Chapter 38 - Papansin

Start from the beginning
                                    

"Yes babe mo ang pagmumukha mo, sira ulo!" Bulong nya sa halos mabuwal na si Paul sabay talikod at hakbang.

"Babalik ka rin sa akin!" Biglaang bigkas ni Paul.

"Gago! Wag kang assuming at papansin." Sagot nya habang patuloy sa paghakbang palayo kina Paul.

"Yeah, right!" Sambit nito pero di na narinig ng kausap dahil nakalayo na.

"Bro, lasing ka na nga, ang lakas ng loob mo kanina tawaging babe si Anne ha." Kantiyaw ni Joven ng tuluyan ng makaalis si Anne.

"Di ako lasing ha, nakainom lang ako. Basta tandaan nyo guys, babalik din yang ex ko na yan sa akin. Pero sa totoo lang, hindi ko na nga ata kaya magdrive mamaya. Baka dito na kami matulog ni Kyle, okay lang ba pareng Ivan?" Pakiusap nya sa kaibigan.

"Okay lang naman bro. Pero tawagan mo muna si Mickey baka kasi hanapin nya si Kyle." Sagot ni Ivan.

Pagkatapos nga ng party ay doon na natulog ang mag-ama ni Paul at Kyle sa bahay nina Judith. Pinahatid na lang ni Paul si Lucy sa best friend nito na si Jenny at asawang si Joven.

Kinaumagahan, maagang bumalik si Anne sa bahay nina Judith. Hindi yun inaasahan ng mag-asawa at mas lalong hindi inaasahan ni Anne na madadatnan si Paul sa bahay ng mga ito.

"Bestie good morning!" Masayang bati nya kay Judith pagkabukas nito ng gate.

"Bes, magandang umaga din. Ba't ang aga mo ata? Halika pasok, kaya lang medyo may kalat sa loob baka magulat ka." Natatawang sagot at bati din nito.

"Kalat lang pala bes, okay lang yun ano ka ba. Meron kasi akong interview na naman mamaya. Tinawagan nila ako kagabi pagdating ko sa bahay. Baka matraffic ako mamaya kaya inagahan ko. Naisip ko na dito na lang sa bahay mo tumambay."

"Talaga, di ba mas malapit kay Ate Lala ang pupuntahan mo?" Pagtataka nito.

"Oo, pero umalis kasi sya e. Uuwi daw sya sa mga anak nya sa Bulacan." Paliwanag nya habang patuloy ang paglalakad paloob ng bahay ng kaibigan.

Si Judith naman ay tumango lang.

"Omg! Andito ka pa rin!" Gulat na bigkas ni Anne pagkakita kay Paul na nagkakape sa may salas kasama ni Ivan.

"Yan nga ang sinasabi kong kalat sayo bes. Nalasing, kaya dito na natulog. Si Kyle andon katabi ni Liam. Tulog na tulog pa sila." Tumatawang sagot ni Judith.

"Good morning ex!" Masayang bati ni Paul kay Anne na tila nang-aakit ang ngiti pero may kasamang pang-iinis ang dating kay Anne. "You want some coffee? Ipagtitimpla kita, di ba you want a creamy coffee, right?" Dugtong pa nito na lalong nagpainis kay Anne.

"No thanks! Baka lagyan mo pa ng lason ang kapeng gagawin mo!" Sagot at irap nya dito. "Hay naku bes, dun na nga lang tayo sa kusina mo. Nasisira ang araw ko dito!" Yaya na lamang nya sa kaibigan. Naiwan namang ngingisi-ngisi si Paul sa may salas.

"Sige bes tara sa kusina, dun tayo uminom ng kape. Bakit kasi hindi ka tumawag, yan tuloy nadatnan mo si Paul dito." Tanong ni Judith habang papasok sila sa kusina.

"Malay ko ba naman bes na napaka-kapal pala ng mukha nyan, dito pa natulog." Sagot nya habang nagtitimpla ng kape nilang magkaibigan. Si Judith naman ay nagpatuloy sa pagluluto ng agahan nila.

"Nalasing nga kasi sya kagabi. Baka maaksidente pa sa daan e may batang kasama. By the way, nagbreakfast ka na ba?" Malambing na tanong nito.

"Kumain lang ako ng bread kanina pagkatapos kong magjogging. Ano bang niluluto mo?"

"Eto hotdog favorite ni Kyle at Liam. Si Paul at Ivan gusto daw nila tapsilog. Ikaw ba, what do you want? Ako, baka hotdog and egg na lang."

"Sige, same na lang tayo bes. Sarapan mo ang fried rice mo ha. Yung parang sa steak house." Malambing na request nya dito.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Where stories live. Discover now