Chapter 13 - Left

Magsimula sa umpisa
                                    

"So pinaalam nyo sa mga parents nyo yang problema nyo?"

"Oo, ayaw namin maglihim sa kanila kaya ayun galit na galit sila kay Ken. Paano antayin kita dito ha. Ikaw na ang maghatid kay Kyle sa school, kasi aalis na kami mamaya ni Ken, flight na namin today."

Hindi na nakatanggi pa si Paul sa kagustuhan ni Mickey dahil flight na pala ng mag-asawa mamaya. Kaya agad niyang sinundo si Kyle. 

Matapos ihatid ni Paul ang anak sa school ay agad niyang tinawagan si Anne para sabihin na di siya  makakapunta ng farm dahil sa biglaang pangyayari. 

Hindi naman sumasagot si Anne sa tawag ni Paul dahil busy sa pakikipag-bidding sa isang bagong kliyente na may bagong tayo na mall sa Quezon province. Ilang oras din bago napansin ni Anne ang cellphone. At nakita niyang may limang missed call si Paul. Kaya agad siyang nag-call back kay Paul ng nasa kotse na.

"Babe, I'm sorry di ko nasagot ang mga tawag mo. I've been busy the whole time. So how are you today? Tuloy ka ba mamaya sa farm?" bungad ni Anne kay Paul sa kabilang linya.

"Yun na nga babe e, kaya ako tumatawag kanina para sabihin sayo na di ako matutuloy. Kasi andito si Kyle sa hotel. Ito nga katulong ko sya magligpit ng mga gamit na dadalhin namin sa condo. Di ba lilipat na ako sa condo bukas, nabanggit ko sayo yan the other day," nahihiyang sagot nito.

"It's okay babe I understand. Gusto ko sana tumulong sayo sa paglilipat. Kaya lang si mom and dad ayaw talaga ako tantanan, ilang araw na nila ako kinakaladkad dito sa business nila. I'm sorry din talaga ha wala na akong oras sayo. Pero teka lang, bakit nga pala andyan si Kyle? Di ba weekdays ngayon?" pagtataka nya.

"Out of the country si Mickey at asawa niya. Na-confirm kasi niya na nagche-cheat si Ken, buti na lang agad ding umamin si Ken. Babawi daw eh. Ang paraan nya ng pagbawi kay Mickey e magbakasyon ng sila lang for one month. Nagsisisi nga ako kung bakit sinabi ko agad na may alam ako sa ginagawa ng asawa nya na yun." paliwanag nito na may panghihinayang.

"Anong ibig mong sabihin babe?" takang tanong niya na nakakunot ang noo.

Agad namang pinaliwanag ni Paul ang alam nito about kay Ken. At kung bakit ito napilitan na sabihin kay Mickey yun.

"Sorry talaga babe ha, nagsisisi tuloy ako dahil hindi ako nag-ingat. Nabuko tuloy tayo ni Mickey. Hindi ko na din kasi natiis ang inis ko sa sinasabi nya against you. Kaya nakahanap ako ng paraan para sabihin ang tinatago ng asawa nya. Kaysa naman tayong dalawa ang pinag-iinitan nya. Di ko naman akalain na ganon pala kabilis manuyo si Ken at kailangan pa talaga lumayo ng napakatagal," paumanhin nito at mahabang paliwanag sa nakikinig lang na si Anne sa kabilang linya.

"Ano ka ba? Bakit ba panay ang sorry mo? Totoo naman ang sinabi ni Mickey about sa akin. Totoo naman na may asawa pa rin ako. Pero heto ako kinakabit kita at tama sya maaaring balikan tayo ni Lui kapag nalaman ang tungkol sa atin. Pero wala na akong pakialam dun dahil masaya ako sayo alam mo yan," mahaba ding sagot niya.

"Talaga ba babe? Sarap namang pakinggan nyan." 

"Sa tingin mo ba makikipag-relasyon ako ng bawal sayo kung di ako masaya? Alam kong kasalanan ang meron tayo pero dito ako masaya e. Kaya wag ka nang mag-alala at wag mo ng awayin si Mickey. Ang mga sinasabi nya ipasok mo na lang sa isang tainga mo pero ilabas mo sa kabila, okay!"

"Pero paano tayo, ilang araw ka na lang dito sa Pilipinas. Tapos ngayon pa tayo naging busy pareho. Miss na miss na talaga kita," may lungkot sa tono nito.

"Ano ka ba para ka namang bata dyan. If ever di tayo magka-chance magkita before I leave. Alam mo naman na babalik ulit ako ng Pilipinas di ba? Hihintayon ko lang matapos ang kambal ko sa eskwela nila. Tatlong buwan na lang yun magkakasama na uli tayo," bawi niya para di na malungkot si Paul.

Owning the Unfaithful (A rebellious wife)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon