Chapter 14 - Asking for a divorce

Magsimula sa umpisa
                                    

Ang kambal naman ay tuwang-tuwa din ng makita na magkasama ang mom at dad nila kaya nagyaya ang mga ito na kung pwedeng mamasyal sa mall. Pumayag naman si Anne dahil ayaw nya maging kontrabida sa paningin ng kambal. 

Nagpapanggap sya na masaya kay Lui palagi kapag kaharap ang mga ito. Pero itong araw na ito ay walang halong pagpapanggap dahil pakiramdam nya ay bumalik yung dating samahan nilang pamilya. Alam nya na bumabawi si Lui pero sira na talaga ang tiwala at pagmamahal nya dito.

Kinagabihan sinuyo na naman sya nito. Nilambing, minasahe, sinamahan sa pagligo sa bathtub pero hindi yun inaalintana ni Anne. Nagmamatigas pa rin sya. Kahit nga hinahalikan sya ni Lui ay hindi nya ito ginagantihan, para syang tuod at bato. May ilang linggo namang ganon si Lui sa kanya na walang sawang nanunuyo kahit mukha na itong tanga.

"Love, I miss you, sana bumalik ka na sa akin ulit." Pabulong na wika ni Lui sabay halik sa leeg ni Anne na nakatalikod sa kanya sa pagkakahiga sa kama.

Tila nakuryente naman si Anne sa halik na yun ng asawa. Pero hindi sya kumikibo at nagpapahalata na nagugustuhan nya ang paghalik-halik na yun ni Lui sa leeg nya. Bigla tuloy nya na-miss si Paul at napasok sa isip nya ang pagtatalik nila palagi.

"Ano ba Lui, maaga pa ako gigising bukas, okay. Please let me sleep!" Saway nya sa naglalambing na asawa. Pinipigilan talaga nya ang sarili na magpadala sa pangse-seduce sa kanya nito.

"Love I want to make love with you!" Bulong ni Lui habang patuloy na hinahalikan ang leeg nya. Ayaw nito magpapigil kahit sinasaway ni Anne.

"Wala ako sa mood pwede ba magpatulog ka!" Galit na ang tono na saway nya.

Kahit galit na ang tono nya ay tinuloy pa rin ni Lui ang paglalambing. Unti-unti namang bumibigay si Anne pero kinalaunan ay nagmatigas pa rin sya at pinigilan ang paglalambing nito.

"Lui I said stop! Nakakaintindi ka ba!" Galit at sigaw nya sa makulit na asawa.

"Bakit ba, asawa mo naman ako, di ba?" Medyo napahiyang sagot nito kaya tumigil na ito sa paghalik-halik kay Anne.

"Sa ngayon asawa mo pa rin ako pero sa mga susunod na buwan tapos na tayo!" Giit nya na may nanunuyang tono.

"Love di ba sinabi ko na sayo na ayoko makipag-divorce sayo. Magkamatayan na, pero hindi ako makakapayag na masira ang pamilya natin!" Galit na wika ni Lui sabay talikod na rin kay Anne. Tuluyan na rin itong natulog dahil ayaw naman itong pagbigyan ni Anne.

Sa sinabi ni Lui ay tila nagkaroon ng alalahanin si Anne. Naisip agad nya si Paul. Kaya naman sinabi nya agad kay Paul kinabukasan ang problema nya kay Lui.

"Babe, naguguluhan na ako kung anong gagawin ko kay Lui. Ayaw nyang makipag-divorce. Ang sabi nya hindi daw sya papayag sa divorce na gusto ko." Malungkot na balita nya kay Paul sa kabilang linya.

"Babe bakit daw ayaw nyang pumayag. Di ba may karelasyon na sya?" Tanong nito na nag-aalala din sa sinabi ni Anne.

"Ayaw daw nya masira ang pamilya namin. Gagawin daw nya ang lahat bumalik lang kami sa dati. Babe, nakikita ko ang pagbawi nya at araw-araw syang nanunuyo. Binabalik yung dating pagsasama namin, ako lang ang nagmamatigas pero kitang-kita ko ang mga efforts nya. At sabi nya wala na daw dito sa US yung kabit nya."

"Babe, paano tayo?" Pag-aalala nito habang hinahaplos ang noo.

"Hindi ko rin alam, sa ngayon magulo ang utak ko. Yung Kate kasi na yun matapos kaming guluhin, lalayasan din pala ang asawa ko at maghahanap ng ibang lalaki. Kaya ito ako ngayon, ako ang nahihirapan sa sitwasyon namin, natin." Inis na sagot nya dahil naalala bigla si Kate.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon