Chapter 24 - Cold

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sabi ko anong nangyare sa asawa ko sa Pilipinas? Bakit ang cold na naman nya sa akin ngayon. Tapos napapansin ko pa na palagi syang may kausap sa cellphone. Iniisip ko na lang na baka parents nya yun." Muling tanong ni Lui. "May naging problema ba sila ng parents nya or sa business niya?" Dugtong pa nito.

"Ah wala naman Sir, siguro nahohomesick lang yun kaya ganon. Ah nasabi nyo na po ba sa kanya na lilipad kayo papuntang Australia?" Pag-iiba ni Judith sa usapan.

"Sabagay, baka nga." Sang-ayon nito. "Hindi ko pa nga nasasabi sa kanya e. Kasi baka isipin nya na kaya ako pupunta ng Australia e para kay Kate." Nag-aalalang dugtong pa nito.

"Baka naman nalaman na nya na papunta ka dun kaya parang nagiging cold sya sayo." Conclusion ni Lala.

"I don't know pero nagwoworry talaga ako. Ano kaya kung isama ko na lang sila sa Australia kasi magbabakasyon na rin naman ang mga bata sa school." Suhestyon ni Lui.

"Ay alam mo Sir magandang idea yan!" Sang ayon ni Judith dahil naisip nya na mapapalayo ang isip ni Anne kay Paul.

"Teka lang, okay lang ba kayo Dith ni Anne? Kasi napapansin ko parang di na ata kayo nag-uusap kahit tawagan man lang. E dati-arati naman after ng trabaho natin sya ang katawagan mo palagi. Tapos nung dumalaw sya sa atin sa apartment parang napansin ko na hindi kayo nag-usap, umalis ka pa. Samantalang noon daig nyo pa ang mga sawa kung maglingkisan at wala kayong umay magkwentuhan." Pagtataka ni Lala.

"Oo naman Ate, nagkataon lang na kailangan kong maggrocery noong dumalaw sya. Nagtatawagan naman kami minsan 'te." Alibi nito.

"Kinakabahan talaga ako sabihin sa kanya na kailangan kong pumunta ng Australia. Baka kasi ituloy nya ang divorce na gusto nya." Singit na may pag-aalala pa rin ni Lui.

"Malamang!" Biglaang sagot ni Judith pero yun ay dahil naisip nya si Paul at Anne na may lihim na relasyon kaya sya nakasagot ng ganoon. Hindi dahil sa baka di inaasahang pagkikita ni Lui at Kate sa Australia. "Ah I mean tama ka sir! Pero siguro naman maiintindihan ka nun kasi trabaho naman ang ipupunta mo sa Australia. Kaya i-try mo na rin sabihin." Nalilitong dugtong pa nito.

Kinagabihan nga pagdating ni Lui sa bahay ay sinabi na nya kay Anne na kailangan nyang pumunta sa Australia next week para sa bagong branch ng restaurant doon.

Wala namang reaction si Anne sa sinabi ni Lui. Kaya nagtaka si Lui sa asawa nya dahil hindi man lang ito nagtanong o nag-alala sa muli nilang pagkikita ni Kate sa Australia. Samantalang ito ang dahilan kung bakit muntik-muntikan na silang magdivorce noon.

"Love what can you say? Do you want to say something?" Worried na tanong ni Lui dahil hindi nito malaman kung ano ba ang laman ng isip ni Anne. Kung galit ba ito o ano.

"Wala, meron ba akong dapat sabihin?" Sagot ni Anne na nakangiti pa sa asawa.

"Ha, wala naman! Akala ko lang magagalit ka?" Kunot noong sagot ni Lui dahil nagtataka.

"Of course not, trabaho yan kaya sige go lang!"

"Talaga ba love, hindi ka galit?"

"Bakit naman ako magagalit?"

"Di ba andon si Kate. Pero if you want, pwede naman kayong sumama ng kambal tutal bakasyon na naman nila next week." Lakas loob na alok nito.

Nawala sa isip ni Anne na andon nga pala si Kate sa Australia. Pero wala naman syang nararamdaman na selos dahil happy sya sa lihim na relasyon nila ni Paul. 

"Okay lang ako love, trabaho yan kaya alam ko na mag be-behave ka dun. At tsaka andon naman ang asawa ni Kate di ba. So there is no reason for you and Kate to do something na makakapag pahamak sa inyong dalawa." Dugtong pa nya.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon