Chapter 20 - Again

Magsimula sa umpisa
                                    

"E kasi si Judith di nagpaalam na pupunta sa farm ng parents ni Anne tapos dun pa natulog. Nagtampo nga ako e. Andon na sya nang sinabi sa akin. Di ko man lang sya naihatid, nag bus daw sya papunta dun, malayo ba yun bro?" Tanong nito. Balak sundan si Judith para sunduin.

"Hindi naman, kasi Laguna lang naman yun. Kaso pagbaba ng high way malayo-layo pa ang barangay kung nasaan yung farm. Kaya kailangan pang mag-jeep and then tricycle, that's what I've observed every time I visit there." Kwento nya na tila gumanda ang mood dahil naalala ang memories nila ni Anne sa farm na yun.

"O bakit nakangiti ka dyan!" Puna ni Ivan.

"Wala lang naalala ko lang si Anne!" Nakangiti pa ring sagot nya.

"So nakarating ka na nga pala dun. Samahan mo kaya ako bro sunduin natin si Judith." Kumbinsi nito.

"Pwede naman, kaso baka magkasalisi kayo. Kailan ba sya babalik dito sa Manila?"

"Sabi nya mamaya daw afternoon. Bro magko-commute na naman e baka kung mapaano yun sa byahe. Napakawala kong kwentang boyfriend bro, hinahayaan ko mag-commute yung girlfriend ko. Di ko man lang masamahan sa mga pinupuntahan nya." Pag-aalala nito.

"Relax ka lang alam nun ang ginagawa nya. Tsaka ayoko na din pumunta dun naaalala ko lang si Anne." Sagot ni Paul na biglang lumungkot ang mukha na kanina ay nakangiti.

Naputol lang ang usapan ng dalawa dahil tumawag si Judith para sabihin kay Ivan na maya-maya lamang ay bi-byahe na ito pabalik sa Manila. Aagahan daw nito ang alis sa farm para hindi masyadong mainit sa byahe.

Nakahinga naman ng maluwag si Ivan dahil safe ang nobya nito na nakabalik sa Manila kinahapunan. Kaya after ng trabaho nito ay agad nitong pinuntahan sa hotel si Judith. Inaya na mamasyal sa mall para manood ng sine at kumain. 

Samantala si Anne naman ay nasa hotel lang na tinutuluyan nya at nagbabalak na pumunta sa bar ng gabing iyon. Ngunit sa kamalasan ay di sinasadya na nagkita sila ni Paul sa mismong hotel na tinutuluyan nya. 

Nang oras na yun ay may dadalawin si Paul na isa sa mga babae nito na naka-check in din sa hotel na yun at katabi pa ng room ni Anne. Kaya wala syang kawala kay Paul ng magtama ang landas nila ng mga sandaling iyon.

"Anne!" Gulat na wika ni Paul ng akmang magdodoorbell na sana ito sa pinto ng kabilang room na dadalawin sana nito.

Nagulat naman si Anne na nakita si Paul na nakatayo sa labas ng pintuan ng room sa tabi lang nya. Nabungaran agad nila ang isa't isa kaya pareho silang nagulat. 

"Attorney Paul ikaw pala!" Gulat at namumula ang pisngi na sagot nya.

"What are you doing here? I thought nasa US ka." Di makapaniwalang tanong ni Paul sabay lapit sa kinatatayuan ni Anne. Di na itinuloy ang pagdoorbell sa kabilang room.

"Ah naka.. naka-check in! Sige ha, pasok na ako!" Litong sagot nya sabay bukas uli ng pinto ng room nya. Di nya makayanan ang mga titig ni Paul ng mga oras na yun. Titig iyon na nang-uusig at tila galit sa kanya.

"Teka.. teka! Di ba palabas ka? Saan ka ba pupunta? Tsaka bakit babalik ka sa loob?" Medyo nawiwirdohan kay Anne na tanong nito.

"Ah hindi, akala ko lang kasi may tao sa labas kaya sinilip ko. Sige ha!" Alibi nya na di makatingin ng diretso sa kausap.

"Talaga ba, sa suot mong yan hindi halata na wala kang lakad." Natatawang wika ni Paul sabay hagod ng tingin sa buong katawan ni Anne.

Hapit na hapit ang dress nya kaya kitang-kita ang hubog ng katawan. Napakaganda pa rin ni Anne at lalong gumanda dahil sa make up. At amoy na amoy ni Paul ang pabango nya ng mga oras na yun. Kaya naman sa postura nya na yun ay hindi naniniwala si Paul na walang lakad si Anne.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon