahimik lang at hindi nagsasalita ng kahit ano." Sabad ni Judith sabay paalam na rin para umuwi na ng bahay. 

Pinipigilan sila ng tropa pero ayaw na magpapigil ni Judith. Nag-aaya na rin kasi si Liam umuwi dahil inaantok na.

"Sige guys, mauna na kami ha medyo gumagabi na, tara na bi." Paalam na rin ni Ivan sa tropa. "Ikaw din bro umuwi ka na at ayusin mo ang utak mo. Kung ano-ano kasi ang lumalabas sa bibig mo na hindi mo muna iniisip bago bitiwan. Pa-win her back ,win her back ka pang nalalaman. Babastusin mo lang pala yung tao." Inis na baling pa nito kay Paul sabay lakad na palayo sa mga kaibigan.

"Ikaw kasi bro e, maling-mali ang padali mo!" Paninisi ni Anton sa kaibigan ng makaalis na sina Judith.

"Gosh! Ang tanga-tanga ko talaga. Paano kaya ako makakabawi nito!" Sisi ni Paul sa sarili sabay hilamos ng kamay sa mukha.

Kinabukasan tinawagan agad ni Paul si Judith para mag-sorry sa inasal nya kay Anne kahapon. Kinulit muli nya si Judith para tulungan sya na makabawi kay Anne. Pero tinanggihan na sya ni Judith dahil nga hindi nito nagustuhan ang ginawa nya sa best friend nito.


Ano kayang gusto ng dalawang ito para magkasundo, lol!   

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Where stories live. Discover now