Chapter 40 - Insult

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ewan ko sa inyong dalawa, magsama kayo!" Kunwaring inis na wika nya kay Colton at Jessie. Dahil natutuwa ang dalawa sa kanya kapag naiinis sya. Kaya hinalikan sya bigla ng dalawa sa magkabilang pisngi. Ito namang si Ken panay ang nakaw ng picture sa kanila at sa iba pa nilang kasama sa Singapore. Tapos post agad sa social media ang gago.

Kaya ayun agad kumalat ang picture na yun. Akala tuloy ng iba na mapanghusga ay flirt si Anne. Kaya mula noon ay iniwasan na muna nya sumama sa dalawang kaibigan na beki. Kibit balikat na lang nya ang ibang negative comments against her dahil alam naman nya ang totoo. Hindi naman nya pwedeng ipangalandakan ang sekreto ng dalawa para lang maligtas sya.

Pero si Paul ay naniwala sa mga chismis sa social media. Sabi nga sa kanta na Where is the love by Black eyed peas. Wrong information always shown by the media. Negative images is the main criteria. Infecting the young minds faster than bacteria. 

Kaya hindi na nagtataka si Anne na mahusgahan dahil sa maling information na kumakalat laban sa kanya ngayon. But anyway, may kasalanan din naman sya dahil masyado syang naging malapit at kampante sa dalawang kaibigan.

Magbi-birthday si Kyle at sa bahay nina Mickey gaganapin ang birthday party sa linggo. Si Anne at mga anak nya ang number 1 request guest ni Kyle. Kaya naman agad pinadala ni Mickey sa address ng foundation office ni Anne ang invitation card nila. Hindi kasi nito alam ang home address nina Anne. Pero nagmessage din ito sa Facebook ni Anne na nagsend ito ng invitation card para sa birthday party ni Kyle at pinaunlakan naman yun ni Anne.

Pagdating ng linggo ay magkasunod na dumating sina Judith at sina Anne sa bahay nina Mickey. Magsisimula na ang party ng dumating sila. Sobrang saya ni Kyle ng makita si Anne at mga anak nya. 

Agad nitong niyaya ang kambal at si Yosef pati mga anak ng mga tropa ni Paul sa unahan para magkakatabi sila sa table. Si Anne naman ay nagpaiwan na lang sa tabi nina Judith. Natatanaw naman nya ang mga anak nya sa kanyang pwesto. Nang magsimula na ang program para sa mga bata ay nagulat si Anne dahil biglang sumulpot sa likod nya si Paul.

"Ano ba, papatayin mo ba ako sa gulat!" Reklamo nya kay Paul na may kasamang irap.

"Nagulat ka ba? Bakit hindi ka na ba sanay na may nanggugulat sayo? Sanay ka na ba na ikaw ang palaging may panggulat sa mga tao?" Sarkastikong sagot ni Paul na kinainis naman ni Anne. Umupo pa ito sa tabi nya.

"Anong pinagsasasabi mo dyan, lasing ka na ba?" Inis na tanong nya sabay tingin ng masama kay Paul.

"Nasaan na yung dalawang lalaki na nilalandi mo? Bakit di mo kasama?"

"What!" Salubong na ang kilay nya.

"Iba na pala ang trip mo ngayon. Gusto mo na ng threesome!" Biglaang sambit ni Paul na kinainis lalo ni Anne.

"Pwede ba magdahan-dahan ka sa mga sinasabi mo!" Galit na ang tono nya. Di na sya natutuwa sa lumalabas sa bibig ni Paul. Isa pang maling imik nito ay tuluyan na talagang kukulo ang dugo nya. May inom na ito kaya iniintindi pa nya kanina.

"Bakit hindi ba totoo? E sabi sa social media jowa mo daw yung dalawa na kahalikan mo sa picture e!" May tono ng pangungutyang sabi ni Paul na may ngisi pang mas nakakapang-init ng ulo ni Anne.

"Wala ka na dun! Lumayo ka nga sa akin kung ayaw mong masira ang party ng anak mo. At isa pa wala akong kahalikan na dalawang lalaki naiintindihan mo!" Gigil na sagot nya pero pabulong lang.

"Talaga lang ha e lahat ng balita sayo nababasa ko. At yung huli, kahalikan mo yung Colton at Jessie! Anong tingin mo dun kaibigan lang ha!"

"Wala kang alam sa totoong kwento ng picture na yun. Kaya pwede ba lumayas ka sa tabi ko!"

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon